Napatitig ako sa malaking building na nasa harapan ko. I can't believe nasa harapan ako ngayon ng Lorenzo building na parati ko lang nakikita noon sa tuwing nadadaan ang sinasakyan kong bus papasok sa eskwela. Excited ako ngayon dahil magwo-work na 'ko dito. Kahit reliever Secretary lang for 3 months okay na rin dahil isa rin akong Wedding Planner.
Excited akong pumasok sa main entrance. Hinanapan ako ng I.D ng security guard. Wala pa kong employee I.D dahil first day ko pa lang ngayong araw sa trabaho kaya pinaiwan na lang ang isa kong government I.D sa front desk para bigyan ako ng visitor's pass.
Habang nasa front desk, napatingin ako sa babaeng pumasok sa main entrance dahil pamilyar sa akin ang mukha niya. Si Ms. Yana na may ari ng University na pinasukan ko noong college. Sila ni Prof Craig na asawa niya ang may ari ng eskwelahan at nasabi sa akin ni Mama na isa rin siya sa Board Member ng Lorenzo Corporation. Pinsan rin ni Yana si Mr. Z. Natulala ako sa ganda niya. Napakaganda niya. 'Yung gandang ganda ako sa sarili ko pero aminado ako ngayon na may mas maganda pa pala sa akin.
"Good morning Ms. Yana!" Bati sa kanya ng ilang empleyado na nadadaanan niya.
Nakangiti siyang binati rin ang mga iyon. Feeling ko mabait siya. Mababait rin ang mga magulang ni Mr. Z kaya siguro mabait din siyang tao.
Maglalakad na sana ako papunta sa area ng elevator ng pumasok sa main entrance si Mr. Z, may kasama siya na tingin ko ay Bodyguard niya. Binati at niyukuan siya ng tatlong security guard na nasa entrance door at maging ng mga empleyado na nadadaanan niya. Diretso naman ang tingin niya at hindi kagaya ng pinsan niyang si Ms. Yana na nginingitian at binabati rin ang mga empleyadong bumabati sa kanya, si Mr. Z ay dedma lang sa lahat na parang walang nakikita at naririnig.
Napatingin ako sa bodyguard nang pandilatan niya 'ko ng mga mata. Parang may sinesenyas siya na hindi ko naman maintindihan kung ano. Bigla kong narealize na nasa gitna pala ako na madadaanan nila. Pero pwede naman silang dumaan sa gilid ko. Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at gumilid. Saglit na tumingin sa akin si Mr. Z na walang karea-reaksyon ang mukha. Nanatili namang nakayuko ang mga empleyadong nadadaanan niya.
Yung kasasabi ko lang kanina na mabait si Mr. Z pero ngayon ay binabawi ko na. Kagaya ng first impression ko sa kanya noon sa restaurant na isa siyang aroganteng lalake ay ganun pala talaga siya. Masyado siyang mataas na gusto niya yata 'yung tipong sasambahin siya ng mga empleyado niya.
I sighed and continued walking. Kahit ganito, ayoko pa rin mag judge. CEO siya ng kumpanya na ito kaya dapat lang na igalang siya. Inalis ko na sa isip ko ang masamang pag iisip ko sa kanya. Siya ang boss ko at kliyente ko kaya ayoko naman pag isipan siya ng masama. Gusto kong maging komportable sa kanya kaya dapat maging maayos ang relasyon ko sa kanya.
Nakita kong pumasok siya sa elevator, binilisan ko ang paglalakad para abutan siya at sabayan sa elevator, naalala kong may itatanong ako sa kanya about sa employment ko. Pasara na ang elevator nang hawakan ko ang pinto kaya bumukas uli. Napatingin ako kay Mr. Z na kagaya kanina ay walang reaction na makikita sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Miss sa kabila ka na sumakay, hindi ka pwede rito!" Pagtataboy sa akin ng bodyguard.
"May itatanong lang po ako sa.....!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla ng sumara ang pinto. Feeling ko umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Ganito ba talaga dito? Ganito ba pakitunguhan ni Mr. Z ang mga empleyado niya?
"Next time huwag kang sasabay kay Mr. Z sa elevator... huwag na huwag, ayaw niyang may ibang tao siyang kasama sa elevator!" Sabi sa akin ng isang babaeng empleyado na naghihintay ng elevator.
"Bakit?" Tanong ko. Sigurado naman akong ang sagot ay dahil sa arogante siyang boss.
"Basta!" Sagot niya. Nakatingin naman sa akin ang ilang empleyado na nandoon na parang big deal talaga ang ginawa ko.
Kahit sigurado na ko sa kung ano man ang iniisip ko tungkol sa pag aasal ng CEO na 'yun ay ayoko pa rin siyang i-judge. Gusto ko pa ring bigyan ng pag asa ang sarili ko na mabait talaga siyang tao. Boss ko siya at kliyente ko at ilang buwan ko siyang pakikisamahan kaya hindi pwede ang ganito.
Pumasok na 'ko sa elevator nang bumukas ang pinto. Bumaba ako sa 7th floor sa HR department para ipasa ang mga requirements ko. Rush ang employment ko dahil kailangan ni Mr. Z ng secretary kaya kahit hindi pa talaga finalize ang employment ko pinag-start na agad niya 'ko. Nakausap ko siya noong tinawagan ko ang number niya sa binigay niyang calling card noong nagkita kami sa restaurant.
Matapos kong ipasa ang requirements ko, pinapunta na ko ng HR staff sa office ni Mr. Z. From 7th floor ay umakyat ako sa 8th floor kung saan naroon ang office niya.
Tinignan ko ang sarili ko sa glasswall sa hallway habang papunta sa office ni Mr. Z. Huminto ako sa paglalakad at inayos ang pagkaka tuck-in ng sleeveless red blouse ko sa black skirt ko na above knee length. May dala rin akong black blazer pero maya maya ko na 'yun isusuot. Sinuklay ko ng daliri ang straight hair kong hanggang bewang ang haba. Kinuha ko sa bag ang hairclip ko at nilagay sa gawing gilid ng buhok ko. Umikot ako at pinagmasdan ang sarili ko. "Perfect!"
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga empleyadong lalake na nasasalubong ko. Hindi ko naman sila masisisi kung matulala sila sa akin dahil napakaganda at sexy ko. May ilang babae rin na nakatingin pero karamihan ay tinataasan ako ng kilay. Hindi ko na lang sila pinansin pa at tinungo na ang office ni Mr. Z.
Nakatingin ako sa pinto na may nameplate na nakalagay ang buong pangalan ni Mr. Z.
'Ezekiel Zander R. Lorenzo, Chief Executive Officer'
Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Base sa naexperience ko kanina feeling ko nakakatakot ang magiging boss ko.
Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng boses mula sa loob. "But they compromised with us, stupid!" Kasabay nun ay ang tunog na parang hinampas na libro sa ibabaw ng table. Feeling ko sa phone niya kausap ang kung sino man ang kausap niya.
Nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Bigla tuloy akong napaisip kung tama bang grinab ko ang opportunity na magtrabaho sa kumpanyang ito.
Naputol ang iniisip ko nang may lumapit sa akin na isang babae. "Girl, wait!" Sambit niya. Naalala ko yung babaeng nakasabay ko kanina sa elevator.
Hinawakan niya ko sa braso at hinila papunta sa isang cubicle. May ilang empleyado pa ang nandoon na nakatingin sa akin.
"Ikaw ba yung bagong Secretary na kapalit ni Ms. Sally?" Tanong niya. Napatingin ako sa I.D niya, Elyse ang nakita kong pangalan niya.
"Ha, o-opo!"
Napatingin ako sa katabi niyang babae nang siya naman ang magsalita. "Bakit ngayon ka lang pumasok? Dapat mas maaga ka. Nauna pa si Mr. Z sayo!"
"Eh ang sabi po niya 8:30-5:30 ang office hour. Na-late lang po ako dahil dumaan pa ko sa HR." Bigla kong naalala na sinabi nga pala ni Mr. Z na pumasok ako ahead of time. Napakamot na lang ako ng ulo na ngayon ko lang 'yun naalala.
"Hay naku, dapat mas inagahan mo. Ayaw na ayaw ni Mr. Z nang late pumasok sa office niya. Lalo ka na dahil secretary ka niya. Marami ka pang gagawin sa umaga bago siya dumating kaya dapat mas maaga. Gaya niyan wala pa siyang coffee at I'm sure makalat ang desk niya. Kaya siguro mainit ang ulo niya ngayon." Agap na sabi ni Elyse.
"Ngayon? Everyday kaya mainit ang ulo nun?" Sabi ng isang babaeng napairap sa hangin. "Anyway, I'm Maica isa sa Executive Assistant ni Mr. Z. She is Elyse, ayun si Janna, si Henry at si Arnel. Lahat kami dito staff niya." Pakilala niya sa mga kasama niya. Feeling ko hindi nagkakalayo ang mga edad namin.
"Wait, it's Nelly!" Sabi ni Arnel na umirap kay Maica. 'yung ang gwapo niya pero hindi pala kami talo.
"Ah okay po, I'm Sol!" Pakilala ko rin sa sarili ko sa kanila.
"Wait so, anong mangyayari? Pagagalitan ba niya 'ko?" Kinakabahan kong sabi.
"Oo!" Halos sabay sabay nilang sabi.
"Si Mr. Z mabilis mag init ang ulo. I'm sure pagagalitan ka niya. Baka sigawan ka pa niya kaya be ready na lang!" Sabi ni Janna. Nasa tinig niyang nananakot pero mukha namang may katotohanan ang sinasabi niya at mas malala pa pala sa pagiging arogante ang asal niya dahil napaka ruthless din niya.
"At may pagka-womanizer din siya." Pabulong na sabi ni Elyse.
"What?" Yung narinig ko naman ang sinabi niya at nagulat lang ako. Sabagay 'yung ganung itsura siguradong lapitin talaga ng babae at panay naman ang sunggab niya. Pero siguro matino na siya ngayon dahil ikakasal na siya.
"Kasi yung secretary niya ang bali-balita dito kaya nabuntis kasi si..." Natigil ang sasabihin ni Elyse nang sikuhin siya ni Janna.
Tumunog ang telephone sa ibabaw ng table ni Elyse kaya doon nabaling ang atensyon namin. "Hala baka si Mr. Z!" Sabi niya at agad na sinagot ang telephone.
"Yes, she's here na po!" Sabi ni Elyse na nakatingin sa akin. Mukhang si Mr. Z nga ang tumawag sa kanya. Maya maya ay binaba na niya ang phone.
"Sol, hinahanap ka na niya. Go, pumasok ka na sa office niya." Sabi ni Elyse pagkababa niya ng phone.
"Go girl kaya mo yan!" Sabi ni Nelly.
Tumalikod na ko sa kanila at tinungo ang office ni Mr. Z. Kinalma ko ang sarili ko dahil bigla akong kinabahan. Nag isip ako ng irarason ko sa kanya kung bakit ngayon lang ako pumasok. Kung bakit kasi nawala sa isip ko 'yung huli niyang sinabi sa akin nung magkausap kami sa cellphone na pumasok ako ng maaga.
Huminga ako ng malalim bago kumatok. Biglang pumasok sa isip ko na isa rin niya akong wedding planner kaya hindi naman siguro niya ko pagagalitan ng malala.
Wala akong naririnig na kahit na anong tinig o ingay na nanggagaling sa loob kaya pumasok na ko. Binuksan ko muna ng katamtaman lang ang pinto na masisilip ko ang loob. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa computer niya na parang may binabasa doon. I took a deep breath and opened the door wide and went inside.
"Good... good morning Sir!" Nauutal kong bati sa kanya. Naalangan ako bigla kung tama bang tinawag ko siyang Sir. Naglakad ako patungo sa kanya.
I couldn't help but stare at him while he was looking at me. Kahit kinakabahan ako nararamdaman ko pa rin ang kilig dahil napakagwapo talaga niya. 10 years siyang mas matanda sa akin at gusto ko ang mga lalaki na malaki ang agwat ng edad sa akin. Natigilan naman ako at parang gusto kong pukpukin ang ulo ko sa naiisip ko. Mag aasawa na ang lalakeng ito, bakit ko pa siya gugustuhin? Isa pa hindi ko rin naman gusto ang mga lalaking may attitude problem.
Pansin kong mula sa mukha ko ay bumaba ng bumaba ang paningin niya hanggang sa paanan ko habang papalapit ako sa kanya. Chine-check ba niya ang pananamit ko kung tama? Naalala ko ang blazer ko na ipinatong ko sa desk ni Elyse kanina. Naka sleeveless ako at baka ipinagbabawal sa kumpanya ang ganitong kasuotan.
Bumalik sa mukha ko ang paningin niya. Napahagod naman ako ng buhok at inipit sa likod ng tenga ko. Doon na niya inalis ang paningin sa akin at binaling sa notebook na nasa desk niya. Binuklat niya ang notebook. Tumayo lang ako sa tapat niya paglapit ko. May dalawang silya sa tabi ko pero naalangan naman akong umupo.
"I remember I told you to come to the office early." Sabi niyang nakatingin sa notebook.
"Ah opo, eh kasi po... Ano po eh... Natagalan po kasi ako kanina dahil nakausap ko po 'yung bridal couture. Naka schedule po kayo ni Ms. Lucy tomorrow for gown and suit fitting."
Yung totoo namang nakausap ko kaninang umaga yung couture dahil tinawagan ni Mama at inischedule kami bukas para sa fitting pero ilang minuto lang ang tinagal nun.
"Tomorrow?" Agad niyang sabi. Tumingin siya sa computer niya. "I have an appointment from 9am to 5pm." Tumingin siya sa akin. "Next time ask me first or check my schedule before you commit to someone else."
Mataas ang tono ng boses niya na hindi ko alam kung normal niya 'yun o nagagalit siya.
"Eh Sir..."
"Mr. Z!" Mariin niyang sabi. Nairita ako bigla pero pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Mr. Z. Aware naman po kayo na aalis si Ms. Lucy and she told us na gusto niyang magawa muna ang gown fitting at makita ang venue bago siya umalis and we can only do that in 4 days." Pinilit kong maging kalmado ang pananalita ko.
Naguluhan din ako sa lalakeng ito dahil dapat mas priority niya ang kasal at fiancee niya pero ang tungkol sa trabaho ang inuuna niya.
"Ms. Sol, it's your job to plan the wedding and you're also my secretary now. One of your tasks as a secretary is to organize my schedule. So make sure na hindi magkakaroon ng conflict ang dalawa. This is the reason why I chose you to be my reliever Secretary. Do both before Lucy leaves!" May awtoridad na sabi niya.
So kaya pala ginawa rin niya akong Assistant niya para problemahin kong pagtugmain ang schedule niya sa trabaho at sa kasal niya. Kinalma ko ang sarili ko dahil baka tuluyang uminit ang ulo ko at makalimutan kong boss at kliyente ko itong kaharap ko. Mahaba ang pasensya ko pero kapag ang kamalditahan ko sinumpong hindi ko alam kung anong magagawa ko.
I took a deep breath at inisip na lang na tama siya na trabaho ko nga ito. Pinili at ginusto ko naman ito kaya wala akong magagawa.
"Noted, Mr. Z!" Tanging nasabi ko. Wala akong magagawa dahil nasa kanya ang kontrol at ang tanging magagawa ko lang ay sumunod. Binasa ko ng dila ang labi ko at tumingin sa kanya. Nakatingin siya sakin na bigla namang binawi at tumingin sa notebook. Inabot niya 'yun sakin.
"This is where you write the minutes of my meeting." Sabi niya sabay abot ng notebook sa akin. Tinuro rin niya sa akin sa computer kung saan ko ila-log ang schedule ng appointments niya at pati na rin ang iba pang kailangan kong gawin bilang secretary niya. Pinakita rin niya sa akin ang magiging station ko sa tapat ng office niya sa labas.
Narealize kong hindi naman din pala ganun kabigat ang magiging trabaho ko. Magiging mahirap lang dahil parang may saltik ang boss ko.
Matapos niya kong turuan ng lahat ay nagpatimpla siya sa akin ng kape. Ito ang expect ko na trabaho ko talaga bilang isang secretary dahil napapanood ko ito sa mga teleserye at kdrama. Pumunta ako sa pantry niya na nasa loob ng office niya. Napakalaki ng office niya. Office niya pa lang parang bahay na. Bukod sa pantry ay meron pa ko nakitang isang pinto. Nacurious tuloy ako kung ano 'yun. Siguro kwarto niya. Hindi ako mapakali dahil curious talaga ako kaya lumapit ako sa pinto tutal nagbu-brew pa naman ang coffee. Binuksan ko ang pinto. Tama ako na kwarto nga 'yun. Merong kama sa loob at closet.
Hindi ako nakuntento kaya pumasok ako sa loob. Iba't ibang klase at kulay ng coat ang nasa closet niya. May couch at malaking TV sa tapat ng kama. Siguro kapag stress na siya sa trabaho ay nandito lang siya. Parang bigla tuloy ako nakaramdam ng pagod. Umaga pa lang at hindi pa ko halos nagsisimula sa trabaho pagod na agad ako. Feeling ko yung maencounter lang si Mr. Z ay nakakapagod na.
Parang tinawag ng kama ang katawan ko kaya hindi ko napigilan ang humiga. Lumubog ako sa sobrang lambot ng kama.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko. Hindi ko napansin na marami na palang message si Adam sa tendir. Sinabi ko noon sa kanya na sa Lorenzo Corp ako nagwo-work at ngayon ay nandito na ko. Atleast nabawasan ang kasinungalingan ko sa kanya dahil nagkatotoo na nagta-trabaho na ko dito.
Minessage ko si Adam.
Cherish:
Good morning! I'm here at work na.
Naalala kong pinicturan ko kanina ang hallway na papunta dito sa office ni Mr. Z kaya naisipan ko ring isend sa kanya 'yun. Hindi siya naka online siguro busy siya.
"Ehem!" Bumalikwas ako ng bangon nang marinig ko si Mr. Z. Hindi ko napansin na nandito na siya. Napatingin ako sa kanya na nasa gilid ng kama. Nakatingin siya sa legs ko nang umangat ang laylayan ng skirt ko at lumantad ang legs ko. Agad kong inayos ang skirt ko.
"Sorry po Sir, I mean Mr. Z. Sumakit kasi bigla po ang ulo ko... Hindi na po mauulit." Hiyang hiya kong sabi.
Tumalikod siya at kumuha ng coat sa closet. "It's okay, you can also rest here if you want!"
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Mula kanina parang ngayon lang siya naging positive. Okay lang raw magpahinga ako dito, may concern rin pala siya sa ibang tao at empleyado niya.
Natigilan naman ako nang maalala ko ang sinabi ni Elyse na may pagka-womanizer ang lalakeng ito. Hindi kaya may plano lang itong kung ano sa akin kaya niya sinabi 'yun?
Bigla akong natakot at nadagdagan pa ang init ng ulo ko sa kanya. Naisipan kong lumabas na ng kwarto.
"Yung coffee pala!" Sambit ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Hinding hindi ko na susubukan pang pumasok uli sa kwartong 'yun.
♥️