Lumabas na ako ng office ni Mr. Z. Akala ko naman ay may iuutos na siyang kung ano sa akin, yun pala ay pinaghahanda lang niya 'ko dahil isasama raw niya ko sa site ng condominium na on going ang construction. Iyon ang condo na issue nila kanina sa meeting.
Nang lumabas si Mr. Z sa office niya ay halos sabay kaming tumayo ni Luis para sumunod sa boss namin.
Awkward ang feeling ko habang nasa elevator kaming tatlo. Magkatabi silang dalawa na nasa harapan ko. Kaninang umaga lang nang pagtabuyan ako ng bodyguard na 'to nung nagtangka akong sumabay sa kanila pero ngayon kasabay ko na sila sa loob ng elevator.
May pinag uusapan sila na hindi ko naman maintindihan kung ano. Hindi ko na lang 'yun inintindi pa.
Huminto kami sa 5th floor at bumukas. May mga empleyadong papasok sana sa loob pero ng makita si Mr. Z ay hindi na tumuloy. Agad namang pinindot ni Luis ang close button. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trip ng CEO na 'to. Ayaw niyang may ibang kasabay sa elevator. Napakaarte!
Tumingin sa akin si Luis at ngumiti. Umatras siya at tumabi sa akin. Saglit namang lumingon sa amin si Mr. Z. Maya maya ay umatras rin siya at tumabi sa akin. Pakiramdam ko tuloy nanliit ako sa dalawang tore na ito sa tabi ko.
Napatingin ako sa pinto ng elevator. Nakikita kasi doon ang reflection naming tatlo. Hindi ko maintindihan pero feeling ko kinilig ako bigla na napapagitnaan ako ng dalawang nagugwapuhang lalake na ito. Magkaiba ang estado nila sa buhay at ang personality nila pero kung ang pagbabasehan ay ang physical nilang anyo ay pareho lang silang dalawa na kahit sinong babae ay siguradong maattract at kikiligin sa kanila.
Shinake ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. Nakalimutan ko bigla na pareho akong naiinis sa dalawang ito.
"Why baby girl, masakit ba ulo mo?" Tanong ni Luis na kinatingin ko sa kanya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay sa tawag niya sa akin. Nakangiti naman siya sa akin.
"Tss!" Napatingin naman ako kay Mr. Z na sarkastikong ngumiti kay Luis. Parang may halong pang aasar din 'yun na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Inalis ko na ang paningin sa kanya at binalik kay Luis.
"Sumakit nga bigla ang ulo ko!" Mariin kong sabi na may halong pagtataray sa kanya.
"Just relax, kanina ka pa kasi masungit sakin kaya siguro bumigay na yang ulo mo!" Hinaplos niya ang buhok ko. "Type mo siguro ako noh!" Pagbibiro pa niya.
"Feeling ka naman!" Mataray kong sabi at ginalaw ang ulo para alisin niya ang kamay niya.
"Here, take this!" Napatingin ako kay Mr. Z nang ilahad niya ang kamay niya at makita ko doon ang paracetamol. "The nurse at the clinic gave it to me nung sumakit ulo ko kanina. Kaso biglang nawala kaya hindi ko na ininom."
Feeling ko nag iba bigla ang ihip ng hangin kay Mr. Z. Nanibago ako sa gentle voice niya habang sinasabi ang mga katagang 'yun. Nagtaka ako na bigla siyang nagkaroon ng concern sa iba. Well, gaya nga ng sabi niya hindi niya ininom dahil nawala ang sakit ng ulo niya kaya useless na sa kanya so naisip niyang ibigay na lang sa akin. Minsan lang siguro siya ganito kaya kinuha ko na ang gamot kahit hindi naman talaga masakit ang ulo ko.
Lumapag na kami sa ground floor at lumabas ng elevator. Paglabas namin ng building naghihintay na doon ang kotseng sasakyan namin. Binuksan ni Luis ang pinto sa backseat, papasok na sana si Mr. Z pero natigilan siya at tumingin sa akin.
"You go first!" Lumayo siya sa pinto para magbigay daan sa akin. Natigilan naman ako at tumingin sa kanya. May pagka gentleman din pala ang lalakeng ito! Nahiya naman ako kung ako ang mauuna, siya dapat dahil mas mataas siya sakin. Tatanggi pa sana ako kaso naunahan ako magsalita ni Luis.
"Go, Ms. Sol!" Sambit niya habang hawak pa rin ang pinto. Dalawa sila ni Mr. Z na nakatingin sa akin at naghihintay na pumasok ako kaya kumilos na 'ko para pumasok sa loob. Sumunod naman agad na sumakay si Mr. Z. Si Luis ay sa unahan umupo katabi ng driver. Pinaandar na ng driver ang kotse nang sumakay si Luis sa unahan. Company car ang sasakyang gamit namin at company driver din si Manong na nagmamaneho ng sasakyan.
Kinuha ni Mr. Z ang cellphone sa bulsa ng trouser niya kaya naisipan ko ring mag cellphone. Binuksan ko ang tendir app ko. Pansin kong naka online si Adam. Hindi na siya nagreply kanina nung sinabi kong pink dress ang suot ko. Bakit kaya?
Pagdating sa site ay dumiretso kami sa maliit na office. May meeting doon si Mr. Z sa Project head at sa head ng construction at sa ilang Engineers ng condo. At syempre bilang secretary ang trabaho ko ay magtake down ng mga importanteng details sa pinaguusapan nila. Ilang minuto nang matapos na ang discussion. Pupunta kami sa building na kinoconstruct kaya nagsuot kami ng head gear.
Lumapit sa akin si Luis nang mahirapan ako sa paglock ng head gear at siya na ang gumawa para sa akin.
"Ipapasok mo lang 'to dito!" Sambit niya habang nilalock ang head gear ko. "Ang ganda naman!" Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Napatitig din ako sa mga mata niya. Maganda ang mga mata niya at mas nagiging mapang akit kapag namumungay. Hindi ko namalayan na napapangiti ako kaya lumawak ang pagngiti niya. "You look more beautiful when you smile." Sambit niya.
"Thank you!" Nakangiti kong sabi.
"Come on, let's go!" Tinapik ni Mr. Z ang braso ni Luis at doon kami parehong parang natauhan.
Sumunod kami kay Mr. Z at sa iba pa nang lumabas sa office at magtungo sa construction site.
Nasa unahan si Mr. Z katabi ang isang engineer habang naglalakad kami. Nasa likod niya si Luis na katabi ko naman. Hindi ko alam kung bakit pa ko sinama dito dahil parang hindi naman ako kailangan. Napakainit at napaka alikabok pa.
"Okay ka lang?" Tumingin sa akin si Luis na katabi ko.
"Oo!" Tumango ako. Napatingin ako kay Mr. Z na saglit akong sinulyapan tsaka binaling ang paningin niya sa building.
May ilang minuto kami sa site hanggang sa bumalik na kami sa office. Nakita ko sa oras na almost 6pm na. Tapos na pala ang oras ng trabaho dahil hanggang 5:30 lang naman kami. Naguusap-usap pa sila kaya hindi ko alam kung pwede na ba ako umalis. Nagdecide akong maghintay na lang.
Nasa long table nakapwesto si Mr. Z at ang iba pa. Kami ni Luis ay nasa kabilang table naman at magkatapat ang pwesto namin habang nakaupo. Naglalaro siya ng ML sa cellphone niya. Casual na usapan lang naman ang pinag uusapan ng boss ko at ng iba pa kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko. Tinext ko si Mama na overtime ako sa work baka kasi mag alala siya na wala pa ko. Matapos ko siyang itext ay inopen ko ang tendir ko. Hindi pa rin nagrereply si Adam matapos kong sabihin na pink dress ang suot ko. Sineen naman niya 'yun pero wala siyang react. Baka busy siya o baka hindi niya type ang babaeng naka pink dress, pero anong connect? Nakita ko kasi si Madam Cora na manager ng finance department na nakapink dress kanina kaya yun ang nasabi ko nung tinanong ako ni Adam sa suot ko. Siya ang napansin ko dahil napakalaki niyang babae na halos sakupin na ang paningin ko.
Minessage ko si Adam.
Cherish:
Hi how have you been?
Cherish:
I'm so bored now!
Naka offline siya kaya hindi siya magrereply.
After a few moments natapos na sila sa pag uusap nila. 6:30 na sa oras.
"Ms. Sol you may leave now. File this as your OT sa HR tomorrow!" Saad ni Mr. Z nang mapatingin siya sakin.
"Okay po!" Sagot ko. Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko.
"Alam mo ba yung way mo pauwi?" Tanong ni Luis.
"Oo naman!" Sagot ko. Nasa edsa lang kami at may sakayan na ng bus pauwi kaya madali lang ang byahe ko.
Agad na akong lumabas sa office. Madilim na paglabas ko. Humangin ng malakas kaya napuhing pa ang mga mata ko sa buhangin. Naglakad ako hanggang makarating sa highway at nag abang ng masasakyang bus.
May dumaang bus pero hindi ako nakasakay dahil punong puno ng pasahero. May kasunod pang bus na dumating pero puno din at may mga nagsakayan pa. Ganito pala kahirap sumakay ng bus ng ganitong oras.
Napatingin ako sa kotse nang huminto sa harap ko at ibaba ng driver ang salamin na bintana.
"Sol, saan ba ang way mo. Sumabay ka na samin. Mahihirapan ka sumakay dito." Sabi ni Luis na nakahawak sa manibela. Pansin kong iba ang kotse nila sa ginamit namin kanina. Porsche ang kotse at latest model. Feeling ko personal car ni Mr. Z 'yun. Napatingin ako sa kanya na katabi ni Luis sa harapan na nakasilip din sa akin.
"Ha, eh!" Hindi ko alam kung sasang ayon akong makisabay sa kanila. Tatanggi na sana ako nang may bumusinang sasakyan sa likod nila na hindi makausad dahil nasa unahan sila.
"Come on, Sol!" Sambit ni Luis. Parang pursigido siyang isabay ako. Nagdadalawang isip man, bigla na rin akong nahiya na pinaghihintay ko sila at isa pa nagagalit na yung may ari ng kotse sa likod at panay ang busina kaya nagmadali na akong lumapit sa kotse at sumakay sa likuran.
Tumingin sa akin si Mr. Z pagsakay ko. Hindi naman siya nakangiti pero magaan ang expression ng mukha niya.
"Thank you po Sir!" Nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Ngumiti rin siya at namungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Marunong din pala ngumiti ang lalakeng ito. Napansin ko ang maliit na dimple sa gawing gilid ng ibaba ng labi niya at bigla akong natigilan dahil may biglang pumasok na alaala sa isip ko na pangyayari ilang taon na ang nakakaraan.
♥️