Chapter Five

1217 Words
Broken home “Mommy, can I visit Grandpa with you tomorrow?” untag ni Aegeus nang marinig ang pag-uusap namin ni Marcus tungkol sa Daddy ko. “Sure baby—I mean, we can visit Grandpa na lang kapag nakauwi na siya sa bahay. Bawal kasi sa hospital ang bata ‘eh.” Mahirap na at baka sumulpot na naman si Pisces…he has no right to see you. Ngumuso si Aegeus at bago ko mapunasan ang bibig niyang puno ng spaghetti sauce ay naunahan na ako ni Marcus. “If bawal ang kids, bakit mo po ako nidadala kay Doc Mabel?” tukoy niya sa pediatrician niya simula nang baby pa siya. “That place is for kids like you Aegeus pero iyong place na para kay Granny mo para ‘yon sa adult like your Mom kaya di ka puwede roon,” sagot ni Marcus sa anak ko. “Is that so?” Nang makumbinsi ang makulit kong anak ay inaya niya ang Yaya niya patungo sa playpen ng fast food na kinakainan namin dahilan para maiwan kami ni Marcus. “Do you know him?” Napahinto ako sa pagpapaikot sa spaghetti na kanina pa nakatengga sa harap ko. “W-Who?” “Pisces Hammington.” Mariin akong napapikit nang marinig ko ang pangalang iyon. “You really knew him, come to think of it, Aegeus looks like him. I-Is he your ex-husband?” halos pabulong nang turan ni Marcus sa huling salita niya. Dumilat ako at tumango. “Unfortunately.” “Holy f—” Hindi niya na naituloy ang ibubulalas niya nang samaan ko siya ng tingin. “No bad words, Marcus.” Lumunok siya at tinungga ang baso ng softdrinks na wala pang ilang segundo niyang naubos. “And now he bought the Prime? Is it because of you?” Hinawi ko ang mahaba kong buhok at umiling-iling. “I-I honestly don’t know…hindi ko alam kung anong plano niya.” “Don’t tell me nagkita na kayo?” Nang hindi ako sumagot ay napatango si Marcus. “Saan? Kailan? Paano?” “Maaga pa ko bukas—” “Make it short.” Marcus and I were not that close. He’s my schoolmate and we have the same circle of friends. When I came back from New York and gave birth, he invited me to be part of his team members in the Prime. Since then, we became close. He knew my story with my ex-husband but I never told him who he is. Nakikita ko sa mga mata ni Marcus ang determinasyon na magkuwento ako kaya kahit ayoko nang balikan pa ang nangyari kanina ay naikuwento ko rin sa kanya. “Alam mo kalalaki mong tao napakachismoso mo,” turan ko sa kanya nang matapos ako sa mabilis kong pagkukuwento. “Sa ‘yo lang ako nagiging chismoso.” Kindat niya pero mabilis ding sumeryoso. “So, ikaw talaga ang pakay niya sa pagpunta rito sa Pilipinas…” aniyang hinihimas pa ang baba niya. Hindi ako sumagot at nagkibit-balikat lang. “So, what’s your plan?” “Plan?” “Yes. Si Aegeus, hindi malabong malaman niya ang tungkol sa bata.” Napalunok ako at binalingan ng tingin ang anak ko na kumaway pa sa akin. “Wala akong plano Marcus pero sisiguraduhin kong hinding-hindi siya makakapasok sa buhay namin.” “Still have feelings for him?” Pagak akong tumawa sa tinanong niya. “Are you serious with your question? You knew my story with my ex-husband and you’re still asking me that? Wala na akong nararamdaman sa kanya ‘no!” “With your reaction, I doubt it.” Sinamaan ko ng tingin si Marcus at nang mainis sa ngisi niya ay binato ko siya ng tissue sa mukha. Iyong marumi. “What I’m seeing in front of me is a woman who’s still not over with her past—” “Oh, shut up, Marcus. That is not true, I’m way over him.” Ngumisi siya at humalukipkip. “Talaga lang ah?” Hindi na ako sumagot at mas pinili ko na lang pilitin ubusin ang pagkain ko.   *** You’re still not over the past… You’re wrong, Marcus. I’ve moved on. Then, bakit masakit pa rin, Sam? Bakit naaalala mo pa rin ang nakaraan? Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at naikuyom ko ang kamao ko. Pasado ala-una na ng umaga pero hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok. Hindi mawala-wala sa isip kong si Pisces na ang bagong nagmamay-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala iyon sa isipan ko. I need a drink… Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Aegeus na naisipang matulog katabi ako ngayong gabi. Hindi ko napigilan at hinalikan ko ang pisngi ng inosente kong anak bago ako nagpasyang bumaba ng bahay. Nagdiretso ako sa kusina at hinanap ang wine na ibinigay sa akin ni Marcus ilang buwan na rin ang nakakalipas. He’s still the same… Umiling-iling ako at mabilis na tinungga ang kopita. Oh, shut it, Sam. Stop thinking about him! Hindi ko namalayang naparami na ang inom ko at nag-umpisang tumulo ang mga luha sa mga mata ko nang tila kahapon lang nangyari ang lahat na bumalik ang nakaraan sa isipan ko. Tila isang pelikula na nakikita ko ang sarili kong gabi-gabing umiiyak mula nang makabalik ako sa New York. Umaasang isang araw magising na lang akong wala na ang sakit. Ang tunog ng telepono sa sala ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko bago ako naglakad patungo sa sala. “H-Hello?” “Sammie, anak!” Tila may lumukob na kaba sa puso ko nang maringgan ang boses ng ina ko. “M-Ma, what’s the matter?” “Hindi mo sinasagot iyong phone mo so nagbakasakali akong may sumagot sa landline ninyo. Thank God—” “Ma, get straight to the point may nangyari ba kay Daddy?” Naringgan ko ang paghagulgol ni Mommy sa kabilang linya. Nanghihinang napaupo ako sa sofa. He’s gone— “Your father woke up na, Sammie,” bakas ang tuwa sa tinig na bulalas ni Mommy. Tila ba nalimot niya na nakikipaghiwalay na siya kanina sa ama ko. Na sa wakas ay nagawa niya nang sukuan ang ama kong patuloy siyang niloloko. “A-Anak, I-I’m so happy! I thought mawawala na sa atin ang Daddy mo—” “Ma, does this mean hindi mo na itutuloy ang pakikipaghiwalay kay Daddy?” “Sammie…” Pumikit ako nang marinig ang pagsuko sa tinig niya. She lost again. “Bakit ang dali-dali para sa inyong manatili sa kanya pagkatapos nang lahat nang ginawa niya?” “H-He needs me, Sammie—” “And you needed him too, Ma! You needed him na maging faithful sa inyo! You give up everything for him Ma, pero siya hindi niya kailanman nakita ‘yon, palaging siya ang pinipili ninyo at inakala kong ngayon magagawa na ninyong piliin ang sarili ninyo pero nagkamali ako.” Hindi ko na nagawang antayin pa ang sasabihin ni Mommy at ibinaba ko na ang tawag. Why is it so easy for you, Ma? Samantalang ako hindi ko masikmurang manatili sa piling niya pagkatapos nang mga nakita ko… Para mahimasmasan ay naligo ako at habang naghahanap ako nang maisusuot ay natawag ng pansin ko ang nakasiksik na journal sa dulong bahagi ng cabinet ko. Sa pagbukas ko no’n ay nahulog ang larawan mula roon. A picture of me and him. Lukot-lukot na iyon at may bakas pa na tinangka kong sunugin iyon. Pero hindi ko rin pala nagawa. “M-Mommy!” Nang marinig ang boses ni Aegeus ay dali-dali kong ibinato iyon sa cabinet ko at suot lang ang roba ay tinungo ko si Aegeus na naalimpungatan at umiiyak na. Agad kong niyakap ang anak ko at inugoy-ugoy siya para muling makabalik sa pagtulog. At one point I thought of going back with Pisces because of Aegeus, I wanted to give him a complete family…Pero naisip kong baka magaya lang sa akin si Aegeus, na meron ngang kumpleto pamilya pero hindi naman masaya. What I had was not a complete family but a broken home and I don’t want Aegeus to be like me. TBC  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD