Chapter 23 Close to you… “I’M sorry, Sam…” Napahinto ako sa pagpihit ng seradura ng pinto ng kuwarto ko nang marinig si Pisces na bagama’t alam kong sumunod sa akin ay hindi ko pinansin. Lumunok ako at pekeng ngumiti sa kanya. “Para saan na naman?” “About Tanya—” “Why should you be sorry about her?” walang emosyon kong pagputol sa sinasabi niya. “I forgot to tell you about her…baka nabigla ka sa pagdating niya dito.” Iwinasiwas ko ang kamay ko sa kanya. “No worries, Pisces. Hindi naman kailangan lahat ipaalam mo sa akin.” “Yeah, I know, but I’m sorry too for my actions a while ago. She’s close to Granny, so…” “We need to act as husband and wife in front of her too…” pagtatapos ko sa mga salitang tila hindi niya magawang ipagpatuloy sa takot sa magiging reaksyon ko. “I’m s—”