Nakasunod ako sa likuran ni Mr. Z habang patungo sa Board room. May meeting kasi siya with the board members.
My eyes were glued to his back habang naglalakad kami sa hallway. He's tall, 5'5" ang height ko at may heels akong 2 inches pero hanggang dibdib niya ako so ang height niya siguro ay nasa 6'0" to 6'2".
I think mahilig siya mag gym base sa hulma ng katawan niya. He has broad shoulders, I can see the outline of his shoulder and back muscles in his white polo. Hindi niya suot ang coat niya at hawak lang niya. His one arm is completely covered in tattoos. Hindi ko gusto ang mga lalaking may malalaking tattoo dahil parang ang dumi tignan pero iba ang dating sa kanya, it's an absolute plus sa hotness niya. His thighs look like they're begging to be set free from his trouser and his ass is the most perfect ass on a guy I have ever seen.
Bagay na bagay ang maganda niyang pangangatawan sa napaka-gwapo niyang mukha. Napakaperfect na sana ng pisikal niyang anyo kaso ang asal niya ay kabaliktaran.
Naglalakad siya na animo'y hari na parang sinasabi sa lahat na pag aari niya ang bawat tinatapakan niya. Hindi naman malakas ang tunog ng mga hakbang niya pero para iyong nakakabingi sa pandinig ko na lalong nakakapag pairita sa akin sa kanya. Inalis ko na lang sa kanya ang pansin ko at nagfocus na lang sa nilalakaran ko.
Nagawi ang pansin ko sa mga empleyadong nadadaanan at nasasalubong namin at gaya kanina sa lobby binabati at niyuyukuan siya ng mga ito habang dedma naman ang reaction niya. Ano ba naman 'yung kahit ngitian man lang niya kung ayaw niyang batiin rin ang mga empleyado niya. Napaka suplado!
Napatingin ako sa mga kalalakihang matapos siyang seryosong batiin ay nginingitian naman ako. Napapangiti naman din ako sa kanila. Hindi kagaya ng boss ko, marunong naman ako makisama sa mga tao sa paligid ko.
Tumingin si Mr. Z sa gawing gilid na parang lilingunin ako pero hindi naman niya 'yun diretsang ginawa. Napapansin niya siguro 'yung mga reaction sa akin ng mga kalalakihang nasasalubong namin at baka pati 'yun ay bawal sa kanya. Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagngiti sa mga kalalakihan at pati na rin sa lahat ng mga nasasalubong namin hanggang sa makarating kami sa board room.
May mga tao ng nasa loob pagpasok namin at nakaupo sa long rectangular table. Board members ng company ang mga iyon. Isa-isa nilang binati si Mr. Z na Diretso namang pumwesto sa head ng table. Nasa right side niya si Ms. Yana. Tumingin at ngumiti siya sa'kin tsaka bumaling kay Mr. Z.
"Is she your new secretary?" Mahina ko lang narinig ang tanong niya kay Mr. Z.
May mga babaeng nakaupo sa upuan sa likuran na tingin ko mga secretary ng board members kaya doon naman ako pumwesto. Naituro sa akin ni Mr. Z kanina ang mga gagawin ko bago kami nagpunta dito at isa 'yun sa nabanggit niya.
"Hi, ikaw 'yung kapalit ni Sally?" Tanong ng babaeng tinabihan ko.
"Ah opo!" Nginitian ko siya.
"Goodluck sa'yo girl baka magaya ka sa kanya!" Mahina niyang sabi at sarkastikong ngumiti. I was puzzled by what she said. Inisip ko na lang na siguro ay may kaugnayan 'yun sa pag uugali ni Mr. Z. Sa pag uugali kasi na meron ang boss ko, goodluck na lang talaga sa akin!
Magtatanong pa sana ako sa sinabi niya nang magsimula ng magsalita si Mr. Z at naging busy na kaming mga Secretary sa pagsusulat ng mga pinag uusapan sa meeting. Naituro sa akin ni Mr. Z na isulat ko ang mga important details na mababanggit sa meeting kaso feeling ko naman lahat ng lumalabas sa bibig nila ay importante kaya aligaga ako ngayon sa pagsusulat. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang condominium project na ongoing ang construction. Base sa usapan nila ay may problema ang construction ng project.
"Gawan niyo ng paraan ang nagrereklamong may ari ng supermarket. Hinding hindi natin ipapatigil ang construction ng project. Offer them we will buy their dàmn supermarket. There are many ways, not that we will stop the construction just because of that s**t!" Nanggigigil na sabi ni Mr. Z.
Kanina pa mainit ang ulo niya simula ng magstart ang meeting dahil sa isang condominium project na nagkaroon ng problema. Nagtatalo sila ng isang board member na mas matanda sa kanya dahil magkaiba ang pananaw nila. Bukod sa pagiging arogante pala niya ay siya din ang tipo na kung ano ang gusto ay 'yun ang ipipilit niya. Feeling ko siya yung tipo na lahat ng magustuhan niya ay kukunin niya sa kahit na anong paraan. He's fréaking possessive, lahat na yata ng nakakainis na pag uugali ay nasa kanya na.
Mahigit isang oras ang lumipas parang nanlata ako bigla at nakaramdam ng pagod. Kung kanina ay parang hindi ako makahinga dahil sa nakikita kong reaction ni Mr. Z habang kausap ang board members, ngayon ay parang bigla na kong naboring. Gusto ko mang pilitin ang sarili ko dahil trabaho ko 'to kaso kahit hawakan ang ballpen ay hindi ko na magawa. Parang simpleng usapan na lang din naman ang pinag uusapan nila at kalmado na sila lahat kaya huminto na muna ako. Pansin kong nakatunganga na lang rin ang mga kasama kong secretary, ang iba ay nakikinig, may ilang nagsusulat at merong nagse-cellphone na lang. Naisipan ko na lang na mag-cellphone. Kinuha ko sa bulsa ng skirt ko ang cellphone ko at pasimpleng nagselfie picture. Pinicturan ko rin ang mga board members na nag uusap usap at si Mr. Z. Finocus kong picturan si Mr. Z, kahit saang anggulo talaga tignan ay napakagwapo niya kahit ang serious ng mukha niya.
Binasa ko ang message ni Adam sa Tendir nang iopen ko ang app. Nagreply pala siya sa message ko kanina.
Adam:
You're here?
Adam:
No, I mean, what are you doing there?
Nagtaka naman ako sa reply niya nang isend ko sa kanya ang picture ng hallway kanina. Siguro tinatanong lang niya kung bakit ako nasa hallway. Nireplyan ko siya.
Cherish:
I'm going to my évil boss
Natawa ako nang masend ko ang message.
Napatingin ako kay Mr. Z na nakatingin sa akin kaya nataranta ako bigla at tinago na ang phone ko. Hinawakan ko uli ang ballpen at kunyaring nagsusulat.
Makaraan ang ilan pang minuto ay natapos na ang meeting.
"I want to see your notes?" Saad niya bago siya pumasok sa office niya. Inabot ko naman sa kanya ang notebook. Pumasok na siya sa loob ng office niya kaya nagtungo na rin ako sa station ko.
Napatingin sa akin si Luis na bodyguard ni Mr. Z na nakaupo sa katabing table ko. Hindi ko naman napigilan ang irapan siya nang maalala kong pinandilatan niya ko ng mata kanina sa lobby dahil dadaan sila ni Mr. Z.
"Ang taray naman!" Sambit niya. Tinignan ko uli siya at muling inirapan.
"Inaano ba kita?" Kunot noo niyang tanong at sarkastikong ngumiti.
"Wala!" Mataas na tono kong sabi.
"Tinatarayan mo 'ko tapos wala!" Sambit niyang napapailing.
Napatingin ako kay Maica nang lumapit siya kay Luis.
"Papa L pahiram naman ng cutter mo!" Sambit niya. Pansin kong ganun ang tawag nila dito kay Luis. Tingin ko hindi nalalayo ang edad niya kay Mr. Z na 30 plus ang edad. Matangkad rin siya at matipuno ang pangangatawan at natural dahil isa siyang bodyguard.
Binigay ni Luis ang cutter kay Maica. Umalis na si Maica matapos makuha ang cutter.
"Psst, Sol!" Tawag niya sa akin. Salubong naman ang kilay ko na tumingin sa kanya.
"Huwag mo nga ako sitsitan!" Nairita kong sabi sa kanya at inirapan siya.
"Sungit naman nito!" Sambit niya. "Itatanong ko lang kung ilang taon ka na eh!"
"23." Sabi kong hindi tumitingin sa kanya at nakatuon lang sa binabasa kong email sa computer.
"Ah! I'm 27!" Sambit niya. Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti sa akin. Mas bata pa pala siya sa inaakala ko. Akala ko kaedaran niya si Mr. Z, siguro dahil sa medyo mature ang itsura niya. May itsura rin siya at malakas ang appeal pero mas gwapo pa rin si Mr. Z. Agad kong inalog ang ulo ko nang maisip si Mr. Z. Bakit ko ba naiisip ang taong 'yun.
"Anong sss mo?" Tanong niya.
"Wala akong sss!" Agad kong sagot habang nasa computer ang paningin.
"Grabe! Tao ka ba? Lahat ng tao may sss!" Tumawa siya. Hindi ko naman siya pinansin.
"Instagraham na lang!"
"Wala rin ako nun!"
"Cellphone number?" Tumingin ako sa kanya na nakangiti sa akin.
"Alam mo kung type mo ko, may bf na ko, kaya huwag mo na ituloy yang binabalak mo!" Pagdadahilan ko sa kanya. Simula pa kaninang magkatabi kami ay pansin kong panay na ang pagpapapansin niya sa akin kaya alam kong trip niya 'ko.
"Grabe ka naman, makikipag friend lang naman eh!" Napahaplos siya sa batok niya.
Magsasalita pa sana ako kaso tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag. Narinig kong tinawag niyang boss ang kausap kaya naisip kong si Mr. Z 'yun. Agad siyang tumayo at pumasok sa office ni Mr. Z.
Nagstretch naman ako pag alis niya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at inopen ang Tendir ko. Walang message si Adam pero naseen na niya ang message ko kanina. Naisipan ko siyang i-message.
Cherish:
Kumusta?
Agad niyang na-seen ang message ko.
Adam:
I'm good. Where are you?
Nag isip ako ng isasagot sa kanya. Lumapit sa akin si Elyse at niyaya akong mag lunch sa canteen. Napatingin ako sa oras. 12:00 na pala. Nireplyan ko muna si Adam.
Cherish:
Nasa canteen for lunchbreak.
'Yun ang naisip kong isagot sa kanya dahil pupunta rin ako sa canteen. Lumapit si Janna at ang iba pa kaya sumama na 'ko sa kanila.
Lumabas si Luis sa office ni Mr. Z.
"Let's eat, Papa L!" Maharot na sabi ng baklang si Nelly.
"Papunta rin ako sa canteen!" Saad ni Luis at sumabay sa amin. Tinabihan niya ko sa paglalakad.
"Himala sa canteen ka kakain ngayon. Hindi kayo sabay ng boss mo?" Tanong ni Elyse habang naglalakad kami.
"Bakit bawal na ba ako sa canteen ngayon?" Mahinang tumawa si Luis. "May trabaho pa si boss. Hindi ko alam kung kakain 'yun." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.
"Parati ba kayong nagsasabay ni Mr. Z kumain?" Tanong ko naman. Nacurious ako bigla sa kanilang dalawa.
"Oo, parati silang sabay. Parang dikit ang bituka nilang dalawa eh!" Tumatawang sabi ni Jannah.
"That's why I'm called Bodyguard. syempre kung nasaan ang boss ko nandoon ako." Sagot ni Luis habang nakatingin sa cellphone niya.
Sumakay kami ng elevator at bumaba sa 3rd floor kung saan naroon ang canteen. Bumili muna kami ng pagkain sa counter tsaka umupo sa isang table. Kasama ko si Janna, Maica at Elyse sa isang table habang nasa kabila naman si Luis, Henry at Nelly.
Natuwa ako na nagkaroon agad ako ng mga kaibigan sa unang araw ko sa trabaho. Nastress man ako sa ugali ni Mr. Z, mukhang mababait naman ang ibang mga tao dito kabilang na ang mga bago kong kaibigan.
Matapos namin kumain ay sabay sabay rin kaming bumalik sa station namin. Tinanggal ko sa pagkaka charge ang cellphone ko. Iniwan ko na 'yun kanina bago kami umalis para icharge dahil lowbat na.
Napansin ko ang mga message ni Adam sa Tendir.
Adam:
So you mean, nasa canteen ka ngayon ng office niyo?
Kanina pa niya message 'yun nung magreply ako sa kanya na nasa canteen ako. Hindi ko naman alam kung matatawa ako na parang big deal sa kanya na nasa canteen ako. Naalala kong nababanggit ko din naman 'yun sa kanya noon sa tuwing sumasapit ang tanghali as part ng pagpapanggap ko bilang empleyado ng kumpanya. Atleast ngayon hindi na 'ko mahihirapan pang magpanggap dahil nagkatotoo na.
Binasa ko ang isa pa niyang message.
Adam:
What are you wearing?
Nagtaka ako kung bakit niya tinatanong ang suot ko. Plano na ba niyang mag meet kaming dalawa? Nireplyan ko ang message niya.
Cherish:
I'm wearing a pink dress
Nagdecide akong huwag sabihin ang totoo kong damit. Baka kasi bigla niyang maisipan na magmeet kaming dalawa. Syempre ayoko naman na una niya kong makikilala. Gusto ko kung imi-meet ko siya, makikilatis ko muna siya ng hindi niya alam at magagawa ko 'yun kung hindi ko sasabihin ang tunay kong anyo. Baka mamaya isa pala siyang kidnapper o rapißt.
Napatingin ako kay Luis nang lumabas siya sa office ni Mr. Z. Doon siya dumiretso kanina pagbalik namin mula sa canteen. Panay ang kamot niya ng ulo niya na parang iritable siya. Kahit siguro siya na bodyguard ay nakukunsumi na sa boss niya.
"Pinapatawag ka ni boss!" Sabi niya bago umupo sa pwesto niya sa kabilang table.
"Okay!" Sambit ko. Nagretouch na muna ako bago magtungo sa office ng évil boss.
"Maganda ka na, huwag mo na dagdagan!" Napatingin ako kay Luis na namumungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Sabi ko na trip ako ng lalakeng ito eh!
Hindi ko na siya pinansin pa at tumayo na para puntahan si Mr. Z.
Pagpasok ko sa pinto ay agad siyang tumingin sa akin. Gaya kanina nung una akong pumasok sa office niya ay parang nakakapaso ang titig niya habang papalapit ako sa kanya, which deeply puzzled me. Usually sa mga lalakeng may interest sa akin ko nakikita ang ganung klase ng tingin and I wonder bakit siya ganito. May gusto rin ba siya sa'kin? Interesado siya?
Agad kong inalis sa isip ko ang kung anumang naiisip ko. Siguro ganito lang talaga siya makatingin. Ikakasal na siya kaya malabong magkagusto pa siya sa iba.
Kasabay ng pagtataka ko kung bakit siya ganito ay ang pagtataka ko rin sa sarili ko.
He stared at me and for some unknown reason, I felt a strange sensation rise up inside me, noticing how stunning he looks this way. Hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nakaramdam ng ganito. Masarap sa pakiramdam ko na ganito ang tingin niya sa'kin at hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito..
♥️