Chapter 16 Angry PAGDATING ko sa Prime ay agad akong dumiretso sa department namin. Ang Prime ay may iba't-ibang uri ng mga nilalathala. I'm the editor in chief that was assign in our fiction novels. Napailing ako nang makita ko mula sa glass window ng meeting room ang writer na dinuduro-duro pa ang bago naming editor na si Jeca. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. "Bakit kaya hindi na lang ikaw ang magsulat?!" "What's happening here?" kalmado ang boses kong tanong kahit nakakaramdam na ako ng inis para sa writer na parang gusto kong pagsisihan na kinuha namin. "Finally, someone I could talk to!" Tumayo siya at nilapitan ako. "I suppose kilala mo na ako? I'm Epiphany, one of the most trending romance writer here in the Philippines," mayabang na pagpapakilala niya sa ak