bc

The Billionaire's Wedding Planner

book_age18+
229
FOLLOW
1.8K
READ
HE
opposites attract
arrogant
boss
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Planning a wedding brings people together, but what if it brings the wrong people close?

Si Soleil Flores ang Wedding Planner sa kasal ng bilyonaryong si Ezekiel Zander Lorenzo. Apart from being a Wedding Planner, nagtrabaho rin siya sa kumpanya nito at sa araw araw ay talagang sinubok ang pagtitimpi niya dahil sa pagiging arogante ng binata na sampung taon ang tanda sa kanya.

Magagampanan kaya niya ng maayos ang trabaho niya gayong sa araw araw ay pagkainis ang nararamdaman niya para sa binata?

She hates him so much but she also can't deny the strange feelings she has for him every time they get close. Hindi siya makaiwas sa damdaming iyon dahil ang binata mismo ang nagpaparamdam sa kanya.

Siya ang Wedding Planner sa kasal ng binata pero imbes na masabik ay bakit nasasaktan siya habang papalapit ang araw ng kasal nito?Alam niyang kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya dahil ikakasal na ito at ayaw niyang maging hadlang, pero paano kung matuklasan niyang meron pa palang nag-uugnay sa kanilang dalawa?

-------

Ito ay kwento ng isang Wedding Planner/ Secretary na nagmahal sa kanyang Boss. Mas paiiralin kaya niya ang tungkulin o ang sinisigaw ng puso niya?

✅ CEO - Secretary Affair

✅ Age Gap

✅ Emotional Punch

✅ Kilig overload

✅ Mature Content (Rated SPG)

-----

This story contains explicit séx scenes and some inappropriate language. Please read at your own risk as a trigger warning will not be designated at each chapter.

The story is not perfect so expect some typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and other errors.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

chap-preview
Free preview
1. WEDDING PLANNER ?
WEDDING PLANNER'S GOLDEN RULE: Don't fall in love with the groom. Humagalpak ako ng tawa nang mabasa ko ang rule sa wedding planner's guide sa notebook ni Mama. That rule is ridiculous! Imposible naman kasi na ma-inlove ang wedding planner sa groom dahil may minamahal na siya at ikakasal na nga. Marupok na lang ang kung sino mang wedding planner ang ma-iinlove sa groom. "Sol, ano bang tinatawa tawa mo diyan?" Tumingin sa akin si Mama na katabi ko habang nagmamaneho siya. Papunta kami ngayon sa isang restaurant kung saan imi-meet ni Mama ang bago niyang kliyente. Sa akin rin niya ipapahandle ang kliyente at iyon ang unang project na gagawin ko bilang isang wedding planner. "Ma, seryoso ba 'tong don't fall in love with the groom?" Tumatawa kong sabi. "Aba'y siyempre, 'yan ang golden rule sa pagiging isang wedding planner." Saglit niya 'kong nilingon at ngumiti habang nagmamaneho siya ng kotse. "Kaya yan ang itanim mo sa isip mo!" Dagdag pa niya. Hindi ko pa rin napigilan ang pagtawa. Seryoso naman ang mukha ni Mama na parang seryosong bagay talaga ang rule na 'yon. Matagal ng wedding planner si Mama, almost three decades na. Dalaga pa lang siya noong magsimula siya sa ganitong career at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya. Besides being a wedding planner ay may grocery store rin kami na si Papa ang nangangasiwa pero noon 'yon nung hindi pa siya nagkakasakit, nastroke si Papa kaya si Mama na ang gumagawa ng lahat. Siya na ang nag aasikaso ng grocery store na sinasabay niya sa pagiging wedding planner, inaalagaan niya rin si Papa. Nahihirapan na siya ngayon na pagsabayin lahat kaya nagdecide siyang ihinto na ang pagiging wedding planner at ipasa na 'yon sa akin kaya tinuturuan niya 'ko sa mga dapat kong malaman. Ang isa kong kapatid na babae ay magko-kolehiyo na at ang bunso na lalake ay elementary. Ako ang panganay at kaga-graduate ko lang ng college. Naranasan ko ang masaganang buhay pero ngayon nagbago na ang lahat. Halos lahat ng naipon nina Mama ay napunta sa ospital noong na-stroke si Papa, hindi pa doon natapos ang gastos namin dahil napakamahal ng maintenance ni Papa. Kailangan ko kumilos para makatulong kay Mama. Hindi na ganoon kalakas ang grocery store namin simula nang may tinayo ring grocery store sa malapit sa amin pero ayaw naman 'yon bitawan ni Mama, kahit papano ay kumikita pa rin naman kasi 'yon. Naalala kong madalas ako isama ni Mama noong bata pa ako sa kasal ng mga naging kliyente niya hanggang sa nalakihan ko na kaya nagkaroon ako ng interest sa pagiging Wedding Planner. Natutuwa akong makakita ng dalawang taong nagmamahalan na ikinakasal at nangangarap na balang araw ay mangyayari rin sa akin 'yon, sa lalakeng mamahalin ko. Naalangan naman ako kung mangyayari nga ba ang ganung bagay sa akin. Sa ilang beses kong nasaktan sa pag ibig parang gusto ko ng sumuko na may lalakeng nakalaan pa para sa'kin. Napatingin ako sa cellphone ko nang may nareceive akong message, message mula kay Adam na nakilala ko sa isang dating app na tendir. May tatlong buwan ko na siyang kachat pero hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa lang nagkakaroon ng pagkakataon na magkita kami dahil busy siya palagi, hindi ko lang alam kung dahilan lang niya ang pagiging busy niya o ayaw lang talaga niyang makipagkita sa akin. Kahit hindi ko pa siya nami-meet magaan at palagay ang loob ko sa kanya. Feeling ko mabuti siyang tao. Simple lang ang buhay niya, sabi niya ay empleyado siya sa isang kumpanya. Sa probinsya raw sila nanirahan ng pamilya niya. Napadpad lang siya dito sa Manila para subukan ang buhay at pinalad naman siyang magkaroon ng trabaho. Sa isang maliit na apartment raw siya naninirahan ngayon. Masarap siyang kausap at sa araw araw feeling ko hindi na kumpleto ang buhay ko kapag hindi siya kausap, feeling ko nga in love na 'ko sa lalakeng 'yun kahit hindi ko pa siya nakikita. Wala akong idea sa itsura niya dahil ayaw niya naman magsend ng picture. Ang nasa profile picture niya ay lalakeng nakaupo sa isang swivel chair habang pinipicturan ang sarili sa harap ng salamin, hindi naman nakikita ang mukha ng lalake dahil nahaharangan ng cellphone at may flash pa pero sa background ng picture, parang nasa isang magarang opisina siya at mukha siyang boss, mukha rin siyang mayaman at alam ko naman na hindi siya 'yun. Sinabi rin niyang hindi siya 'yong nasa picture noong tinanong ko siya at kinuha lang raw niya sa giggle. Maging ako rin naman ay kinuha ko lang rin sa kung saan ang nilagay ko sa profile picture ko na magandang babae at sexy. Hindi naman siya nagtatanong sa akin kung ako ba ang babaeng 'yon. Siguro naisip niyang ako 'yon. Wala siyang kaalam alam na mas maganda at mas sexy pa ko sa babaeng nasa picture. Adam: Good morning. Have a great day sweetie! Yun lang naman ang message ni Adam pero kinilig na 'ko. Nireplyan ko siya. Cherish: Goodmorning. Have a nice day too. Nasa work na ako! Napalunok ako ng laway sa sinabi ko. Bukod kasi sa pangalan at picture ko na hindi totoo pati ang totoong pagkatao ko ay hindi ko rin sinabi sa kanya. Iyon kasi ang sabi sa akin ni Mercy na kaibigan ko na huwag kong sasabihin ang tunay kong pagkatao sa ka-chat ko lalo hindi ko naman siya lubusang kilala, ni hindi nga siya nagpapakita sa akin. Naisip ko naman na magpapakilala ako sa kanya ng tunay kong pagkatao once nakipagkita siya sa akin kaso ayaw niya naman makipagkita kaya naalangan akong sabihin sa kanya ang totoong ako. Napasubo na rin ako sa tinagpi tagpi kong kwento sa kanya tungkol sa akin kaya tinuloy tuloy ko na rin. Sinabi kong nagtatrabaho ako sa Lorenzo Corporation na isang malaking kumpanya ng real estate at construction company sa Pilipinas. Yun ang naisip kong sabihin sa kanya dahil noong oras na 'yun ay nakasakay ako sa taxi at pauwi na galing school at saktong nasa tapat ako ng isang condominium building na pag aari ng Lorenzo Corporation. So 'yun ang nasabi ko at mukha namang naniwala siya. Huminto si Mama sa tapat ng isang restaurant at nagpark ng kotse. Nagpahid siya ng lipstick at tumingin sa salamin. Maya maya ay tumingin siya sa akin. "Magretouch ka anak, hindi basta basta ang kliyente natin ngayon, high profile sila at kilalang businessman." "Talaga!" Namilog ang mga mata ko. "Pupunta din ang magulang ng lalake at mababait sila, kasi alam mo ba yung magulang niya maging yung mga Auntie, Uncle pati mga kaibigan nila ako din ang wedding coordinator noong araw na kinasal sila kaya kilalang kilala nila 'ko. Ako ang parati nilang kinukuha sa tuwing may kinakasal, kaya ngayon pati sa kasal ng mga anak nila ako pa rin ang gusto nilang maghandle." Sabi ni Mama habang nagpapahid ng blush on. "Talaga Ma!" "Nakikita mo yung building na yan?" Tinuro sa akin ni Mama ang isang condominium. "Sila ang may ari niyan!" "What? Lorenzo Corp? Sila ang kliyente natin ngayon?" Tanong ko. "Oo! Yung CEO, si Zeke Lorenzo na anak ni Desiree at Kiel Lorenzo na dati ko ring kliyente noon!" Nakangiti niyang sabi. "Bakit? Kilala mo sila?" Kunot noo niyang tanong. "Syempre po kilalang kumpanya yan eh. Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Tanong ko. Bigla akong nataranta at kinuha ang bag ko at nagretouch. "Eh hindi ka naman nagtatanong eh!" Sambit niya. Nag ayos naman ako at nagpaganda. Kilalang businessman si Zeke Lorenzo na kilala sa pangalang Z. Actually, nakilala ko lang siya dahil nakikita ko lang sa social media ang pictures niya at napakagwapo at hot niyang CEO. Ikakasal na pala siya ngayon, siguradong maraming kababaihan ang magdadalamhati. Pumasok na kami ni Mama sa loob ng restaurant. Wala pa doon ang mga katatagpuin namin kaya umupo na lang muna kami. "Ma, I'm sure wedding of the century ang kasal ni Mr. Lorenzo nakakapressure baka hindi ko po magawa ng maayos." I suddenly feel tensed. "Syempre iga-guide naman kita. Mas gusto ko nga na ganitong project agad ang mapunta sa'yo kasi mas matututo ka. Mape-pressure ka at doon ka matututo. Don't worry hindi naman kita pababayaan eh!" Hindi pa rin nawala ang pag aalala ko sa sinabi ni Mama. Actually may alam rin naman ako kung paano gawin ang pagiging Wedding Planner dahil nakikita ko kung paano magtrabaho si Mama. Alam kong magagawa ko ang trabahong iyon, 'yun nga lang hindi ordinaryong tao ang magiging una kong kliyente kaya bigla akong napressure. "Ma, kilala mo ba personally si Z? I mean si Mr. Lorenzo. Mabait ba siya? Yung fiancee niya nakilala mo na rin ba?" Feeling ko ngayon pa lang pressured na talaga ako. "Mababait ang parents ni Zeke pati mga Uncles niya, pati yung cousin niyang si Yana na naging kliyente ko rin nung kinasal siya, so siguradong mabait din si Zeke. Actually, una ko siyang nakita noong bata pa siya sa kasal ng Uncle niya pero matagal na panahon na 'yun. Huli ko siyang nakita sa kasal ng pinsan niya, parang 10 years ago na." "Ah ganun po!" Sambit ko. Hindi ako makapaniwalang ang kilalang si Z Lorenzo ang una kong magiging kliyente bilang wedding planner. Nakikita ko ang mga pictures niya sa socmed at talagang napakagwapo niya. Hindi ko nga lang type ang ganung kagwapo na lalake. Ayoko na sa mga gwapo dahil ilang beses na nila akong pinaiyak. Mabuti na lang dumating sa buhay ko si Adam na isang simpleng lalake lang. Chatmate ko siya at sana ay hindi siya gwapo. Nakakatawa man pero mas gugustuhin kong pangit siyang lalake na matino at mabuti ang kalooban. Natigilan ako sa pag iisip nang may dumating na isang babae. Tingin ko nasa late 50's na ang edad niya na kagaya ni Mama. Feeling ko siya 'yung mother ng groom na sinasabi ni Mama. "Ms. Glenda, how are you?" Nakangiting sabi ng babae. "Ms. Des, hi! Napakaganda niyo po, just like before, walang pinagbago!" Sabi ni Mama. Nagbeso silang dalawa. "Oh thank you!" Mahinang tumawa si Ms. Desiree. Napatingin siya sakin. "Wait, ito na ba si Soleil?" Namilog ang mga mata niya. "Yes! She just graduated from college." Sagot ni Mama. "Oh God, how time flies so fast. Parang kailan lang nung kasal ni Yana at Craig na bata pa siya and now dalagang dalaga na." "Oo, 13 years old siya that time and now she's 23." Nakangiting sabi ni Mama. Nakatingin sila pareho sa'kin habang pinag uusapan ako. Wala naman akong alam sa mga sinasabi nila. Sa dami ng kasalang isinama ako ni Mama, hindi ko na matandaan na nameet ko na pala ang babaeng kaharap ko na may ari ng Lorenzo Corporation. "She's very you, Ms. Glenda. So lovely!" Nakangiting sabi ni Ms. Desiree kaya napangiti rin ako. "Oh thank you pero mas maganda pa rin ako sa kanya!" Pagbibiro ni Mama. Tumawa silang dalawa. Tumawa na lang din ako. Naputol ang tawanan nila nung may dumating na babae. Feeling ko siya 'yung bride. "Tita!" Tawag niya kay Ms. Desiree. "Lucy!" Nagbeso silang dalawa. "Where's Z?" "He's on his way Tita, dumaan pa raw po kasi siya sa office." Magalang niyang sabi. "Ah okay!" Sambit ni Ms. Des. "Anyway, they are the wedding planners!" Pakilala ni Ms. Desiree sa amin ni Mama. "Hi, nice to meet you. I'm Lucy!" Kinamayan ng babae si Mama at pagkatapos ay ako. Maganda siya at sophisticated. Feeling ko model siya. Bagay sila ni Z. "Bahala kayong mag usap-usap ha. Hindi ako makikialam sa kung anong gusto niyong kasal ng anak ko. I will just support you!" Sabi ni Ms. Desiree kay Lucy. Feeling ko tuloy magiging mabait siyang byenan. Naisipan ko munang magpunta sa CR. Matapos ko lumabas sa cubicle ay naghugas ako ng kamay tapos kinuha ko ang cellphone sa bag. May message si Adam sa tendir at binasa ko 'yun. Adam: I have many commitments to attend today. It's still early but I already feel toxic. Naguluhan naman ako sa sinasabi niya na kung magsalita siya ay parang trabaho niya ang buong kumpanya. Parati siyang ganito at inisip ko na lang na siguro ang ibig niyang sabihin ay marami siyang trabaho. Pansin ko ring mahilig siya magsalita ng english kaya parati akong nosebleed sa kanya. Ayoko naman din maging judger dahil baka nasanay lang talaga siya na nagsasalita ng english kahit simple lang ang buhay na meron siya. Cherish: Okay, just rest if you are tired! Lumabas na ko sa CR matapos ko maghugas ng kamay. "Use your common sense, damn it!" Napatingin ako sa lalakeng masasalubong ko ng marinig ko siyang magsalita. But it's too late dahil mabilis ang pangyayari at nabangga ko siya. Napaatras ako ng isang hakbang nang mabangga siya at nabitawan ang hawak kong cellphone. "Sorry!" Agad niyang paghingi ng paumanhin. Saglit siyang tumingin sakin. Nasa mukha niyang iritable na hindi ko alam kung dahil nagkabanggaan kami o sa kausap niya sa cellphone. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa CR habang may kausap pa rin sa cellphone at tila pinagagalitan 'yun. Nainis naman ako na hindi man lang niya narealize na nahulog ang cellphone ko at pulutin man lang 'yun bilang isang gentleman. Naiinis akong pinulot ang cellphone ko. May mga ganoon talagang lalake na gwapo nga insensitive naman. ♥️

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook