KABANATA 19

2542 Words
                    SABAY na umuwi ng Maynila si Dimitri at Nerrie. Gusto pa sana nilang manatili sa probinsiya pero hindi pwede dahil kailangan nilang maghanda para sa medical mission ni Dimitri. And Dimitri wanted Nerrie to come with him. Wala naman 'yon kay Nerrie. Actually, sasama talaga siya dahil kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng kasintahan lalo na at nasa paligid lang ang mga alagad ni Erosho at naghihintay ng magandang pagkakataon upang sila ay paslangin at hindi niya hahayaang mangyari 'yon. Dimitri went to Anderson's Medical Hospital and Nerrie went to Escobar Intelligence Agency. "Are you sure about this, Agent Nerrie?" Paniniguro ni Diretor R ng mabasa nito ang resignation letter niya. Nerrie smiled. "Yes, Director." Kinuha niya ang badge at ang baril na ibinigay ni Director R noong nagsisimula pa lang siya bilang isang secret agent, i ilapag niya ito sa mesa ng Director. "Thank you for everything, Director R." "Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan sa pagreresign mo. Nanghihinayang lang ako dahil ikaw ang isa sa mga pinakamagaling kong agent." Anito na may panghihinayang ang boses. Nerrie smiled. "Marami pa naman ang mga agent na magagaling dito sa ahensiya mo, Director." Director R shrugged. "Even you're not in the agency, if you need help just call me." "Thank you, Director." Nerrie slightly bowed her head. "I'm taking now my leave, Director. Until we see each other again." Tumango ang Director. Nerrie stepped out from the Director's office and she went straight to the elevator. She pushed the first floor button. Nang makalabas siya ng elevator. Her phone rang. Nerrie smiled when she saw it's Dimitri. "Hello, Dimitri." "I'm outside the Escobar Intelligence Agency." Anito. "Palabas na ako." "Okay. I miss you." Nerrie chuckled and ended the call. Patakbo siyang lumabas ng building at kaagad niyang nakita si Dimitri na nakatayo sa tabi ng kotse nito. "D!" Kaagad na lumingon ang binata at ngumiti.  Hinalikan siya nito sa nuo ng makalapit siya. "Let's go?" Nerrie asked. "Uh-huh... Hinihintay na tayo ni Dad." Sagot ni Dimitri at binuksan ang pinto ng shotgun seat. "How about your Mom? Alam na ba niya?" Napakagat si Nerrie sa sariling labi at pumasok sa loob ng kotse. "Yeah. I told them last night. Dad was happy for us but I don't know for Mom, hindi naman siya nagsalita kagabi ng sinabi ko." Dimitri said and gently closed the door. Umikot siya papuntang driver seat and started the engine. "Maybe she was against us." Nerrie commented. "Kahit ayaw niya, wala siyang magagawa." Dimitri smiled softly. "Because we're meant to be." And he winked. Ngumiti si Nerrie. "Yeah. We're really meant to be. Pakiss nga." At hinalikan niya sa pisngi ang kasintahan. Namula naman si Dimitri sa ginawa ng kasintahan at pinaharurot ang kotse.  "You're red." Sabi ni Nerrie habang nakatingin kay Dimitri. "Don't mind me." Dimitri cleared his throat. "Really? Kinilig ka sa paghalik ko sa 'yo 'no." Nerrie teased Dimitri. "No." Dimitri denied. Nerrie chuckled. "Denial." Dimitri glanced at Nerrie. "Humanda ka mamaya dahil sa pang-aasar mo sa akin." "Oh? Anong gagawin mo?" Tanong ni Nerrie at tumaas ang kilay. "Secret." Dimitri smirked. "Hay naku. Magpokus ka kaya sa pagmamaneho mo." Sabi ni Nerrie at tumingin sa labas ng bintana. "Okay." Napatingin si Nerrie kay Dimitri ng pagsiklupin nito ang kamay nilang dalawa. Dimitri smiled. "Gustong-gusto kong hawakan ang kamay mo. It's warm and soft." Ngumiti lang si Nerrie at muling tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Nang makarating sila sa bahay nila Dimitri. Nakaramdam ng kaba si Nerrie. She already met them. Pero iba ngayon dahil kasintahan na niya si Dimitri. "Ang lamig ng kamay mo, Princess." Sabi ni Dimitri. "Kinakabahan ako, eh." "Huwag kang kabahan, Princess. Akong bahala sa 'yo. Let's go." Masuyo siyang hinila ni Dimitri papasok sa loob ng mansyon ng mga ito. Pagpasok nila sa loob ng mansyon. Naghihintay na sa kanila ang magulang ni Dimitri. Kinakabahang ngumiti si Nerrie. "Magandang hapon po." "Nerrie," lumapit sa kaniya ang ina ni Dimitri at hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Niyakap siya nito. Hindi lang si Nerrie ang nagulat. Nagulat rin ang ama ni Dimitri at si Dimitri mismo. "Welcome to the family, hija." Anang ina ni Dimitri. "Salamat po." Pasimpleng tumingin si Nerrie sa labas ng glass door patungong garden at nakita niya doon si Melissa. Kumindat ito at ngumiti bago naglaho. Napangiti na lang si Nerrie. Sunod na yumakap sa kaniya ang ama ni Dimitri. "Welcome to the family, hija." "Salamat po." Umupo sila. Magkatabi sila ni Dimitri at kaharap nila ang mga magulang nito. "Kumusta ka naman, hija?" Tanong ng ina ni Dimitri. "Maayos naman po, Ma'am..." "Hija, call me 'Tita' or 'Mommy', girlfriend ka ng anak ko." Nerrie smiled. "Maayos naman po ako, Mommy. I just resigned from being a secret agent." Nagulat si Dimitri. "You serious?" Tumango ang dalaga. "Yes. And besides ayaw ko na ang maging secret agent." Ngumiti si Dimitri. "I'm happy to hear that." "So kung ganun ano na ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong pa ng ginang. Umiling si Nerrie. "I heard from Dimitri na sasama ka daw sa medical mission niya bukas." Anang ama ni Dimitri. "Opo." "Kung wala kang pinagkakaabalahan bakit hindi ka pumunta sa boutique ko, Nerrie? I could teach you how to make gowns and dresses. 'yon na kasi ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Bumisita ka roon pagkatapos ng medical mission niyo nila Dimitri." Umaasang sabi ng ina ng kasintahan. "Sige po. Pupunta po ako." "Thank you, hija." Masayang sabi ng ginang.                     MALAYO AT LIBLIB ang lugar na pinuntahan ng medical team ni Dimitri. Marami rin silang mga escort na pulis at sundalo. Limang doktors at lima ring nurse ang kasama ni Dimitri sa medical mission. Nakaalalay naman si Dimitri kay Nerrie habang naglalakad sila. Pagdating nila sa lugar na pagdadausan ng medical mission, kaagad silang naghanda at nagsagawa ng pagcheck up at pagbabakuna sa mga bata. Tumingin si Dimitri sa kasintahan na parang nagbabantay sa paligid. Kilala na niya ito. Nakikita niyang seryoso ang anyo ng kasintahan kapag seryoso ang anyo nito. May nararamdaman itong panganib. Hindi naman niya ito malapitan dahil abala siya sa pagcheck up sa mga bata. Huminga ng malalim si Nerrie at naglakad-lakad. "Ma'am, huwag po kayong masyadong magpakalayo." Ani ng team leader ng mga pulis. Tumango si Nerrie. "Opo." Tumingin si Nerrie sa paligid. Simple ang pamumuhay ng mga tao sa pinuntahan nilang lugar. Napangiti si Nerrie habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa hindi kalayuan. Naalala niya ang mga kabataan sa kanilang kaharian. Minsan pinapanuod niya ang mga ito sa kanilang paglalaro. Ang mga bata ang tanging nagpapangiti sa kaniya kapag nasa kaharian siya maliban sa kaniyang mga kaibigan. Nerrie smiled but her smile disappear when she felt something. Pinakiramdaman niya ang ilalim ng lupa. Hanggang dito pa ba naman sinusundan niyo ako? Pasimpleng tumingin si Nerrie sa paligid. Maraming tao. Hindi siya makakakilos ng mabuti. Hindi naman siya pwedeng umalis dahil siguradong mag-aalala si Dimitri at makikita rin siya ng mga nakabantay na pulis at mga sundalo. Humanda kayong mga alagad ni Erosho. Papaslangin ko kayo mamayang gabi. Napabuntong-hininga si Prinsesa Nerrie at humawak sa isang halaman. Napangiti siya ng hindi ito nalanta at natuyo. Nilingon ni Nerrie ang kinaroroonan ni Dimitri na nakatingin rin pala sa kaniya. Nginitian niya ang kasintahan. "You okay?" Dimitri mouthed. Nerrie smiled and mouthed, "I'm okay." Dimitri smiled and continue his work.                     NIGHT came. Nagpapahinga na ang lahat. Nagtayo sila ng mga tent at doon sila nagpahinga. Wala namang problema sa panahon dahil maraming butuin sa kalangitan at maliwanag ang buwan. Malabong uulan. Apat na malalaking tent ang ipinatayo nila. Salitan rin sa pagbabantay ang mga pulis at sundalo. Tinignan ni Nerrie ang mga kasama sa loob ng tent. Tulog na ang mga ito. Mabuti naman. Bumangon si Nerrie at lumabas ng tent. Walang ingay siyang naglakad palayo sa mga tent. Mabuti na lang at hindi siya napansin ng mga nagbabantay. Hindi alam ni Nerrie na nakita pala siya ni Dimitri na nagpapahangin sa labas ng tent ng mga ito. Kumunot ang nuo ni Dimitri. Saan siya pupunta? Out of curiosity, sinundan niya ang dalaga pero iniwasan niyang makita siya ng mga nagbabantay. "Nerrie." Tawag niya sa kasintahan. Kaagad namang lumingon si Nerrie. "Dimitri? Anong ginawa mo dito? Bakit ka sumunod?" Sunod-sunod niyang tanong. "Hindi ba dapat ako ang magtanong kung bakit ka umalis doon? At anong gagawin mo?" Tanong ni Dimitri sa kasintahan. Nerrie sighed. "Lumayo ako dahil ayaw kong magkagulo roon. Nararamdaman ko ang mga alagad ni Erosho. Narito sila. Bumalik ka na roon, Dimitri. Dapat ko silang harapin at paslangin." "No." Sabi ni Dimitri. "Dimitri, please, baka mapahamak ka. Hindi birong kalaban ang mga alagad ni Erosho." Sabi ni Nerrie at lumitaw sa kamay nito ang scythe. Napatitig doon si Dimitri. Hinawakan ni Nerrie ang kamay ng kasintahan. "Wala ng oras para bumalik ka doon sa mga kasama natin. Nasa malapit na ang mga alagad ni Erosho. Kailangan natin silang ilayo sa mga tao." "Anong gagawin natin?" Tanong ni Dimitri. "Takbo!" Sigaw ni Nerrie at magkahawak kamay silang tumakbo palayo. "Huwag kang lumingon, Dimitri!" Sabi ni Prinsesa Nerrie. They ran as fast as they could. Naririnig nila ang pagkabali ng mga sanga ng puno sa kanilang likuran, indikasyon nito na nakasunod sa kanila ang mga alagad ni Erosho. "Tigil, Dimitri!" Nagtataasan ang mga puno kung saan sila tumigil. "Dimitri, marunong ka ba ng hand combat?" Tanong ni Nerrie sa kasintahan. "Kinda." "That's good enough. Let's fight together. Kung hindi mo sila kakayanin, tutulungan ka ng suot mong bracelet." Sabi ni Nerrie at tinignan ang mga alagad ni Erosho. "Marami na akong napaslang sa inyo. Hindi ba nanghihinayang ang inyong panginoon? Pero kunsabagay sa isang katulad niya imposible kung manghinayang siya sa inyo." Malamig na saad ni Prinsesa Nerrie. "Ang utos mg mahal na Erosho, paslangin kayong lahat! Kaya humanda ka, Prinsesa Nerrie!" Galit na sabi ng isang alagad ni Erosho. Nagtalikuran si Nerrie at Dimitri. "Dimitri, mag-iingat sa mga pesteng 'yan." Sabi ni Nerrie ng palibutan sila ng limang tauhan ni Erosho. Dimitri smiled. "I love you, my princess." Hindi na nakasagot si Prinsesa Nerrie dahil sabay-sabay na sumugod ang mga tauhan ni Erosho. Hinarap ni Dimitri ang dalawang alagad ni Erosho habang si Prinsesa Nerrie naman ang tatlong kalaban. Dahil nakainom si Dimitri ng dugo ni Nerrie na naihalo sa tubig ng walang hanggang buhay. Naging mabilis ang kaniyang mga kilos na parang hangin para labanan ang mga alagad ni Erosho. Walang sandata na hawak si Dimitri kaya wala siyang pamimilian kung hindi ang lumaban ng walang hawak na sandata. Malakas na sinipa ni Dimitri ang isa niyang kalaban at nagulat siya ng tumalsik ito ng ilang metro ng layo sa kaniya. Mabilis naman niyang inilagan ang sandata ng isa pang kalaban niya. Kahit abala sa pakikipaglaban, patingin-tingin pa rin si Prinsesa Nerrie sa kasintahan at nakikita naman niyang kaya nito ang mga kalaban nito. Nakikita niya ang mga kakaibang nagbago kay Dimitri. Napangiti si Prinsesa Nerrie at muling hinarap ang mga kalaban. Kailangan na niyang tapusin ang mga ito. Gusto na niyang magpahinga. Dimitri quickly avoid his opponent attack. Nakabangon na ang sinipa niya ng kanina na tumalsik ng ilang metro at sabay na sumugod muli ang dalawa. Umilag si Dimitri at mabilis na sinipa ang mga ito. Napaatras ang mga kalaban niya. When Dimitri suddenly felt different. Masyadong mabilis ang mga sumunod na nangyari. Nakita na lang niya ang mga kalaban niya na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. "A-anong nangyari?" Gulat niyang tanong. Lumapit naman si Nerrie sa kasintahan at hinawakan ang braso nito. Tinignan nilang dalawa ang mga wala ng buhay na alagad ni Erosho, naging abo ang katawan ng mga ito at naglaho. "Ganiyan ang nangyayari sa mga alagad ng kadiliman kapag sila ay napapaslang. Nagiging abo sila at naglalaho." Ani Prinsesa Nerrie. "Pero ... kanina... anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Dimitri kung paano niya napaslang ang dalawa niyang kalaban. Ngumiti si Nerrie at yumakap kay Dimitri. "It's one of the immortal's ability. They move like an air sometime to kill their opponent. Don't worry, D. Nangyayari lang 'yon kapag kinakailangan." Ipinalibot ni Dimitri ang braso kay Nerrie at hinalikan ito sa nuo. "Normal naman ako di'ba?" Nerrie smiled. "Oo naman, nakuha mo lang ang mga abilidad ng isang immortal dahil nakainom ka ng dugo ko." Dimitri swayed their body side by side. "Masasanay din ako." "Bumalik na tayo doon. Baka mahalata nila na nawawala tayo." Sabi ni Nerrie. "Pero bago tayo bumalik do'n may gusto lang akong gawin." Kumunot ang nuo ni Nerrie. "Ano?" "This..." And with that Dimitri kissed Nerrie. Nerrie accepted Dimitri's kiss and respond. They kissed like there's no tomorrow. And they smiled to each other when they pulled apart. "Let's go." Ani Dimitri. Nerrie grinned. Naglaho silang dalawa at lumitaw sa likod ng isang malaking puno na malapit sa mga tent. "Anong—" "Teleport." Sabi ni Nerrie. Napailing si Dimitri. "Sige na. Magpahinga ka na." "Okay. Ikaw din." Tumingkayad si Nerrie at hinalikan ang pisngi ng kasintahan bago siya naglakad pabalik sa tent ng hindi napapansin ng mga nagbabantay na pulis at sundalo. Napangiti naman si Dimitri.                     THE ONE WEEK medical mission was over. Pagkauwi nila, sumaglit si Dimitri at Nerrie sa hospital. After in the hospital, umuwi sila sa condo ni Nerrie. "It is okay if I stay here?" Dimitri asked. "Oo." Sagot ni Nerrie. "At isa pa gabi na, oh." Tumingin pa si Nerrie sa labas ng bintana at gabi na nga. Dimitri sighed and leaned on the sofa. "Okay. Dito na lang ako matutulog. I still have an extra clothes." Then he grinned and looked at Nerrie. "Tabi tayo." Nerrie shrugged. "Okay." Nagulat si Dimitri. "No. I was just kidding." "Dimitri," Nerrie breath. "Kung dito ka matutulog sasakit ang likod mo. Doon ka na lang sa kama para maging komportable ka." "Okay lang na may katabi ka?" "Yep. Sige sunod ka na lang. I will just take a shower." Ani Nerrie at pumasok na ito sa kwarto. Dimitri sighed. I'm in trouble. Napailing ang binata. Thirty-minutes ang pinalipas niya bago niya kinuha ang backpack at pumasok sa kwarto ng kasintahan. Kalalabas lang naman ni Nerrie ng banyo. "Can I use the shower?" "Sure." Nerrie answered while combing her long hair. "Thanks." Pumasok sa banyo si Dimitri. Habang si Nerrie naman ay humiga sa kama at nagkumot hanggang sa kalahati ng kaniyang beywang. Nerrie looked at her hand. Nabalot ng kulay lilang usok ang kamay niya. Napangiti si Nerrie at ibinukas sara niya ang kaniyang palad. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ng banyo si Dimitri at nakita nito ang ginagawa ni Nerrie. Dimitri smiled. He walk towards the bed. He sat on the edge of the bed and leaned on the headboard. Tumingin siya kay Nerrie na nakatalikod. "Princess." Tawag ni Dimitri sa kasintahan. Itinigil naman ni Nerrie ang ginagawa at humarap kay Dimitri. "Pumapasok ka ba sa loob ng simbahan?" Tanong ni Dimitri. Nerrie chuckled. "Honestly, no. Sa aming walong prinsesa, ako at si Renesmee ang hindi nakakapasok sa loob ng simbahan. Masusunog kami kapag papasok kami." "Have you tried it before?" Tanong ni Dimitri. "Oo." Sagot ni Nerrie at nginitian ang kasintahan. Napaisip naman si Dimitri. Hindi siya pwede sa simbahan. "Princess, what do you prefer? Beach or garden?" "Hmm?" "Beach siguro. Bakit?" Umiling si Dimitri. "Nothing. Just asking." Aniya at humiga sa kama. "Your life will be mess." Biglang sabi ni Nerrie. "Huh?" Nerrie smiled sadly. "Alam kong hindi tayo titigilan ni Erosho hangga't hindi niya tayo napapaslang." Dimitri sighed and the he smiled. " Mahal kita at kahit na anumang mangyari hinding-hindi kita iiwan. Pangako 'yan." "Pero magugulo ang buhay mo." Dimitri smiled. "Noon pa man magulo na ang buhay ko, Nerrie, and I'm willing to endure that mess just to be with you. I love you, my princess. Mahal na mahal kita." Nerrie smiled softly. "Mahal na mahal din kita, Dimitri." "Come here." Kaagad naman na lumapit si Nerrie and Dimitri wrapped his arms around Nerrie's waist. He planted a small kiss on Nerrie's forehead and closed his eyes. Napangiti naman si Nerrie sa gestures ng kasintahan. But then she was happy thay she was in his arms. She was contented.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD