Chapter Three

921 Words
Business "Isa lang po ang puwedeng sumama, Ma'am. Sumunod na lang po kayo," pagpigil sa akin ng paramedic nang tangkain kong sundan si Mommy sa ambulansya. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Mommy. "No! My daughter is coming with me!" histerikal na saad niya. Lumapit ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay. "My, I'll follow, kasunod lang ninyo ako. Please, calm down. Dads' going to be fine." "I-I'm scared, Sammie," umiiyak niyang saad. "Ma'am, we need to go." Hinaplos ko ang pisngi ni Mommy bago ako bumitiw sa kanya. Isang sulyap sa ama kong nakaratay at umalis na ako. Pinanood ang pag-andar ng ambulansya. "Sam..." Napalunok ako at pinagsalikop ang nanlalamig kong mga kamay bago hinarap ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko pa lalo na sa sitwasyon na ito. Sumalubong sa akin ang bughaw niyang mga mata na kitang-kita ang awa at pag-aalala. "You forgot these," aniyang hawak ang parehas na bag namin ni Mommy. Inabot ko iyon at tumango sa kanya. "T-Thank you..." Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti sa kanya. "...for your help." Magsasalita pa sana siya nang mabilis akong tumalikod para parahin ang taxi na dumaan pero napapiksi ako nang maramdaman ang mainit na palad na humawak sa braso ko. "W-What?" "I'll bring you to the hospital. I have someone who drives for me--" Umiling ako. "No, thanks for your offer but I can manage," walang kangiti-ngiti kong pagputol sa kanya. Bago pa siya muling makapagsalita ay pinara ko ang taxi na dumaan pero kasamaang-palad ay may sakay na iyon. Gayundin ang sumunod na taxi! Liningon ko si Pisces na nakatitig sa akin. "Sam, your mother is waiting for you. Let's go," aniyang tinalikuran ako at lumapit sa itim na prado malapit sa entrance ng hotel. Napapikit ako at ayoko mang makasama pa siya nang matagal ay walang choice na sumunod ako sa kanya. Nang makitang sa likod siya sumakay ay binuksan ko ang front seat pero napapahiyang naisara ko iyon nang magtagpo ang tingin namin ni Johnson-his personal secretary. Masyado na akong natatagalan kaya dali-dali akong sumakay sa likod nang hindi tinatapunan ng tingin si Pisces na ramdam ko pa rin ang nakakapasong tingin sa akin. "Saan po tayo, Ma'am?" tanong sa akin ng driver at mabilis kong sinabi ang hospital na pagdadalan kay Daddy. "Nice seeing you again, Samantha," saad ni Johnson na nakangiti akong nilingon. Pilit ang ngiti na iginanti ko sa kanya. Hindi mapakali sa kinaroroonan ko. Pakiramdam ko napakasikip sa kinalalagyan ko kaya siniksik ko ang sarili ko sa gilid. "I-I'm sorry about your father. I'm hoping for his recovery," pagbasag ni Pisces sa katahimikan na namayani nang umandar ang kotse. Tumango lang ako at hindi nagsalita. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang Kuya ko. "K-Kuya," naluluha kong bati sa kanya. As much as I hate my father, hindi ko pa rin maiwasang matakot sa maaaring mangyari sa kanya. "Sammie? What's wrong?" Huminga ako nang malalim at kinagat ang labi ko. "S-Si Daddy, he's on the way to the hospital. Kasama niya si Mommy, I think he suffered a heart attack!" "Damn it! I'll be right there. Take care of Mommy, Sammie." "Please hurry, Kuya." Nang maibaba ko ang tawag ay saktong tumawag sa akin si Marcus. Sinagot ko iyon pero nanlaki ang mga mata ko nang ang maliit na boses ni Aegeus ang sumagot. "Mommy!" Napalingon ako kay Pisces na nakatingin sa akin. Kumunot ang noo marahil sa nakitang gulat sa mga mata ko. He didn't hear it right? Nanginginig na hininaan ko ang volume ng cellphone ko. We're inches apart so I'm sure he didn't hear it. Tumikhim ako. "Baby, I'll call you later." Agad kong binaba ang tawag. Alam kong mag-iiyak ang anak ko pero nakasisiguro akong aamuhin naman siya ni Marcus. "Baby, huh?" Kunot-noong nilingon ko si Pisces nang marinig ang nang-uuyam niyang tanong. "So, you're in a relationship, now?" wala na ang pang-uuyam sa tono niya. Kaswal na nagtatanong pero malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. Tinapatan ko ang titig ni Pisces sa akin. He's nothing to me. Bakit ba ako nagpapaapekto sa presensya niya? "I think it's no longer your business, Mister Hammington." "It is my business," pagdiriin niya sa huling salita. Sinamaan ko siya nang tingin. "You're a stranger to me, what makes you think that my relationship now is your business?" "Because--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang huminto ang kotse. Pagsulyap ko ay nasa hospital na kami. Bastos na kung bastos at walang utang na loob para sa taong tumulong sa akin pero mabilis akong umibis ng kotse at walang lingon-likod na pumasok ako ng emergency room. Ang pagtahip ng puso ko ay pabilis nang pabilis. Maraming tanong na naglalaro sa isipan ko. What is he doing here? May namumuong takot sa isip ko sa kaalamang gaano man kalaki ang Pilipinas ay may tsansa na baka malaman niya ang tungkol kay Aegeus. Hindi puwede. Aegeus wants to see him... Napapikit ako sa isiping iyon. Ayokong pagkaitan ng karapatan ang anak ko na makilala ang taong hinahanap niya. Pero paano ako? Makakaya ko bang muling makita ang lalaking nanakit sa akin? Seeing him again brought those memories. Bad memories who still makes my heart constrict for the pain it cause me. Even good memories that I'd thought would last a lifetime. Why do I have to see him again? TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD