Chapter 17 Truth “SIR, the meeting is about to start. They’re waiting for you.” Malalim na bumuntong-hininga si Pisces bago ako sinulyapan. Tingin na tila ayaw umalis. “Go.” “But—” “Please, Pisces. I can perfectly take care of myself.” Nasa mga mata niya ang pagtutol pero marahas lang na bumuntong-hininga at umalis na. Nang maiwan kami ni Mika na hanggang ngayon ay nasa lapag pa rin at tila tulala na, ay iika-ika ko siyang tinungo. “Mika…” tawag ko sa kanya tila nabalik sa reyalidad na taranta niyang pinulot ang mga nabagsak niya sa clinic at agad na tumayo. “Hindi ko intensyong makinig, Sam. K-Kasi ano naiwan mo itong bag mo, kaya isinunod ko rito tapos kasi nag-aaway kayo at di ko alam paano ako sisingit sa inyo…tapos…tapos ayon kuwan basta ‘wag mo sanang isipin na tsismosa ak