KABANATA 28

2655 Words
MIDNIGHT. Tahimik na nagmamasid si Ezekiel sa paligid. Tumingin siya sa kalangitan. It was fullmoon and it was shining brightly. Napabuntong-hininga si Ezekiel habang nakatingala sa kalangitan. Umupo siya sa hood ng sasakyan niya at tumingin sa isang night club na nasa hindi kalayuan. Actually, nagmamanman siya. Minamanmanan niya ang lalaking may black snake tattoo sa braso nito. Napagalaman niyang kasali ito sa Black Snake Gang. Pinulot niya ang folder na nasa tabi niya at tinignan ang laman. Napangisi si Ezekiel. Ang lalaking may tattoo ng black snake na nakita niya sa restaurant ni Dayne, alam niyang may kinalaman ito sa nangyari sa pamilya niya. Ang gusto niyang malaman ngayon kung bakit nila pinatay ang pamilya niya. He's sure that his family is not into illegal business. Hindi na bale, nararamdaman niyang malapit na niyang malaman ang katotohanan at malapit na rin niyang makuha ang hustisya para sa pamilya niya. He can feel it. He just need to be patient. And for now, kumunot ang nuo ni Ezekiel ng may naramdaman siyang nakatingin sa kaniya. Wala sa sariling napatingin si Ezekiel sa itaas ng puno at nakita niyang may kwago doon na nakadapo sa sanga. Mas lalong kumunot ang nuo ni Ezekiel ng mapansin na nakatingin sa kaniya ang kwago. "Alam mo ba na may nagmamay-ari sa kwago na 'yan?" Nagulat si Ezekiel ng may biglang nagsalita sa likuran niya. Mabilis niya itong nilingon at kumunot ang nuo niya. Itinuro niya ang mismong sarili. "Are you talking to me, Miss?" He asked. "Ano sa tingin mo? Dalawa lang naman tayong tao dito ngayon?" Balik nito. "Pasensiya na, Miss, pero may ginagawa ako. Wala akong panahong makipag-usap sa 'yo." Ani Ezekiel at tumayo habang binabasa ang hawak na folder at tumingin sa night club. What if he will go in para makita niya ang lalaking sinundan niya. "Sandali, may sasabihin akong importante." Ani ng babae. "Okay. Ano 'yon, Miss?" Tanong ni Ezekiel. Hindi tumitingin si Ezekiel sa babae na lumapit sa kaniya at nakatutok ang mata sa binabasa. Name: Luis Bartolome Age: 53 years old Status: Single "Alam mo ba na sa tuwing kabilugan ng buwan, may mga nangyayaring kababalaghan." "Old saying." Sabi ni Ezekiel. No criminal records. He have many charities. He's the owner of Bartolome Company. "Pero paano kung totoo?" Napailing si Ezekiel. "Hindi ako naniniwala." "Alam ko pero hindi ba gusto mo siya?" Sabi ng babae na nagpatigil kay Ezekiel. Kunot ang nuo ni Ezekiel na tumingin sa babae. "Anong sinasabi mo, Miss? Okay ka lang ba? Naka-drugs ka ba?" Tumingin sa kaniya ang babae at doon niya lang nabisitahan ng mabuti ang hitsura nito. Maganda ito. "Loko kang bata ka. Hindi ako naka-drugs. Kung hindi lang talaga kailangan na kausapin kita hindi kita kakausapin pero hindi ko kasi alam kung matatanggap mo siya o hindi." Ani ng babae at bumuntong-hininga. "Okay. You can leave now if you want." Ezekiel said while looking at the folder. Melissa sighed and shooked her head. "Sinadya ko talaga na kausapin ka ngayon. Alam kong gusto mo si Prinsesa Dayne at kung gusto mo siya ng buong puso. Kilalanin mo siya ng mabuti at huwag kang magpadalos-dalos sa mga desisyon mo pagdating sa kaniya." "Pasensiya na pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo." Sabi ni Ezekiel. Ngumiti si Melissa at tinapik ang balikat ni Ezekiel. "Ngayon pa lang binabati na kita. SIge, mauna na ako." Nag;akad na palayo si Melissa habang nakakunot naman ang nuo ni Ezekiel na naiwan. "What the hell did she say? Wala yata akong naintindihan." Napailing si Ezekiel pero natigilan ng may maapakan siya. Nagbaba siya ng tingin at nagtaka ng may makita siyang mga balahibo na nakakalat sa lupa. Sa kinatatayuan kanina ng babaeng kumausap sa kaniya. Lumuhod si Ezekiel at pumulot ng balahibo na nakakalat sa semento. Ezekiel sighed and climbed in the car. At itinapon ang balahibo. When his phone that was place in the dashboard rang. Kinuha niya ito at sinagit ang tawag na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello. Who's this?" Ezekiel asked while looking outside the car's window. "Inatake ka na naman ng sakit mo, Zek." Ani Reigo sa kabilang linya. "Kuya, napatawag ka?" Tanong ni Ezekiel. "Nasaan ka?" Tanong nito. "Don't worry about me, Kuya. I'm fine." "Ezekiel, don't do stupid things." Reigo warned. "I know, Kuya. Don't worry. kaya ko ang sarili ko." Ezekiel assured. "Umuwi ka na, Zek. Wala akong tiwala sa 'yo. Alam kong may pinaplano ka lalo na at kinuha mo ang isang folder sa table ko. Ang alam mo siguro hindi ko malalaman 'no." Ani Reigo. Napangiwi naman si Ezekiel. "Oo na, Tay. Uuwi na ako." "Mabuti." At pinatay ni Reigo ang tawag. Napailing si Ezekiel. Daig pa nito ang tatay niya. Ezekiel sighed and started the car's engine. May bukas pa naman. Alam niyang hindi basta-basta makakawala ang mga minamanmanan niya. May palatandaan ang mga ito. With one last glance in that place. Ezekiel drove his car to go home.                     TAHIMIK na pinagmamasdan ni Dayne ang sarili sa salamin. Tumingin siya sa bilog na buwan. Napabuntong-hininga ang prinsesa at tumingin sa orasan. May isang oras pa ang hihintayin niya abgo bumalik ang dati niyang wangis. Napatingin si Prinsesa Dayne sa labas ng bintana ng kwarto ng marinig niya ang huni ng alaga niyang kwago. Napangiti naman si Prinsesa Dayne ng mabatid kung ano ang gusto nitong sabihin. Itinapat niya ang kamay sa salamin at naging isa itong seer portal. She saw Ezekiel lying on his bed. Dayne sighed and waved her hand infront of the seer portal. Nawala ang seer portal. Mapait na napangiti si Prinsesa Dayne. Nagmamahal siya sa isang nilalang na hindi niya alam kung kaya din ba siya nitong mahalin ng tapat. Ezekiel. "Why don't you make a move? Sa totoo lang naawa na ako sa inyong mga wala pang lovelife. Kapag dumadating ang ganitong oras, palagi na lang kayong na dito sa kwarto niyo at nagmumokmok." Nilingon ni Prinsesa Dayne si Melissa na bigla na lang lumitaw sa loob ng kwarto. "Anong gagawin ko? Hindi mo ba nakikita? Abala siya at mukhang hindi naman niya ako napapansin." Malungkot na sabi ni Prinsesa Dayne. "Ganiyan naman talaga di'ba?" Balik ni Melissa. "Hindi naman masama kung ikaw ang unang hakbang, mahal na prinsesa." Bumuntong-hininga si Prinsesa Dayne at humarap kay Melissa. "Kay Prinsesa Nerrie at Dimitri, sino sa kanila ang unang gumawa ng hakbang?" Tanong ni Prinsesa Dayne. Ngumiti si Melissa. "I don't remember." Napailing si Prinsesa Dayne at napaisip. Tumingin siya sa orasan. May kalahating oras pa bago bumalik ang dati niyang anyo. Tumingin siya kay Melissa. "May gagawin lang ako." Paalam ni Prinsesa Dayne. Ngumisi si Melissa. "Anong gagawin mo, mahal na prinsesa? Huwag mong sabihing gagawin mo ang katulad sa ginawa noon ni Prinsesa Nerrie." "Wala ka na doon." Ani Prinsesa Dayne at naglaho. Lumitaw siya sa balkonahe ng kwarto ni Ezekiel. Pero maliwanag sa loob kaya alam niyang gising pa ang binata at narinig niyang may kausap. Nagtago siya sa gilid ng glass door at sumilip sa loob. Habang sa loob naman ng kwarto, naglalaro ng online games si Reigo at Ezekiel. Hindi makatulog si Reigo kaya pinuntahan niya ang kapatid sa kwarto nito para makipaglaro ng online games. "Okay. I win." Sabi ni Ezekiel. Itinapon ni Reigo ang hawak na cellphone sa kama. "Ayoko ko na." Ezekiel laughed. "This is the fifth time that you lose to me, Kuya." Reigo layed on the bed and sighed. Bigla namang napatingin si Ezekiel sa labas ng balkonahe ng may narinig siyang nahulog doon. Tumayo siya at lumabas ng balkonahe. Nakita niyang nahulog ang isang pot at nabasag. Tumingin si Ezekiel sa paligid. Walang tao. Pero isang bagay ang nakakuha ng atensiyon ni Ezekiel. Ang flower hair pin na nasa sahig. Pinulot ito ni Ezekiel at pinagmasdan ang flower hair pin. Kumunot ang nuo niya. Paano nakarating ang hair pin ng babae rito? Imposible namang sa akin 'to. Hindi naman ako gumagamit ng ganito. Ezekiel tsked and went back inside his room. "Kuya, sa 'yo ba 'to?" Tanong niya kay Reigo at ipinakita ang flower hair pin. Tinignan siya ng masama ng kapatid. "Anong tingin mo sa akin? Bakla?" Ezekiel shrugged. "Malay mo naman." Inilagay niya ang flower hair pin sa ibabaw ng study table. Habang si Prinsesa Dayne ay muling lumitaw sa balkonahe. Bumalik na ang dati niyang anyo. Lagpas   alas tres na ng umaga. Kailangan na niyang bumalik sa bahay niya. Pero napatigil siya ng maramdamang wala ang hair pin niya. Tinignan niya ang buong balkonahe. Wala ang hair pin niya. Saan ko 'yon nahulog? Biglang bumukas ang glass door at natigilan si Ezekiel ng may makitang tao sa balkonahe ng kwarto niya. "Sino ka?!" Napatigil si Dayne sa paghahanap ng hair pin at kaagad na naglaho. "Anong—" Natulala si Ezekiel sa nasaksihan. At nang makabawi, tinignan niya ang paligid pero wala siyang makitang tao. Pero kitang-kita ng dalawang mata niya na may tao talaga dito sa balkonahe niya kanina. Alam niyang hindi namamalik-mata. Napailing si Ezekiel. Kitang-kita niya na bigla na lang itong naglaho. "Anong—" Nahilot na lang ni Ezekiel ang sentido at pumasok na lang sa loob ng kwarto. Kulang lang siguro siya sa tulog kaya kung anu-ano na ang nakikita niya. Humiga si Ezekiel sa kama at napatingin sa kapatid. Napailing si Ezekiel. "Pagod na nag sa trabaho. Hindi pa natulog ng maaga. Tsk! May gana pang nakipaglaro ng online games." Ezekiel sighed and closed his eyes until he fell to sleep.                     WALANG ganang naglalakad si Prinsesa Dayne habang pabalik sa kaniyang bahay. Hindi na siya gumamit ng teleportation at pinili na lang niyang maglakad. Muntik na siyang mahuli ni Ezekiel. Kung ano  ba kasi ang pumasok sa isipan niya at pinuntahan niya ito. Napailing si Dayne at sinipa ang batong nadaanan. Bigla siyang napatingin sa madilim na bahagi ng daan ng may narinig siyang kaluskos. Napangisi si Prinsesa Dayne. Kilalang-kilala niya ang mga kaluskos na mga 'yon. Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne at inilabas ang sariling sandata. Napailing si Prinsesa Dayne ng lumabas ang mga alagad ni Erosho na nagtatago sa dilim. "Hinahanap niyo talaga ang kamatayan ninyo." Malamig niyang turan sa mga ito. "Ang utos ng mahal na panginoon. Patayin ang mga prinsesa!" Nagkibit ng balikat si Prinsesa Dayne. "Hindi ko kaya mapipigilan pero kaya ko kayong labanan. Hindi ba nag-iisip ang mahal ninyong panginoon na kayang-kaya naming paslangin ang mga alagad niya sa isang iglap." Nagkatinginan ang mga alagad ni Erosho at sumugod sa kaniya. Dayne quickly dodged their attack and sighed afterwards. Bakit parang mas gusto niya pang makipag-sparring sa mga kaibigan niya kaysa ang makipaglaban sa mga alagad ni Erosho? Napailing si Prinsesa Dayne at naglaho. Lumitaw siya sa sanga ng puno at tinignan ang mga alagad ni Erosho. Napailing si Prinsesa Dayne. "Huwag kayong maghanap diyan. Nandito ako!" Aniya at umupo sa sanga. Ikinumpas niya ang kamay at nagkaroon siya ng clone. "I'm not in the mood to fight tonight." Aniya at ngumiti. "I wanted to enjoy the moon." Tumingin siya sa buwan. Tumalon naman paibaba ang clone na ginawa niya at ito ang nakipaglaban sa mga alagad ni Erosho. While she's enjoying watching the moon. Sana dumating ang ganitong pagkakataon na makasama niya si Ezekiel sa panonood ng buwan. Ang ganda lang kasing panoorin. Napangiti si Prinsesa Dayne at tumingin sa ibaba. Napailing siya ng makitang nahihirapan ang mga alagad ni Erosho na labanan ang clone na ginawa niya. Ngumisi si Prinsesa Dayne at muling ikunumpas ang kamay ng dalawang beses kaya nagkaroon pa siya ng dalawang clone na lumalaban sa mga alagad ni Erosho. "Enjoying the view?" Napalingon si Prinsesa Dayne kay Prinsesa Renesmee na bigla na lang lumitaw sa tabi niya. Ngumiti si Prinsesa Dayne. "Anong nakain mo at nandito ka sa labas, mahal na prinsesa?" Tanong niya sa kaibigan. "Hmmm... I will ask you the same question." Ngumisi si Prinsesa Renesmee. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa labas?" Nagkibit ng balikat si Dayne at muling tumingin sa buwan. "Gusto ko lang panuorin ang buwan." Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee at ibinigay kay Prinsesa Dayne ang hawak na alak. "Uminom tayo." Natawa si Prinsesa Dayne. "It was not proper for us to drink here. Sa bahay na lang." Aniya at tumingin sa ibaba. Tapos ng makipaglaban ang mga clone niya kaya naglaho na ang mga ito. "Let's go?" Ani Prinsesa Dayne. Tumango si Prinsesa Renesmee. Humawak siya sa balikat ng kaibigan at naglaho silang dalawa. Lumitaw sila sa sala ng bahay ni Prinsesa Dayne. "Come on. Let's drink." Ani Prinsesa Renesmee. Natawa si Prinsesa Dayne. "Sigurado ka bang kaya mong uminom. Baka nakalimutan mo na ang nangyari sa 'yo ng huli kang uminom  ng alak." Ngumiwi si Prinsesa Renesmee. "Huwag mo ng ipaalala. Iinom ako pero konti lang." Ngumiti si Prinsesa Dayne. "Mabuti pero saka na tayo uminom." Tumingin siya sa orasan. "Umaga na. Hindi pa ako nakakatulog." Nagkibit ng balikat si Prinsesa Renesmee. "Babalik na lang ako mamayang hapon. You should invite our other friends. Bonding na rin." Tumango si Dayne. "Okay." "Sige. Mauuna na ako." Paalam ni Prinsesa Renesmee at bigla na lang nawala. Napailing na lang si Prinsesa Dayne at biglang napalingon sa labas ng bintana ng may narinig siyang bumagsak sa lupa. Mabilis siyang lumabas ng bahay at tinignan ang bumagsak sa lupa. Napailing si Prinsesa Dayne ng makitang ang alaga niyang kwago ang bumagsak at naging bata na ito muli. "Come inside, Diana." Aniya sa bata. Tumayo ang bata at tumakbo palapit sa kaniya at yumakap sa hita niya. Lumuhod si Dayne at kiniliti ang bata. Humahagikhik naman ito. Dayne chuckled. "Halika ka sa loob. Magluluto ako ng pagkain natin." Ani Dayne at binuhat si Diana. Pumasok silang dalawa sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Pinaupo ni Dayne si Diana sa stool at naglakad palapit sa stove. Bigla siyang napahawak sa island counter nag makaramdam siya ng hilo. Napakurap siya at naningkit ang mata ni Dayne. Nanlalabo ang mata niya. Anong nangyayari sa akin? Umupo siya sa stool habang sapo ang ulo. "Mahal na prinsesa, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Diana sa prinsesa. Yumukyok si Dayne sa island counter at ipinikit ang mata. Pakiramdam niya kasi kapag nakamulat ang mata niya ay mas lalong lumalala ang nararamdaman niyang pagkahilo. At pakiramdam niya umiikot ang lahat ng nasa paligid niya. "Mahal na prinsesa." Nag-aalalang sabi ni Diana. "Diana, t-tawagin mo si Melissa. Magmadali ka." Ani Dayne. Mabilis naman na lumabas si Diana. Bumalik siya sa pagiging anyong ibon at lumipad patungo sa kinaroonan ni Melissa. Ang hindi niya alam, nasa labas ng gate ng bahay ni Dayne si Ezekiel at nakita nito ang paglabas ni Diana. Kumunot ang nuo ni Ezekiel ng makitang biglang nawala ang bata. Ezekiel sighed and looked inside Dayne's compound. "Dayne!" Tawag niya sa dalaga. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya at pinuntahan niya ang dalaga. Basta pakiramdam niya lang pagkagising niya gusto niyang puntahan si Dayne. Para kasing may tumutulak sa kaniya. Tumingin si Ezekiel sa loob ng compound. "Dayne!" "Dayne!" Pero ano ang sasabihin niya sa dalaga kung bakit siya nandito sa labas ng bahay nito. "Dayne!" Kumunot ang nuo ni Ezekiel. Wala ba ang dalaga sa loob ng bahay nito? Pero nakita naman niya ang bata kanina na lumabas pero bigla namang nawala at hindi niya alam kung saan nagpunta. Napabuga ng hangin si Ezekiel at balak na sanang umalis pero may narinig siyang galabog na nagmula sa loob ng bahay. Mabilis na lumingon si Ezekiel. "Dayne..." He muttered. "Dayne!" Mabilis niyang inakyat ang gate at tumakbo patungo sa pinto. Kumatok siya. "Dayne!" Pero walang sumagot kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pwersahang buksan ang pinto. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakitang maayos naman ang loob nito. Walang nasirang mga gamit. Pero ano ang narinig niyang galabog kanina? Ezekiel walked straightly into the kitchen and he saw Dayne lying unconsciously at the floor. "Dayne!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD