Chapter 6
I WOKE up with a headache. Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas-otso na nang umaga. Nahilot ko ang sentido ko habang inililibot ang tingin sa kuwarto para hanapin ang anak ko na kataka-takang hindi ako ginising gayong linggo ngayon at nakaugalian na naming magsimba nang maaga.
We’ll attend the 4 pm mass then…
“Aegeus, baby, where are you?” sigaw ko dahil sa mga oras na ito ay dapat nasa tabi ko na ang anak ko at nangungulit.
“I’m here, Mommy!”
Kunot ang noong nagtungo ako sa walk-in closet ko. “What are you doing—”
“Mommy! I found this picture! Is this my Daddy?!” He squealed as he ran towards me.
Kumabog ang puso ko nang makita ang tangan na litrato ni Aegeus.
“He’s Pisces My, right? He’s my Dad! We have the same eyes!” bakas ang tuwa sa boses ng anak ko kipkip ang litratong hindi ko inakalang makukuha niya.
Pakiramdam ko ipinagkakait ko sa anak ko iyong taong gustong-gusto niyang makilala. Nasaan na ang pinangako ko noong una ko siyang masilayan na ang lahat ng gusto niya sa abot nang makakaya ko ay handa kong ibigay.
“M-Mommy, why are you crying?”
Nagulat ako sa tanong ng anak ko, agad kong hinaplos ang pisngi ko at doon ko nakita ang luhang ni hindi ko namalayang kumawala sa mga mata ko.
Umiling ako at kinarga si Aegeus. “May napunta lang sa mata ni Mommy,” tanggi ko at hinalikan ang pisngi niya.
“I’ll blow it for you, My!”
Mahigpit pa rin na kapit ang litratong hinipan niya ang mata ko.
“My, this is my Dad right?”
Napalunok ako at mariing pumikit bago niyakap nang mahigpit si Aegeus sa muli niyang tanong nang mawala na ang atensyon sa mga mata ko.
“H-He is, baby.”
Wala na akong narinig pa kay Aegeus na salita hanggang sa mailapag ko siya sa upuan niya sa dining area. Titig na titig pa rin siya sa litrato at tila namamangha sa lalaking kasama ko roon.
Do you really want to see him, baby?
“Once we have a child, I’ll never let him be away from me, Sam. He or she will be my priority, let me rephrase it, you guys will be my priority.”
Pero ang maisip pa lang ang kahihitnatnan kapag nalaman ni
“Yaya, look this is my Dad! We have the same eyes!” pagdaldal niya sa Nanny niya na ngumiti lang at pabirong kinurot ang pisngi ng anak ko.
“Baby, give me the picture. I’ll put it in my—”
“Can I have this, Mommy? I want to show my classmates this picture! I’ll tell them that I have a father, too.”
Parang may bikig na bumara sa lalamunan ko sa sinabi ni Aegeus kaya hindi na ako nakasagot at napainom na lang ako ng tubig.
***
“STAY in the car with Nanny okay? Sasaglit lang ako kina Granny sa taas. Nagkakaintindihan ba tayo, Aegeus?”
Masayang tumango ang anak ko. “Then, we’ll go to the mall na My?”
Tumango ako at ginulo ang buhok ni Aegeus. Nakailang bilin pa ako kay Yaya Meling bago ako pumasok sa hospital.
He’s still my father. No matter how much I hate him for hurting my mother, gusto ko ring makita ang kondisyon niya. Pero hindi ako magtatagal, mas gusto ko pang ipasyal ang anak ko kaysa manatili ako sa lugar na pakiramdam ko hindi ako makahinga.
That’s how I always felt every time I’m with my parents.
Malalim akong bumuntong-hininga bago ko binuksan ang kuwartong pinaglipatan sa ama ko.
Naabutan ko si Mommy na naglalagay ng bulaklak sa vase habang pinagmamasdan siya ni Daddy. It’s as if si Mommy lang ang nakikita ng mga mata niya. Ang tingin na ibinibigay niya kay Mommy ay hindi ko kailanman nakita sa kanya kahit noong bata pa ako.
Posible pa nga bang magbago ka, Dad?
Nang tumikhim ako ay nabaling ang atensyon nila sa akin.
“Sammie…”
Humalik ako kay Mommy at pilit siyang nginitian nang makita ang pangingilid ng luha niya.
“You came, I thought galit ka kay Mommy, eh.”
Tumawa ako dahil sa tila astang bata na saad ng ina ko. “Kailan ba ako nagalit sa inyo, My? I’m sorry about last night, medyo nakainom lang ako.”
“Uminom ka?! May hangover ka ba? Uminom ka ba ng gamot—”
“S-samantha, anak…” ang tawag ni Daddy sa akin ang nagpatigil sa magkakasunod na tanong sa akin ng ina ko.
“Dad…how are you?”
Hindi ko na tinangka pang ngitian siya at maging ang bumeso sa kanya.
“I-I’m f-fine b-but i-it’s h-hard—”
“Huwag mo nang pilitin munang magsalita Colton,” tinig nanaway na putol ni Mommy sa ama kong ikinagulat ko ang pagkautal-utal. Nang masdan ko siya ay nakita ko ring nakangiwi ang bibig niya at kita ko rin ang pamamaluktot ng kamay niya.
“M-Mom…what happened?”
Nakikita kong pinipigilan ni Mommy ang pag-iyak niya at mabilis na iniwas ang tingin sa ama ko bago ako binalingan. “May pumutok daw na ugat sa Dad mo, sa ngayon paralisado ang kalahating bahagi ng katawan niya, Sammie.”
Napalunok ako at napatingin sa ama kong nanginginig ang kamay na inabot ako. Nang makita ang hirap sa kanya ay kusa na akong lumapit.
“S-Sorry, S-Samantha.”
“You should take a rest, D-Dad.”
Nang balingan ko si Mommy ay kita ko ang awa sa mga mata niya para sa ama kong nahihirapan.
“Si Kuya, My?”
“Umuwi muna. Babalik daw siya bukas.”
Tumango-tango ako at muling ibinalik ang tingin sa ama ko. Tila biglaan ang pagtanda ng hitsura niya na ngayon ko lang napansin. It’s as if hindi siya si Colton Miller na malayo ang hitsura sa edad niya.
Ang pilit na ngiti ng ama ko ang nagpakirot sa puso ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nabaling ang atensyon sa table na maraming iba’t-ibang klaseng bulaklak pati na rin mga basket ng prutas.
“Oh that? Pisces send those—”
“What?! Anong ibig ninyong sabihin? Hinatid ni Pisces?!”
Napapitlag ang ina ko sa sigaw ko. “H-Hindi siya, Sammie. Iyong assistant niya si Johnson.”
“I-Is he here?” Nilulukob ng kabang tanong ko.
“We don’t know, hija.”
Kung nasaan si Johnson. Nandoon si Pisces.
“I-I have to go, babalik na lang ho ulit ako bukas!”
Mabilis ang hakbang na tinalikuran ko sila. Ramdam ang papabilis na t***k ng puso ko. Lakad-takbo akong sumakay sa elevator. Ang ilang segundo ko roon ay tila ba napakatagal.
Tanaw sa transparent elevator ang lobby ng hospital at nanghina ang mga tuhod ko nang makita ang anak kong si Aegeus na tumatakbong nagtungo sa lalaking bagama’t nakatalikod ay pamilyar na pamilyar sa akin.
“Aegeus!”
Kasabay ng sigaw ko ay ang pagyakap ng anak ko sa taong pilit kong tinatakasan. Ang taong hindi na sana pa bumalik sa buhay ko.
Sa buhay namin.
Hindi ko inaasahang ang anim na taong tahimik na pamumuhay ko kasama si Aegeus ay magugulo sa pagbabalik ni Pisces.
My ex-husband.
“Daddy!”
Mariin akong pumikit at pagdilat ng mga mata ko nakita ko ang tila hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Pisces sa ngiting-ngiti na si Aegeus.
Lumuhod siya at pinantayan ang anak ko. Hindi pa siya tuluyang nakakaluhod ay nangunyapit si Aegeus sa leeg niya na halos ikawala niya ng balanse.
Yakap ang bata ay nagtagpo ang tingin naming dalawa.
Why, Sam?
Iyon ang katanungang inasahan kong mababasa ko sa mga mata niya pero hindi iyon ang nakita ko. Pumikit siya at nakita ko mula sa iilang dipang layo namin ang pagtakas ng luha sa gilid ng mga mata niya habang yakap si Aegeus.
No, this can’t be…alam niya ba ang tungkol kay Aegeus?
Anong dahilan ng pagbabalik mo, Pisces?
TBC