Chapter 15 Addieson “Addie!” sigaw ko at bago pa muling malapitan ng kaibigan ko si Pisces na larawan ang gulat sa ginawa ni Addie ay mahigpit kong niyakap sa likod ang huli. “Bitiw Sammie, hindi pa rin kita naigaganti sa hilaw na ‘to!” sigaw niya at parang batang nagpapasag sa pagkakayakap ko. “Addieson Sarmiento! Baka bumaba si Aegeus, ano ka ba! Huwag kang bayolente!” Nang mabanggit ko ang pangalan ng anak ko ay tumigil si Addie sa pagpupumiglas sa akin. “Ano ba kasing ginagawa ng tukmol na ‘yan dito?” iritang tanong ni Addie sabay harap sa akin. “Let’s talk about this later!” singhal ko sa kanya bago ko binalingan nang tingin si Pisces na nakatayo na at napapangiwing nakakapit sa tiyan niya. “Are you okay?” tanong ko sa kanya. Tumango siya at pilit na ngumiti. Tumikhim siya at