Chapter Seven

1053 Words
RAMDAM ko ang panghihina ng tuhod ko pero tinatagan ko ang loob ko at binilisan ang hakbang patungo sa anak kong nakayakap pa rin kay Pisces. Binuhat ko si Aegeus na nagulat sa paghablot ko sa kanya bago ko iginala ang tingin ko para hanapin si Yaya Meling. Ilang dipa ang layo ay humahangos na lumapit sa akin ang katulong. "A-Ate, pasensya na po kuwan naiihi raw po si Aegeus tapos bigla pong tumakbo--" "B-Bumalik na kayo sa kotse, antayin ninyo ko ro'n--" "No!" Nagpipiglas sa bisig ko si Aegeus pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya. "M-Mommy! I want to be with my Daddy--" "Aegeus!" Nakagat ko ang labi ko at gusto kong saktan ang sarili ko nang makita ang papaiyak na hitsura ng anak ko. Ilang saglit pa lang ay tumulo na ang luha niya at pumalahaw ng iyak. "Mommy mad at m-me!" Umiling ako at hinalikan si Aegeus. "N-No, baby. L-Later, you'll be with him. Sama ka muna kay Yaya...please?" "Sam...I--" Sinamaan ko nang tingin si Pisces pero agad kong binawi iyon nang makita ang pagbaling sa akin ni Aegeus. "Promise?" Pilit akong ngumiti at halos hirap sabihin ang salitang tila hindi ko alam kung mapapanindigan ko. "P-Promise..." Hanggang sa pagsama ni Aegeus sa Yaya niya ay hindi niya nagawang alisin ang tingin kay Pisces at ganoon din ang huli. "What the hell are you doing here?!" galit kong sigaw kay Pisces nang tuluyang mawala sa paningin ko ang anak ko. "Sam..." malamlam ang mga matang sambit niya sa pangalan ko. "Stop giving me that look, Pisces. Nakakasukang makita..." Nang makita ang tingin na iginagawad sa amin ay nagmartsa akong nagtungo sa coffee shop sa lobby ng hospital. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kahit na halos mabingi ako sa malakas na tahip ng puso ko. Ang imahe nila kanina ni Aegeus ay hindi mawala sa isipan ko. Kinagat ko ang labi ko at kinusot ang mata ko nang maramdaman ang pangingilid ng mga luha ko. Huminto ako sa dulong bahagi ng coffee shop kung saan walang mga customer na nakapuwesto. Kinalma ko ang sarili ko bago ako naupo. I hate you... Iyon ang mga salitang gusto kong sabihin habang pinagmamasdan ko si Pisces na naupo sa katapat kong upuan. Ang mga mata niyang malamlam na tila nagsusumamo ay kirot sa puso ko ang idinudulot. "Answer me. Ano ba talagang ginagawa mo rito?" I don't bother talking in English dahil siya si Pisces Hammington. Hindi mabibilang ang lengguwaheng alam kabilang ang Tagalog. "I visited your parents--" "Hindi ang pagpunta mo rito ang tinatanong ko! Bakit ka nandito sa Pilipinas? K-Kanina when you saw my kid...you knew about him, am I right?" Lumipas ang ilang segundong hindi siya nagsasalita kaya galit na hinampas ko ang lamesa at uulitin ko sana 'yon nang hawakan niya ang pulsuhan ko. "You're hurting yourself, Samantha!" "Don't touch me with your filthy hands, Hammington," aniya kong hinaklit ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya pero tila bato na ang puso ko at ni hindi ako nakaramdam ng awa para sa kanya. Dahil kung may kakaawaan ako sa aming dalawa. Sarili ko dapat 'yon. "Yes. I knew about him. Our child Aegeus..." "Kailan pa?" Bumuntong-hininga siya bago ako sagutin. "Three years ago..." Kulang ang sabihing nagulat ako sa isinagot niya. "H-How?" Iniwas niya ang tingin sa akin na tila ba wala siyang balak sagutin ang sumunod kong tanong. "A-Ang pagbili sa P-Prime, alam mo bang doon ako nagtatrabaho?" Pagak akong tumawa at kinuha ang baso ng tubig na nasa kabilang mesa para isaboy iyon sa mukha niya. "How dare you! You had me investigated?! A-Anong karapatan mo?!" Lumunok ako nanginginig na ibinaba ang baso. "Three years ago? Ang tagal mo nang alam ang tungkol sa kanya p-pero ngayon mo lang naisip na magpakita sa kanya? A-Ang gago mo! Damn you, Pisces Hammington!" "Swear at me! Hurt me! Anything you want to do, I'll accept it, Sam but I'm begging you let me be a father to our child--" "No! What's the real reason why you're here?! Bakit ngayon lang?! Hindi ako tanga, Pisces. You have your reasons kaya ngayon mo napiling umeksena sa buhay namin! Tell me!" Yumuko siya at nakita ko ang pagkuyom niya sa kamay niyang nakita ko ang panginginig. "If only I had a choice before, Sam..." Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Don't talk in riddles here, Pisces." Tumingala siya at pinantayan ang titig ko. "Granny...she's looking for you...she wants to see you." Ang taong binanggit niya ang saglit na nagpakalma sa nagwawala kong emosyon kaya napaupo ako. Granny Ysabelle. She's like a mother to me. Siya ang Lola ni Pisces. When I left Pisces, wala ang matanda dahil kasalukuyan siyang nagbabakasyon sa Milan. Nang umalis ako I lost contact with her. Ginusto kong kalimutan ang apo niya kaya mas pinili kong alisin ang komunikasyon namin. "Is she the reason w-why you're here?" "No, I'm here because of our child--" "Cut your bullshit. My son doesn't deserve a liar father. " Pumikit siya na tila ba hindi na alam ang sasabihin para makumbinsi ako sa sinasabi niya. "How's Granny?" tanong ko na lang dahil ayoko nang marinig pa ang kasinungalingan niya. "She's dying..." Kumabog ang puso ko at napalunok sa sinabi niya. Oo nga't may edad na si Granny but I didn't expect what he said. "W-What?" "Colon cancer." "Five days from now, she's going back here in the Philippines. Nauna ako rito because I want to talk to you first." "About what?" Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin niya. "About us..." "What about us?" "You're still a Hammington, Sam." Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "W-What? N-Nabibingi na yata ako...ulitin mo nga ang sinabi mo, Pisces." "You're still Mrs. Hammington. My wife." Tinitigan ko siya na tila ba tinubuan siya ng dalawang ulo sa sinabi niya bago umiling-iling at kumawala mula sa akin ang tila nababaliw kong pagtawa. "You're crazy." "I won't argue with that because I'm really crazy..." Tila may nais pang idugtong pero pinigilan ang sarili. "But I'm telling the truth here. You're still my wife." No...this is not happening. Tumayo ako at malakas siyang sinampal bago walang sali-salita ko siyang tinalikuran. No...he's lying. He's nothing but a liar, Sam. Don't believe him. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD