"So, you chose the gold package with these inclusions for 200 guests..." Napatuon kay Mama ang pansin ko nang magsalita siya. Hawak niya ang folder habang dinidiscuss sa magjowa ang napili nilang package. Tingin ko ay aabutin ng milyon ang gagastusin nila dahil enggrande ang gusto ng babae at bigla uli ako nakaramdam ng pressure pero alam kong kakayanin ko 'yun.
"Sol will assist you from gown and suit fitting to food tasting with your chosen catering service and bridal couture."
Tumingin sa akin si Mama. Tumingin din sa akin ang dalawang magkasintahan.
I looked at Mr. Z when I heard him clear his throat. "Wait, do you have experience in this kind of job?" Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
Natigilan naman ako at hindi ko nakontrol ang pagtaas ng isang kilay. Feeling ko jinajudge niya 'ko kung kakayanin kong i-handle ang kasal nila. Magsasalita pa lang ako nang magsalita si Mama.
"Actually, your wedding will be her first project as a wedding planner. First job niya ito pero madalas ko siyang maisama sa pag aasikaso ko sa mga dati kong kliyente kaya nakikita niya at alam niya kung paano gawin. Diba anak?" Siniko ako ni Mama.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Yeah, dont worry Mr. Z, I assure you that I can handle your wedding well. Magtiwala lang po kayo sa'kin kayang kaya ko pong trabahuhin ito." Pinilit kong maging normal ang pananalita ko kahit bigla akong nairita sa lalakeng kaharap ko.
"Okay! So we have nothing to worry about, babe!" Nakangiting sabi ni Ms. Lucy kay Mr. Z.
"Alright!" Saglit na tumingin sa akin si Mr. Z 'saka tumingin sa relo niya. Feeling ko hindi pa rin siya kumbinsido na kaya kong gawin. "Are we done here? I'm sorry, I have a meeting appointment at 10am."
"Yes, we're done!" Agad na sagot ni Mama.
"Not yet Ma, hindi pa na nila nasa-sign yung contract." Sabi ko nang maalala 'yon.
"Oh, oo nga pala!" Tumawa si Mama. Binigay niya ang kontrata sa dalawa. Pinirmahan naman nila 'yun agad nang hindi man lang binabasa.
"Ahm Ms. Glenda. I'm going to the U.S next week for my modeling career and will be back after 3 months, that's 1 week before our wedding. Kaya if possible gusto ko sanang maayos na muna ang mga kakailanganin sa kasal bago ako umalis like gown fitting. Gusto ko rin makita ang wedding venue." Sambit ni Ms. Lucy. Nagkatinginan naman kami ni Mama. As if naman kasi na magagawa namin ang preparation in just 1 week. Aalis siya nextweek at 3 months mawawala. Bakit hindi na lang sila magplano ng kasal pagbalik niya.
Hindi ko natiis kaya sinabi ko rin. "Bakit po hindi niyo na lang gawin ang pagpaplano ng kasal pagbalik niyo."
Bigla ako siniko ni Mama sa sinabi ko. Feeling ko rin nagmukha akong pakialamera, sana hindi ko na lang tinanong!
Tinaasan ako ng isang kilay ni Ms. Lucy. Sabi ko na hindi magandang idea na nakealam ako. Pero nagtanong lang naman ako eh, tinarayan agad ako ng babaeng ito. Mukha naman siyang mabait pero siguro hindi rin.
"We chose the date kasi 1st year rin namin 'yon as a couple. Kaya 'yung date na 'yun ang gusto ko na magpakasal kami." Pagtataray niya sa'kin.
1st year? so ibig sabihin almost 9 months pa lang silang magkarelasyon ngayon at naisipan na agad nilang magpakasal. Ayaw ko naman din magjudge, siguro talagang love lang nila ang isa't isa kaya pinili na nilang magpakasal agad.
"Okay Ms. Lucy. Kapag naconfirm kong available ang date na gusto niyo doon sa venue at sa bridal couture and stylist, pwede na agad natin puntahan. I mean kayo kasama si Sol, since siya ang wedding planner niyo." Sabi ni Mama.
"Okay!" Tanging sagot ni Ms. Lucy.
"Marami pala akong job applicant na iinterviewhin ngayon." Sabi ni Ms. Desiree na tumingin sa relo niya.
"Hiring sa company niyo? Si Sol gustong gusto magtrabaho sa kumpanya niyo. Diba?" Mahinang tumawa si Mama at tumingin sa akin. Parang pinupunto niyang mag apply ako sa company nila.
"Ha? ah opo!" Napakamot ako ng ulo.
"Really? Do you want to work with us?" Tanong pa ni Ms. Des.
"Yes po!" Agad kong sagot. Gustong gusto ko talaga magtrabaho sa malaking company na kagaya ng company nila. at isa pa nasabi ko kay Adam na sa Lorenzo Corporation ako nagtatrabaho at sana ay magkatotoo nga para naman mabawasan ang kasinungalingan ko sa kanya.
"I can consider you, if you're really interested." Seryoso niyang sabi. Napangiti naman ako dahil mukhang seryoso talaga siya.
Tingin ko pwede ko naman pagsabayin ang office job sa pagiging isang wedding planner dahil dalawa naman kami ni Mama na magtutulungan doon.
"Diba kailangan mo ng reliever ni Sally? Si Sol na lang ang kunin mo. You need a secretary asap so siya na lang. I think she's qualified naman." Natigilan naman ako sinabi ni Ms. Lucy. Siguro okay lang kahit anong trabaho huwag lang ang maging Secretary ng boss na ito na feeling ko ay may pagka arogante. Nakatingin siya sakin nang tignan ko siya.
"Ay no, actually I...." Natigilan ako sa pagsasalita nang magsalita si Mama.
"Kaga-graduate lang ni Sol from college, wala pa siyang job experience pero madali naman siya matuto. Isa pa gustong gusto niya ang trabaho ng Secretary." Bahagyang tumawa si Mama. Napakamot na lang ako ng ulo ko.
Napatingin ako kay Mr. Z na kunot noong nakatingin sa akin. "So how can you do your job as a wedding planner if you have another job."
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Pinigilan kong taasan siya ng kilay. Feeling ko kasi jinajudge na naman niya 'ko. Pero natural lang na mag iisip siya kung magagawa ko ng maayos ang pag aasikaso sa kasal nila kung magkakaroon ako ng iba pang trabaho.
I took a deep breath at magsasalita na sana nang maunahan ako ni Mama.
"Nandito naman ako to support her. Gagawin ko yung bagay na hindi niya magagawa. Huwag kayong mag alala kayang kaya yan ni Sol." Siniko ako ni Mama para magsalita ako.
"Yes Mr. Z! Don't worry, magagawa ko po ng maayos ang preparations ng kasal niyo kahit may iba pa akong trabaho. Just trust me. I also need additional income." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kung ayaw niya kong maging empleyado niya ay okay lang naman. Feeling ko rin ay striktong CEO siya kaya hindi bale na lang!
Tumingin si Mr. Z sa wrist watch niya. Tapos kinuha niya ang wallet at ibinigay sa akin ang isang calling card.
"Alright, just email your resume here." Sabi niya sabay abot sa akin ng calling card.
"I'm sorry, I really have to leave. Just contact me if you need me for the wedding preparations." Tumayo na siya at si Ms. Lucy. Matapos nila magpaalam ay umalis na sila.
Napatingin naman ako sa calling card na inabot niya sa'kin and something came to my mind saying na pwede ko ring subukan.
♥️