KABANATA 29

2630 Words
                    "DAYNE!" Mabilis na nilapitan ni Ezekiel ang walang malay na dalaga. Kaagad niya itong binuhat at ipinunta sa sala para ihiga sa sofa. "Dayne." Tinapik niya ang pisingi ng dalaga. "Dayne." Nanatiling walang malay ang dalaga. Pinakinggan niya ang hininga ni Dayne. Panatag naman ito na ikinahinga niya ng maluwang. Ezekiel sighed and caressed Dayne's hair. "Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito na lang ako mag-alala sa 'yo? We've never been close." Aniya sa dalagang walang malay. "I've never been into a romantic relationship before and never been attached to any woman. Hindi ko kung ano ang ibig sabihin ng mga nararamdaman ko tuwing nakikita kita." Umupo si Ezekiel sa sahig at sumandal sa gilid ng sofa na kinahihigaan ni Dayne. Nilingon niya ang dalaga. Napailing si Ezekiel at napatitig sa maamong mukha ni Dayne. "Bakit ba sa tuwing tumitingin ako sa 'yo nakakaramdam ako ng kakaiba." Ezekiel tsked. "Ano bang sumapi sa akin at kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko?" Nang makita niya ang frame na nakalagay sa center table. Kinuha niya ito at tinignan. It was picture of Dayne and her friends. Actually, nakita na niya ang mga ito noong kasal ni Nerrie. Napansin ni Dimitri na may kakaiba sa mga ito. Hindi niya lang masabi kung ano. Napabuntong-hininga si Ezekiel at tumayo. "Hmm..." Napatingin si Ezekiel kay Dayne. Nagmulat ng mata ang dalaga. Ezekiel smiled. "Your awake." Biglang tumingin si Dayne sa nagsalita. Nanlaki ang mata niya at mabilis na napabangon nang makita si Ezekiel. "Ezekiel?" Ngumiti ang binata. "A-anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" Tanong ni Dayne. Itinuro ni Ezekiel ang pinto. "Pumasok ako sa pinto. Inakyat ko ang gate." "Bakit?" Nagkibit ng balikat si Ezekiel. "Nakarinig ako ng galabog dito sa loob ng bahay mo kaya wala akong choice kung hindi ang pumasok. Nagmukha pa akong akyat-bahay." Pinigilan ni Dayne ang ngiti na gustong kumawala sa labi niya. "Ano bang nangyari sa 'yo at nakita kitang walang malay?" Tanong ni Ezekiel. Sumandal si Dayne sa sofa. "Hindi ko alam." Idinampi ni Ezekiel ang palad sa nuo ni Dayne. "Wala ka namang sakit. That's good. Anyway, aalis na ako." Tumango si Dayne at ngumiti. Pero nakakailang hakbang pa lang si Ezekiel palapit sa pinto ng biglang lumitaw si Melissa. Nanlaki ang mata ni Dayne at tumingin kay Ezekiel na tumigil sa paglalakad at lumingon. Nagkatinginan si Melissa at Dayne. Alanganing ngumiti ang dalawa kay Ezekiel. Kumunot ang nuo ni Ezekiel at itinuro si Melissa. "Is it you the woman who talked to me that night?" Melissa nodded. "Yes, it's me." Mas lalo pang kumunot ang nuo ni Ezekiel. "You know each other?" Nagkatinginan si Melissa at Dayne. Sabay na tumango ang dalawa. "Bigla yatang sumakit ang ulo ko." Ani Ezekiel at tumingin kay Melissa. "Saan ka dumaan? Bigla ka na lang na nandiyan." Ngumisi si Melissa. "Sa pintuan." Napatakip naman si Prinsesa Dayne ng mukha at napailing. "Pintuan? Hindi naman kita nakitang pumasok sa pintuan." Ani Ezekiel. Pinandilatan ni Prinsesa Dayne si Melissa. Kalmadong namang sinagot ni Melissa si Ezekiel. "Sa back door ako dumaan. Hindi kasi ako sanay na pumapasok sa main door." Napailing si Ezekiel at tumingin kay Dayne. "Magpahinga ka." Tumango si Dayne. Ngumiti si Ezekiel at lumabas na ng bahay ni Dayne. He opened and gate and went outside. He received a call from Director R. "Yes, Director?" "Come here in pur headquarters. We have to discuss something important about your parents case." "I'll be there in fifteen." Mabilis niyang sagot at pumasok sa kotse. He started the engine and stepped on the gas. Habang si Dayne naman napabuntong-hininga ng makalabas si Ezekiel sa pinto. Umupo naman si Melissa sa tabi ng prinsesa at hinawakan ang pulsuhan nito. "Anong nangyari, mahal na prinsesa? Ang sabi ng alaga mo, nawala ka ng malay." Napailing si Prinsesa Dayne. "Nagtanong ka pa talaga. Nalaman mo na nga ang nangyari. Nahilo ako at hindi ko kinaya." Melissa sighed. "Huwag kang masyadong nagpupuyat. Hindi maganda sa kalasugan mo. Kapag matigas ang ulo mo. Hindi ka lang mawawalan ng malay. Baka magaya kay Prinsesa Nerrie na nanghihina tuwing pagkatapos niyang pagdaanan ang sumpa." Napatango naman si Prinsesa Dayne. "Luckily, Dimitri accepted her." Melissa nodded. "Yes, she's indeed very lucky. Eh, ikaw? Kailan ka naman kaya-" "Wala akong alam sa sinasabi mo, Melissa." Ani Dayne at nagmamadaling nagtungo sa kusina. Napailing naman si Melissa.                     PAGDATING ni Ezekiel sa headquarters. Kaagad siyang nagtungo sa opisina ni Director R. He knocked at the door before he went inside. "Kuya." Nag-angat naman ng tingin si Director R at iminuwestra ang kamay sa sofa. "Have a seat and let's talk." "Okay. Thanks, Kuya." Umupo si Ezekiel sa sofa. Tumayo naman si Reigo mula sa kinauupuang swivel chair at kinuha ang isang folder sa steel cabinet. "Here. Kinuha ko 'yan mula sa dating chief of police na humawak sa kaso ng mga magulang mo." Kaagad namang kinuha ni Ezekiel ang folder. "Sino ang mga 'to?" Tanong ni Ezekiel ng makita ang mga picture na naka-attached sa folder. "Sila ang black snake gang. Ang mga pumatay sa pamilya mo." Sagot ni Reigo. Napatigil si Ezekiel ng makita ang picture ng isang kasapi ng black snake gang. Ipinakita niya kay Director R ang picture. "Nakita ko na siya. Minanmanan ko siya." "According from my source, kasapi pa rin sila ng black snake gang." "Sino ang leader ng gang na 'to, Kuya?" Tanong ni Ezekiel. Kinuha ni Reigo ang isang picture na naka-attached sa folder at ipinakita kay Ezekiel. "It's him. Ronaldo Tiangco." Natigilan si Ezekiel. "He's familiar." Kumunot ang nuo ni Ezekiel. "He's your father's business partner." Ani Reigo. Napatingin si Ezekiel kay Reigo. "My father's business partner? Kaya naman pala pamilyar siya." Napatitig si Ezekiel sa picture. "Is it possible na siya ang nag-utos sa mga taong 'yon para patayin kami ng gabing 'yon?" "Yes. It's him, Zek. Siya ang leader ng Black Snake Gang. Sino pa ba ang iba? And this person," ani Reigo at kinuha ang isang picture at inilagay sa ibabaw ng mesa. "Is his right hand." "Luis Bartolome." Ani Ezekiel. Tumango si Reigo. "I know that you already read his profile." Tumango si Ezekiel. "Read Ronaldo Tiangco's profile." Napailing si Ezekiel habang binabasa ang profile ni Ronaldo Tiangco. "Hindi ko akalain na ilang beses na siyang nakulong pero nakakalusot pa rin." Nagkibit ng balikat si Reigo. "Ano ba ang nagagawa ng pera?" "Kunsabagay." Ngumisi si Ezekiel. "Ngayon sisiguruhin ko na hindi siya makakalabas ng kulungan kapag nahuli na natin siya. Pati na ang mga taong pumatay sa pamilya ko." Napatitig si Reigo kay Ezekiel. He sighed. "I know that you are planning something, Zek. Don't act recklessly or else you will face a worst consequence." Tumaas lang ang sulok ng labi ni Ezekiel at hindi nagsalita. "Pinaghiwalay ko ang misyon niyo ni Agent Ria. She will deal with the k********g case and you will deal with your parents case. Now, here's your mission. Matagal ng hinahanap si Ronaldo Tiangco pero hindi siya mahanap kaya ikaw ang maghahanap sa kaniya. Kapag nahuli natin siya baka masolve na rin ang kaso ng pamilya mo." Ani Director R. Tumango si Ezekiel. "Yes, Director." "And Zek, control your emotion. Huwag kang masyadong magpadala sa galit mo dahil baka mapahamak ka." Ani Reigo sa seryosong boses. "Yes, Director. Don't worry." "Okay. Good." "Kuya?" "Hmm?" "Pwedeng magtanong?" "Nagtatanong ka na." "Sabi ko nga." Sabi ni Ezekiel. "Ano ba ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso? Is it a sign of heart disease? Pero sa pagkakaalam ko wala namang history ang pamilya namin sa sakit ng puso." Natawa si Reigo at napailing. "You are really naive on that matter, Zek." Tumaas ang kilay ni Ezekiel. "What do you mean?" Ngumisi lang si Reigo at napailing. "What you feel is not a health disease. It's a love disease." "Anong love disease?" Tanong ni Ezekiel. Ngumisi lang naman ang kapatid. "Sige na. Gawin mo na ang trabaho mo." Ezekiel tsked and leave his brother's office. Love disease? Nagtungo siya sa sarili niyang opisina at humarap sa mga computer na naroon sa gilid ng desk niya. He search information about the Black Snake Gang. Marami siyang mga nabasa, pati na rin ang tungkol sa mga miyembro ng Gang. If his father and the leader of Black Snake Gang are business partner. Bakit pinapatay ng leader ng gang ang pamilya niya? Sa anong dahilan? Negosyo kaya? That's a big possibility. Ezekiel sighed and closed his eyes. Pero kaagad din siyang napamulat ng makita ang mga dugo na nagkalat sa sahig. And he thought he overcome his nigthmare, hindi pa rin pala. He sighed and shooked his head. Napaisip si Ezekiel sa mga nakalipas na nangyari. Lately may mga nararamdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya palaging may matang nakatingin sa kaniya. And Dayne. Napailing si Ezekiel. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa dalaga. Hindi niya lang masabi kung ano pero pakiramdam niya, may kakaiba talaga rito. Tama. May kakaiba nga. Katulad na lang kanina sa bahay nito. Bigla na lang lumitaw si Melissa. Nakatalikod siya kaya hindi niya nakita kung dumaan nga ito sa back door. Pero kung sakaling dumaan nga ito sa back door, bakit hindi niya narinig na bumukas ang back door? Napailing si Ezekiel. And another thing is... that night. When Melissa showed to him. Nakakapagtaka lang. Ano ba talaga ang nangyayari? Ezekiel combed his hair using his fingers. Ezekiel quickly tapped the laptop keyboard and looked for Dayne's information but to his surprose, he found nothing except that Dayne have foster parents and it was Melissa Fuentes and Abellardo Fuentes. Kumunot ang nuo no Ezekiel habang nakatingin sa picture ng foster parent ni Dayne. Melissa looked young while Abellardo was in his fifties. Napahawak si Ezekiel sa baba at napabuga ng hangin. Hindi niya talaga naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya. Ang mabuti pa, magpokus na lang siya sa kaso ng pamilya niya para matapos na ito. Mabuti pa nga. Ezekiel shut down his computer and get his car keys. Lumabas siya ng headquarters at tinungo ang kinaparadahan ng kotse. He climbed in and he started the engine. He drove his car to his destination. While driving, he can't help but to think Dayne. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang pag-alalang naramdaman niya ng makita niya itong walang malay. Hmm... Bakit hindi niya tawagan ang dalawa pa nilang kaibigan ni Reigo para mapagtanungan. But he opt not to do it. Siguradong busy ang dalawa sa mga trabaho ng mga ito. But then his phone rang. Kumunot ang nuo ni Ezekiel ng makitang ang kapatid ang tumatawag. May nakalimutan ba siyang sabihin? "Hello, Kuya." "Meet me at Dayne's Restaurant at 12. May dalawang loko ang nag-imbita." Ani Reigo. Natawa si Ezekiel. Kahit hindi niya tanungin kung sino ang dalawang loko na sinasabi ng kapatid. Kilala na niya kung sino ang mga ito. "Okay. I'll be there." "Okay. Bye." Hmm...matagal na rin mula ng hindi sila nagkita-kitang magkakaibigan.                     DAYNE was bored in her house. Wala siyang magawa kung hindi ang magpahinga para maging maayos ang kalusugan niya. Napabuntong-hininga ang prinsesa habang nakahiga sa kama. Nag-iisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Katatapos niya lang pagdaanan ng sumpa noong nakaraang gabi. Sa susunod na buwan ulit. Ilang buwan ring pinagdaanan ni Prinsesa Nerrie ang sumpa mula ng makilala nito si Dimitri. Matapang si Prinsesa Nerrie. Pero siya? Kaya niya ba? Sa sitwasyon nila ngayon ni Ezekiel. Mukhang matatagalan pa dahil abala ito sa trabaho nito. Ezekiel have no time for love. Dayne sighed. Kung siya naman ang gagawa ng paraan para magkalapit sila. Para namang nakakababa ng dignidad 'yon. Napailing si Prinsesa Dayne. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya. Ngayon lang yata siya nagkaroon ng malaking problema. Noong nasa Arwood pa siya. Wala siyang iniisip kung hindi ang kapayapaan sa kaharian nila pero ngayong nandito na siya sa mundo ng mga tao. Sobra siyang nahihirapan dahil sa sumpa ni Erosho. Kung bakit ba naman kasi, isang halik ng tunay na pag-ibig ang lunas ng sumpa nilang mga prinsesa. "Mukhang malalim ang iniisip mo." Naipikit ni Prinsesa Dayne ang mata at agad ding nagmulat. Tinignan niya ng masama si Prinsesa Renesmee na nasa labas ng balkonahe ng kwarto niya at nakaupo ito sa upuan na naroon. Bumangon siya at lumabas sa balkonahe ng kwarto. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Prinsesa Renesmee. "Akala ko mamayang hapon ka pa pupunta dito." Ngumisi si Prinsesa Renesmee. "Doc. Dimitri was considerate. Since I will take his night shift tomorrow night. He gave me this day as day-off." "Wow." Ani Dayne. Ngumisi si Prinsesa Renesmee. "Mukhang problemado ka, mahal na prinsesa, but I know what's your problem. Hindi ko na kailangan pang tanungin. Pareho lang kayo noon ni Prinsesa Nerrie noong nag-iisip siya kung paano daw ba siya aamin kay Dimitri." "Do you have ways on how I will forget about my situation? Kahit makalimutan ko lang ng kahit isang gabi." Ani Prinsesa Dayne. Tumaas ang sulok ng labi ni Prinsesa Renesmee. "Of course. I have ways." At may kinuha ito sa loob ng paper bag. "This. Kinuha ko pa ito sa bahay ni Tatay Abel. Huwag na ang ibinigay ko sa 'yo. Regalo ko na lang 'yon sa 'yo." Dayne shrugged. "Okay." Kinuha rin ni Prinsesa Renesmee ang dalawang baso na nasa loob ng paper bag at inilapag sa harapan ni Prinsesa Dayne ang isa. Nilagyan niya ito ng alak. Napatitig naman si Prinsesa Dayne sa baso na may lamang alak. "I never did this in Arwood." Renesmee tsked. "Of course. It's in the rule. Hindi tayo pwedeng uminom ng alak hangga't wala tayong kabiyak, which is very unfair." Napailing si Prinsesa Dayne. "You're right. But admit it, mahal na prinsesa. Kahit pa gaano kaistrikto ang mga magulang natin at gusto nilang palagi nating sinusunod ang batas ng Arwood. We missed them." Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee. "I don't miss them." Ngumisi si Prinsesa Dayne. "Talaga lang, ha?" Tumango si Prinsesa Renesmee. Napailing si Dayne. "Eyes couldn't lie, mahal na prinsesa." "Okay, you win, Dayne." "Ang sama talaga ng ugali ninyong dalawa." Lumitaw ang iba pang mga prinsesa sa tabi nila. "Nageenjoy kayo ito tapos hindi man lang kayo nag-imbita." Nakangusong sabi ni Prinsesa Gabril. Itinuro kaagad ni Dayne si Renesmee. "Siya ang may pakana nito. Siya ang sisihin ninyo." Napailing lang si Prinsesa Renesmee at tumingin sa iba pang mga prinsesa. Lahat ay narito maliban kay Prinsesa Nerrie. "Bakit parang hindi ako sanay na hindi natin kasama si Prinsesa Nerrie?" Ani Dayne. "Masanay ka na. May asawa na siya at buntis pa. So baka hindi siya pinayagan ni Dimitri." Napailing naman ang iba habang ang iba ay natawa. "Well, paminsan-minsan lang ang bonding na 'to. Sulitin na natin." Ani Prinsesa Phyllis. Sumang-ayon naman kaagad ang lahat. Napangiti si Prinsesa Dayne. Noong nasa Arwood pa sila. Ganito rin ang ginagawa nila. Nilalabag nila ang batas para sa mga prinsesang wala pang asawa. Ang pag-inom ng alak. Nagtutungo sila sa isang lugar na tanging sila lang ang nakakaalam at gumagawa ng mga bagay na ikasisiya nila dahil aaminin niya. Masyadong istrikto ang mga batas ng Arwood at kailangan itong sundin dahil kung hindi, mapaparusahan ka. Luckily, all of them didn't get punish. Gumagawa na lang sila ng mga rason para lusutan ang mga ginagawa nilang kalokohan. Napabuntong-hininga si Dayne at tumingin sa mga kaibigan. They found their freedom in this human realm. A freedom but need to face the test of love. Napangiti si Dayne. "Hindi kaya magagalit si Melissa sa atin?" Tanong ni Prinsesa Nekiel. "Bakit naman siya magagalit sa atin? Isa rin siya sa mga gumagawa ng kalokohan 'no." Ani Prinsesa Mavielyn. At nagtawanan silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD