Ex-husband
Naabutan ko si Mommy na nasa waiting area ng emergency room at nakayuko. Malungkot akong bumuntong-hininga nang makita ko ang panginginig ng mga kamay niya. Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong ginagap ang nanlalamig niyang mga kamay.
“I-Is this my fault? What if mawala ang Daddy mo?”
Umiling ako at iniharap ko siya sa akin. “My, wala kang kasalanan, hindi mo kasalanang natuto ka nang bumitiw sa taong nagpapahirap sa ‘yo.”
Yumakap siya sa akin at umiyak. Hinayaan ko lang siya at hinaplos ang likod niya. Makalipas ang ilang sandali ay humiwalay siya sa akin. Luminga-linga sa likuran ko.
“Where is he? Si Pisces?”
Napalunok ako at umiling. “Pinauwi ko na ‘My, hindi siya kailangan dito.”
“You ungrateful kid, he saved your Dad! Did you talk to him? Anong ginagawa niya rito sa Pilipinas? Is he back for good? Nasabi mo ba sa kanya ang tungkol kay—”
“My please, hindi ito ang oras para pag-usapan siya.”
Pinakatitigan ako ni Mommy at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pinaghahalong emosyon para sa naganap kanina pero mas lamang ang awa na nakikita ko sa mga mata niya.
Like mother like daughter…ironic isn’t it?
Mabilis nawala ang atensyon sa akin ng ina ko nang lumabas ang doktor at hinanap ang guardian ng ama ko. My mom almost fainted when the doctor said that my father has to be admitted in the ICU section of the hospital. Ang tanging ikipinagpapasalamat ko ay naka-survive pa rin siya.
Tila iyon ang naging dahilan para mawala sa isip ko ang taong nakita ko kanina.
“How’s Dad?” lapit sa akin ng Kuya ko sa admitting section an hour after we found out my father’s condition. Nahimas ko ang batok ko sa pagod na nararamdaman ko.
“Nasa ICU siya, hindi pa alam kung kailan siya magigising.”
“How’s Mom?” akbay sa akin ni Kuya. Nanghihinang niyakap ko ang bewang ng kapatid ko.
“You know how much our mother loves him, she’s not okay. This is so unexpected; Mommy finally found the courage to leave Daddy but this happen—”
“What do you mean?”
Habang naglalakad patungo sa ICU ay ikinuwento ko sa kapatid ko ang nangyari kanina sa hotel. Dahil sa pagkukuwento ay muling bumalik sa isipan ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko makalipas ang ilang taon.
“Hanggang sa huli ba papahirapan niya pa rin si Mommy?” mapait na usal ni Kuya habang pinagmamasdan namin sa salamin ang Mommy na umiiyak na niyayakap ang Daddy.
“Don’t talk that way, Kuya, he’s still our father.”
“And I wish hindi na lang siya. He wasn’t a good husband and he thinks that material things could make him a good father.”
“Kuya…”
All I could remember Dad was him reading my favorite books when I was a child before I found out about his infidelity. Since then, lumayo na ang loob ko sa kanya. Pero hindi ko pa ring gugustuhing mawala siya nang ganito. I still want him to live. Because if he died, I’m afraid na pati ang ina ko ay mawala sa amin.
“You should go home, naghihintay na sa ‘yo si Aegeus, ako nang bahala rito. Bukas ka na lang bumalik.”
“Call me if something happens, Kuya.”
NIYAKAP ko ang sarili ko nang maramdaman ang malakas na simoy ng hangin paglabas ko ng hospital. Nilibot ko ang tingin sa paligid para makahanap ng taxi pero ang pamilyar na sasakyan ang natanawan ko.
Kumunot ang noo ko at iniwas ang tingin doon. Imbes na hintayin ang taxi ay pinili kong maglakad palayo sa hospital pero naramdaman ko ang pagsunod sa akin ng kotse.
Ilang dipa ang layo sa akin ay huminto iyon. Hindi ako lumilingon pero narinig ko ang pagbukas-sara noon.
“Samantha…”
Napapikit ako at malalim na bumuntong-hininga.
Walang dahilan para iwasan mo siya. Sammie…
Lumunok ako at nilingon siya. Walang kangiti-ngiting binalingan ko siya. Meeting his blue eyes reminds me of that night when I first saw him.
Ipinilig ko ang ulo ko at iniwas ang tingin sa kanya.
“Why are you still here?”
“How’s your father?” balik-tanong niya sa akin. Kita ko ang concern sa mga mata niya.
“He’s in the ICU.”
“Is he—”
“I appreciate the concern, but this is not your business. Kung anuman ang ipinunta mo rito sa Pilipinas, iyon ang atupagin mo hindi ako.”
“I’m here because you’re my business.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What? Ano bang pinagsasasabi mo Pisces?”
“This isn’t my plan to meet you but since I already found you, I just want to say that I’m here in the Philippines because of you.”
Mapait akong natawa sa sinabi ng dati kong asawa. “You’re funny. Look, as much as I want to tolerate your nonsense talk, I’m tired and I need to go home.”
“Yeah, today is not the right time but can we talk some other time—”
“No. I don’t want to see your face ever again, Pisces.”
Tumalikod ako at nakahinga nang maluwag sa humintong taxi para magbaba ng pasahero. Agad kong tinakbo ang sasakyan at hinihingal na sumakay roon.
Call me bitter…it’s been years but I still can’t stand your presence Hammington…
Nasa bungad pa lang ako ng gate ay dinig na dinig ko na ang pagwawala ng anak ko sa loob ng bahay.
“Baby boy, stop crying na—”
“Mommy!!! I want my Mom!”
“Big boy, she’s on the way, how about we play some cars?”
Binilisan ko ang hakbang ko para makapasok sa loob. Bumungad sa akin ang nagkalat na laruan sa sala na tiyak ay gawa ng anak kong mukhang hindi na magawang utuin ng Yaya niya at ng kaibigan ko.
“Mommy!” tili ng anak ko na agad nagtatakbo patungo sa akin. Agad ko siyang kinarga hindi inalintana ang bigat niya.
“’Nak naman, ‘di ba you promise me na hindi ka na magwawala pag wala ang Mommy?”
“S-Sorry po, Mommy!” hihikbing-hikbi na tugon sa akin ng anak kong mahigpit ang pagkunyapit sa leeg ko. Nang matitigan ko ang mga mata niya ay bumalik sa isipan ko ang imahe ng lalaking nakita ko kanina.
Hay anak, ba’t mo ba kamukhang-kamukha ang taong ‘yon?
“My, a-asan po gifts ko?”
Nanlaki ang mga mata ko sa hinanap sa akin ni Aegeus. Tiningnan ko ang relo ko at pasado alas-diyes na ng gabi. Wala ng bukas na mall para sa pinangako kong laruan sa kanya.
“C-Can we buy it next time, baby?”
Ngumuso ang anak ko at nagbabadya na naman ang pag-iyak niya.
“How about we eat in Jbee, there’s new set of toys over there big boy, shall we buy it?”
Kumindat sa akin si Marcus nang nagtatalon na humiwalay sa akin ang anak ko.
“How’s Tito?” tanong sa akin ni Marcus habang nagmamaneho siya patungo sa fast food for our late snack.
“Not good, nasa ICU siya. Hindi pa rin nagigising.”
“I’m sorry to hear that, this is the time na gamitin mo ang leave mo. Starting on Monday, ‘wag ka munang pumasok.”
Umiling-iling ako. “No, may mga trabaho pa akong kailangan tapusin—”
“I’m the boss here, Miller. But this coming Friday, you need attend the party ng Prime.”
“Party?”
“Yeah, to welcome the new owner.”
Napasandal ako sa kinauupuan ko at nahilot ang sentido ko pero nang makita ang anak kong nangingiting minamasdan ang tanawin sa labas ay tila naglaho ang pagod na nararamdaman ko. “I forgot, iba na nga pala ang nagmamay-ari ng Prime. I just hope wala siyang papakialaman sa management ng kompanya.”
“Hindi naman siguro, from what I heard sa Velasco’s, he’s a big shot in New York. Maraming pagmamay-ari raw na business sa iba’t-ibang bansa kaya nga hindi nila inasahang bibilin niya ang Prime. Malayo raw ang nature ng Prime sa real estates and malls—”
“Nalaman mo ba sa Velasco ang pangalan nang nakabili?” nanlalamig ang mga kamay kong putol sa pagsasalita ni Marcus nang maramdaman ang masamang kutob sa tinutukoy niyang tao.
“Yeah…I even saw his pictures. I was expecting of an old man—”
“What is his name?!” putol kong sigaw sa pagsasalita ni Marcus.
“Pisces Hammington…”
Mariin akong napapikit sa narinig na pangalan na sinambit ni Marcus.
“Is there a problem, Sam?”
Tumango ako at nilingon ang anak ko. “Yes. He’s back to ruin my life…” pabulong kong dugtong.
TBC