Chapter 22 It wasn’t just me… “THIS is delicious, Samantha…” pagpuri ni Granny sa soup na iniluto ko para sa hapunan. “Mommy’s cooking is the best, Granny!” bibong-bibo na saad ni Aegeus na pinapagitnaan namin ni Pisces. Pasimple kong sinulyapan si Pisces na nakangiting pinagmamasdan ang pag-uusap ng abuela niya at ng anak namin. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nalaman ko kanina. Napapitlag ako nang mapunta ang tingin niya sa akin. “Eat, Samantha…” muwestra niya sa pagkain kong hindi pa rin pala nababawasan. Pilit akong ngumiti at inumpisahan nang kumain pero halos mabilaukan ako sa sinabi ni Granny. “Aren’t you guys planning to have another baby? Or we’re expecting another little boy, perhaps a girl!” Nanlaki ang mga mata ko at agad napainom ng tubig pero nasamid a