Chapter Two

2179 Words
Unexpected Meeting Saturday came and I woke up with my up son sleeping beside me. Sa sobrang pagod ko kagabi ay ni hindi man lang ako nagising nang tabihan ako ng anak ko sa pagtulog. It's been a hectic week. Dahil sa magiging bagong management ay nira-rush namin ang mga pending naming books to be published. Mabuti na lang at mukhang hindi na nabu-bully si Aegeus sa daycare matapos kong pumunta at kausapin ang teacher niya. Dahan-dahan akong bumangon pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay nagmulat na ng mga mata ang anak ko. I smiled and kissed his cheeks. "Morning, handsome..." "Morning Mommy," ngumiti siya at bumangon habang kinukusot ang mga mata. "It's saturday right, Mommy?" Nakangiti akong tumango. "Yes, baby." "Yehey! It's Aegeus favorite day, Mommy!" Kumandong siya sa akin at yumakap. "We'll have our date, My?" "Yes, saan ba gusto pumunta ng baby ko?" "Sa zoo! I want to see an elephant!" "Okay then, we'll go to the zoo--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napabuntong-hininga nang makita kung sino ang tumatawag. Ano na naman 'to? "My, it's grandma! Tell her to come with us!" excited na saad ng anak ko nang makita ang icon picture ni Mommy. "Go downstairs, baby. I'm sure nakapagluto na si Yaya," utos ko na agad niyang sinunod. Hinintay ko muna siyang makalabas ng kuwarto ko bago ko sinagot ang tawag. Napapikit ako nang marinig ang hikbi sa kabilang linya hindi pa man ako nakakapagsalita. Eto na naman tayo! "My, what is it again?" Dinig ko ang malakas na pagsinghot ng ina ko bago ako sinagot. "Sammie, go with me naman, anak. H-Hindi kasi umuwi iyong Daddy mo tapos sabi noong amiga ko nasa hotel daw--" "My! Let him do whatever he wants! Just get an annulment for God's sake!" "You know I can't do that! I love--" "Bullshit! He's cheating again right?! Pang-ilan na ba 'yan ngayong taon?" pagputol ko sa paulit-ulit niyang linya. Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko nang bumunghalit ng iyak ang ina ko. Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko at pinilit ang sarili kong kumalma. "My...i-it's Saturday, I can't go with you. May lakad kami ni Aegeus--" "I understand a-anak, papasama na lang ako sa K-Kuya mo--" Agad na nanlaki ang mga mata ko. "You know what will happen kapag isinama mo si Kuya, My! Are you serious? The last time you let him come with you, he almost killed Dad!" I loathed my father. I hate him. I really do, he deserved what my brother did to him pero kasabay nang pagkakahospital ng ama ko ang siyang pagka-hospital din ng ina ko. I can't let that happen again. "B-But I can't go alone--" "Then don't go!" "Sammie, I w-want to see him! L-Last time na 'to k-kapag talagang nagloko na naman ang Daddy mo, iiwanan ko na siya at uuwi a-ako sa 'yo! I p-promise!" Gusto kong magwala at sigawan ang ina ko sa sinabi niya. Countless promises that she never did. "This will be the last time My." "S-Salamat--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ko at agad kong binaba ang tawag. Bumagsak ang mga luha ko sa awa para sa ina ko. Bata pa lang ako namulat na ako sa pag-iyak ng ina ko dahil sa paulit-ulit na pagloloko sa kanya ng ama ko. Half of her life, all she ever did was this. Chasing my father. Crying every time my father found another mistress. Trying to leave but still won't succeed. Isang yakap. Isang halik. Isang sorry. She'll go back to a loving wife for my mother. She love him that much and I hate that kind of love. I'll never be like her. Bakit mo pipiliing magtagal sa isang relasyon na mas lamang ang sakit na ibinibigay sa 'yo? Sabi niya noon, ayaw niyang mawalan kami ng ama kaya pilit siyang kumakapit sa isang pagsasama na siya lang ang nagmamahal. Nang lumayo ako at piniling mamuhay sa ibang bansa, umasa akong magagawa niya nang iwanan ang ama ko pero hindi pa rin. She doesn't love us as much as she love my father. Because if she did, she'll choose us over him. Ilang pakiusap na ba ang ginawa namin ng Kuya Sander ko para lang iwanan niya na ang palikero kong ama? Hindi na mabilang. Hanggang sa magsawa na kami ni Kuya at mas piniling parehas na lumayo sa magulong pamilya. But like mother like daughter nga yatang talaga. Just when I thought that I found a faithful man, he turns out to be like my father. A cheating one. You're happy now, Sam, stop thinking of him. Umiling-iling ako sa alaalang dumaloy at pinalis iyon. Binilisan ko ang kilos at naligo. Naabutan ko si Aegeus na ganadong kumakain ng agahan. "My, tapos na ni Yaya i-fix 'yung things ko po..." Malungkot akong ngumiti at hinaplos ang buhok ng anak ko. "Baby, may aasikasuhin muna si Mommy. Si Grandma k-kasi nagpapasama sa akin. But I'll be back later, pero sa mall na lang tayo pupunta. How about tomorrow sa zoo tayo?" Nawala ang ngiti sa labi ni Aegeus at ngumuso. "But today is Saturday, it's our date." "I know, Mommy is sorry but grandma needs me." "Can I just go with y-you, Mommy?" naglalambing na saad na nangunyapit sa bewang ko. "Baby, bawal kasi ron ang kids 'eh." Bumitiw siya at sumimangot. "Okay po." "Grandma and I will buy you lego--" "How many?!" mabilis niyang harap sa akin. "One?" Ngumuso siya at iminuwestra ang maliit na daliri. "Two, Mommy? Please..." "I'll buy two plus a pizza," sambit kong nakangiti. "Yehey! I'll wait for you, Mommy. Love you!" He stood up to his chair and kissed me on my lips. I smiled and embraced him tight. "I love you so much, baby..." *** Why do people cheat? I don't understand. Kung hindi ka na masaya bakit hindi ka na lang makipaghiwalay? Bakit hindi ka na lang umalis? Mas pipiliin ko pang iwan ng ama ko ang ina ko kaysa sa tuwing nahuhuli siya sa kalokohan niya ay iiyak siya at makikiusap na patawarin siya. Hindi ako naniniwalang mahal niya ang ina ko kahit na sa dinami-dami niyang naging babae ay wala siyang ibinahay. Hindi niya rin naisipang makipaghiwalay kay Mommy. He won't leave but his love for my mother has been long gone. All Sandra Miller did all her life was to beg for his husband's love. "My, nainom mo ba ang gamot mo?" alala kong tanong. Almost two years ago when my mother was diagnosed with anxiety and PTSD. Since then, she's been taking medicines. All because of my good for nothing father. Tanong ko sa ina kong tulala habang tumutulo ang luha sa magkabilang pisngi. Kumuha ako ng tissue at inabot ko sa kanya. Kanina pa kami sinisilip ng driver na na-book ko dahil coding ako ngayong araw. "M-Malapit na ba tayo?" Sinilip ko ang cellphone ko at tumango. "Two minutes." "My, nainom mo ba--" "Uunahin ko pa ba 'yon? S-Sammie akala ko this time ayos na 'eh. It's been three months na bahay at office lang ang pinupuntahan ng Daddy mo. Wala ring sinasabi si Hanz! Bakit ba hindi nauubusan ng malandi?! May asawa na, papatulan pa!" Napapikit ako at nahilot ang sumasakit kong ulo. Hindi naman malalandi ang ama ko kung hindi rin siya nuknukan ng landi. But he was the infamous womanizer Colton Miller and my mother thought thay she'll be the one who can change him. Too bad. He didn't change. My mother at the age of 53 still looks beautiful and sexy. She's a former Miss Philippines. Pero ipinagpalit niya ang korona para maging isang devoted wife sa ama ko. Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga siya sa ama ko. You know it...she's in love... Damn that love. Pure bullshit. If a person cheated on you. That's the end. Stop holding to that person. Bago kami pumasok sa loob ay nagtungo pa muna kami sa restroom para ayusin ng ina ko ang sarili niya. She's Sandra Miller--she always makes sure that she's presentable and beautiful in front of my father's mistresses. "Your Tita Sol called, n-nasa resto raw ang Daddy mo." "Let's go then but please My, don't make a scene." Tumango siya at hinawakan ang kamay ko na tila doon kumukuha ng lakas. Pinisil ko ang kamay niyang nanlalamig. Pumasok kami sa resto pero napahinto ako sa paglalakad nang mahagip ang likod ng isang lalaki sa corner ng resto. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaba na naramdaman ko nang makaramdam na tila pamilyar sa akin ang likod na 'yon. "S-Sammie?" Umiling ako at inisip na imposible na nandito siya. That would be next to impossible. Walang rason para pumunta siya rito. "My--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumitiw siya sa akin at naglakad. Mabilis na natanaw ko ang ama ko sa dulong bahagi ng resto. Nakangiti habang nakikipag-usap sa nakatalikod na babae. Sinasabi ko na nga ba! Napapapikit kong bulong sa isip ko nang makarating doon ang ina ko at binuhusan sa ulo ang babae ng juice. Binilisan ko ang hakbang ko at agad na hinawakan sa braso si Mommy. Sinamaan ko nang tingin si Daddy na namumutla. "Oh my God!" tiling sigaw ng babaeng tila kaedad ko lamang. She's pretty as expected. "You're a w***e!" "Who the hell are you?!" matapang na sigaw ng babaeng hindi magkandatuto sa paglinis sa sarili niya. Masuwerte ka at hindi kape ang nadampot ni Mommy. "Ako lang naman ang asawa nang nilalandi mo!" "Sandra, it's not what you think! She's just our new employee--" Hindi naituloy ni Daddy ang sasabihin niya nang malakas siyang sampalin ni Mommy. Nagulat si Daddy at maging ako. Dahil sa ilang beses na panloloko ni Mommy, she never slap my father. She always vent her anger on things. She also punch my fathers' chest but she never did this. "S-Sandra..." tawag ng ama ko sa ina kong bagama't lumuluha ay wala ng emosyon ang mga mata. So, this is really the last time... "I'm done, Colton." "My...I think--" "Sandra, no--" "It's been three decades, ganoon ako katagal nagtiis p-pero ayoko na. Sinasabi kong kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako sa tabi mo kasi mahal kita. I love you so much that I can't live without you. I can't lose you. I believed that you'll change even though I know that will be i-impossible." I always thought that my mother was weak because she can't let go of a love that's hurting her. But now I can see how strong she is for staying in unfaithful relationship. "Pero ang totoo hindi lang 'yon ang dahilan. Hindi kita binibitiwan hindi dahil lang mahal kita kung hindi dahil ayokong hayaan kang maging masaya sa iba. Ikinukulong kita sa relasyong 'to kasi gusto kong magdusa ka rin. Ayokong maging malaya ka. P-pero tama sila Sammie, ako lang ang nahihirapan. Ako lang ang nasasaktan." Yumuko si Mommy at umiyak. Tila huling iyak para sa lalaking walang ginawa kung hindi saktan siya. Tahimik ang buong paligid at ni hindi na nagawang lumapit ng security na nakita kong lalapit sana sa amin. Niyakap ko ang Mommy at hinaplos-haplos ang likod niya. Ang babae ni Daddy ay napapahiyang tumakbo paalis. Habang ang ama ko ay larawan ang takot sa mga mata. Tila katulad ko ay napagtanto niyang huli na 'to. Tapos na sa kanya ang ina ko. "Sandra...No, I promise--" "Dad, please. Enough." pag-iling ko sa kanya. Namutla ang ama ko at napaupo. Habang ako ay igigiya na sana ang ina ko paalis nang ikinagulat ko ang pagbagsak ni Daddy sa lapag. Lumikha ng ingay ang pagkakabagsak niya. Ang kamay niya ay hawak-hawak ang dibdib niya. Unti-unting nangitim ang labi ni Daddy. "C-Colton!" sigaw ni Mommy na humiwalay sa akin. Lumuhod siya at inalog ang ama kong nawalan na nang malay. Tila naestatwa ko sa kinatatayuan ko sa nakitang estado ng ama ko. I hate him but he's still my father. "D-Dad?!" Umupo ako at nanginginig ang kamay na niluwangan suot niyang polo. Umiiyak si Mommy habang sumisigaw ng tulong. Namalayan kong basang-basa na rin ang pisngi ko sa mga luhang dumadaloy sa akin. "Daddy!!!" sigaw ko at idinikit ang tenga ko sa dibdib niya. Pinulsuhan ko siya at hindi ko maramdaman ang pulso niya. "Call 911!" sigaw mula sa likod ko nang isang pamilyar na boses. Lumingon ako at mas dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko nang matitigan ko ang asul niyang mga mata. Pisces... Mabilis siyang lumapit kay Daddy at inayos ang pagkakahiga ng ama ko. Katulad ko ay pinakinggan ang dibdib at pinulsuhan. Then he started pushing my father's chest performing a CPR. This can't be happening... TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD