“LIAR Mommy! Liar!” palahaw ni Aegeus habang karga ko siya papasok sa loob ng bahay namin. Nang makapasok kami ay hindi ko pinakinggan ang pagwawala niya at ipinadlock ang buong kabahayan. “Sorry M-Meling, ikaw na munang bahala kay Aegeus,” abot ko ng susi kay Meling. “Huwag na huwag muna kayong lalabas ng bahay at huwag ninyong basta bubuksan ang pinto.” Saglit kong sinulyapan ang umiiyak kong anak bago ako nagtatakbo papanhik sa kuwarto ko. Isa-isa kong pinagbubuksan ang drawer ko para mahanap ang papel na tatalikwas sa sinabi ni Pisces. No! Hindi puwedeng mangyari ang sinasabi niya… Nang mahanap ang folder na halos kupas na sa sobrang tagal na nakatago sa drawer ko ay nanginginig kong binuksan iyon. Paulit-ulit kong binasa ang nakasulat doon kung saan nakasaad na wala na akong kaug