2. The CEO

1336 Words
Bumalik na 'ko sa table namin. Pinaguusapan nila ang kasal pag upo ko. May message si Adam at binasa ko. Adam: Thank you, baby. Please rest if you are tired too! Napangiti ako sa sinabi niya at nireplyan siya. Cherish: Okay, thank you! Nilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng table at nakinig sa pinag uusapan ni Mama at mga client namin. "He's here!" Napatingin ako kay Lucy nang sabihin niya 'yun habang nakatingin siya sa likuran ko. "I'm sorry, I'm late!" Pamilyar ang tinig ng lalake kaya lumingon ako sa likod ko. Agad naglandas ang paningin naming dalawa ng lalakeng nabangga ko malapit sa CR. So yung lalakeng 'yun na nakabangga ko at parang walang pake sa mundo ay si Z Lorenzo na CEO ng Lorenzo Corporation?! Ngayon ko lang narealize na siya nga 'yon. May ilang beses ko na siyang nakita sa socmed pero hindi ko narealize kaninang nasalubong at nagkabangga kami. Nakatingin siya sakin hanggang sa lumapit siya kay Ms. Desiree at nagmano. Lumapit din siya kay Lucy at niyakap. "Anak, this is Ms. Glenda, the wedding planner." Pakilala ni Ms. Des sa lalakeng 'yun kay Mama. "Grabe, parang kailan lang nung kasal ni Hana at Greyson na ang liit liit pa nito, sila ni Yana na nagtatakbuhan pa noon sa simbahan. Ngayon pareho na silang lumalagay sa tahimik." Lumapit si Zeke kay Mama at nakipag shakehands. "Diba ang bilis ng panahon!" Tumawa si Ms. Desiree. "She's with her daughter na wedding planner din, si Sol!" Pakilala ni Ms. Desiree sa akin. Tumingin sa akin si Zeke at lumapit. Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad sa akin. Naalala ko nung mabangga niya 'ko kanina at parang wala man lang siyang pake, nag sorry nga siya pero parang wala sa loob niya. Pero baka hindi lang talaga maganda ang araw niya. Naalala kong may pinagagalitan siya habang kausap sa cellphone. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag shakehands. "It's a pleasure to meet you!" Ang sarap sa pandinig ng husky niyang boses. Lalakeng lalake ang dating. Napakabango pa niya! Binalik ko na sa reyalidad ang isip ko. "Nice to meet you too, Mr. Lorenzo!" Matamis ko siyang nginitian. Nainis ako sa kanya kanina pero ngayong nalaman kong siya pala ang kilalang si Z Lorenzo na magiging kliyente namin ay kailangan ko ng alisin ang pagka inis ko. "You can call me Mr. Z!" I felt him squeeze my hand gently while staring at me. "Oh okay Mr. Z, I'm Soleil." Pakilala ko sa sarili ko. Nakatitig kami sa isa't isa habang magkahawak ang kamay namin. Hindi ko naman maintindihan dahil unti unting parang may kung anong dumadaloy na kuryente sa kamay ko habang hawak ang kamay niya kaya bigla akong napabitiw sa kanya. "Hmm babe, look!" Sabay kaming tumingin kay Lucy nang marinig namin siyang nagsalita. Nakatingin siya sa folder na naglalaman ng wedding planning proposal na binigay ni Mama. May iba ibang package na naroon na pwedeng pagpilian ng kliyente. May listahan din doon ng mga catering services, bridal couture and wedding venues kung saan affiliated si Mama. Lumapit at umupo na si Mr. Z sa tabi ng fiancee niya na kaharap ko at tinignan din ang proposal. I suddenly felt bored after a few minutes. Si Mama at Ms. Desiree ay nag uusap habang naguusap din ang magjowa habang nakatingin sa folder. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag. Natuwa ako nang makita ang message ni Adam. Kanina pa pala ang message na 'yon na hindi ko napansin. Sinabi niya kanina na busy siya pero may oras pa rin siya na i-message ako. Adam: My head hurts so much, baby. My migraine attacks. It's so damn painful. Nag worry ako sa sinabi niya. I want him to feel okay kaya naisipan kong sendan siya ng picture ko. Napahagikgik ako ng masend ko na ang picture. Kanina pagkatapos ko maligo at nakatapis pa ng tuwalya nang magselfie picture ako sa harap ng salamin ng whole body. Tinakpan ko lang ng emoji ang mukha ko bago ko sinend sa kanya. I'm sure matutuwa siya dahil gustong gusto niyang nagsesend ako ng ganitong picture sa kanya. Actually madalas siya magrequest ng higit pa sa ganung picture pero hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para picturan ang sarili ko ng hubo't hubad at i-send sa kanya. Binasa ko ang message niya nang magreply siya. Adam: Woah you're so damn hot! I wish I was there, baby! I want to feel you. Napahagikgik ako sa sinabi niya. Bigla naman ako natigilan nang sikuhin ako ni Mama. Tinago ko bigla ang phone ko. Pinandilatan niya ko ng mata nung tumingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na nasa meeting nga pala ako at may kasama akong ibang tao. Kausap ni Mama si Ms. Lucy at Ms. Desiree na nakatingin sa proposal. Si Z naman nakatingin sa cellphone niya. Pansin kong okay na ang mood niya ngayon dahil nakangiti siya hindi gaya kaninang nasalubong ko siya na sambakol ang mukha niya. "What do you think, babe?" Bumaling sa kanya si Ms. Lucy kaya doon na natuon ang atensyon niya. Tinago na niya ang cellphone niya. "You decide what kind of wedding you would like. Whatever you want is fine with me." Nakangiting sabi ni Mr. Z kay Lucy. Ngumiti din si Lucy. May kislap sa mga mata niya at nakikita ko doon ang pagmamahal niya sa boyfriend niya. Alam ko ang ganitong bagay sa ilang beses na sinama ako ni Mama sa mga kasalan. Alam ko kung totoo ang kasal o arranged wedding lang na wala man lang akong makitang pagmamahal sa mga mata nila. Hindi ko naman mabasa ang nasa mga mata ni Z. Feeling ko siya 'yung tipo na malalim ang pagkatao na mahirap halukayin kung ano ang nasa isip. Tumingin siya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibók ng puso ko. Kanina ko pa siya nakikita pero ngayon ko narealize kung gaano siya kagwapo. Napaka gwapo niya sa pictures sa socmed at mas lalo sa personal. He's so handsome, perfectly handsome. Hindi na 'ko magtataka kung bakit maraming kababaihan ang humaling na humaling sa kanya. Nasa harap ko lang siya nakaupo at napakalapit lang kaya kitang kita ko kung gaano siya kagwapo. Simula sa makapal niyang kilay, bilugang mga mata, pointed nose, mapupulang labi at makinis na balat. May nunal siya sa gilid ng kilay niya na bumagay sa mukha niya. Naka black suit siya at napaka professional ng dating. Kahit naka formal suit siya hindi pa rin maitatanggi ang hotness niya. Nabasa ko sa socmed na 33 years old na siya so he's 10 years older than me. Gusto ko sa guy ang malaki ang age gap sa akin kaya bigla akong naturn on sa kanya. Natigilan naman ako at parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa naisip ko. Ikakasal na ang lalakeng ito pero nagiisip ako ng ganitong bagay sa kanya! He took the coffee from the table and took a sip. Hindi ko nakontrol ang titigan siya habang umiinom ng kape. Napalunok ako nang gumalaw ang adams apple niya. May kakaibang hatid 'yun sa sistema ko na hindi ko alam kung magugustuhan ko ba. He then put the coffee back on the table and licked the corner of his lips. Napatingin naman ako sa mga mata niya na nakatuon sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatingin sa'kin. Feeling ko bigla akong nag blush. "Babe, do you think this is nice?" Tanong ni Lucy na nakatingin sa folder. Bumaling naman doon ang tingin niya. "Yeah, it's great! It's much better than the other one." Sambit niya. I shook my head sa mga naiisip ko. Ikakasal na ang lalakeng nasa harapan ko pero parang pinagnanasaan ko siya sa isip ko but héll, of course not! hindi ko siya pinagnanasaan, ang sama kaya ng ugali niya. Narinig kong sinisinghalan niya ang kausap niya kanina sa cellphone and I'm sure empleyado niya 'yun. Siguro may pagka aroganteng boss ang lalakeng ito. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD