Chapter 21 Granny PASADO alas-tres nang madaling araw nang magising ako. Malalim akong napabuntong-hininga at hindi na tinangka pang muling matulog dahil alam kong walang mangyayari. I won’t be able to sleep again. This always happens to me every time there’s something bothering me. It’s not something actually. Someone. Wala si Pisces nang makalabas ako ng kuwarto ko. Lumabas ako at pumunta sa kuwarto ni Aegeus sa pag-aakalang nandoon siya pero wala rin siya. Inilibot ko ang paningin sa kabahayan hanggang sa huminto ang tingin ko sa hagdang nasa dulo ng hallway. Pumanhik ako roon at katulad nang inaasahan ko ay swimming pool area nga ang nasa taas. Nakatalikod sa gawi ko si Pisces kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. He’s strumming his guitar while singing quietly. It’s on