Gamit ang pera na pinapadala sa kin ni Kiko sa tuwing sumasahod siya ay nilakad ko na ang mga requirements namin para sa nalalapit naming kasal. Hindi na ako naghahangad pa ng maganda at bonggang kasalan sa simbahan ang nais ko lang ay maging lega na kaming mag-asawa ng lalaking minamahal ko mula noon hanggang ngayon. Ilang araw na lang at magpapacheck-up na akong muli para malaman kung magaling na talaga ako. Iniisip ko nga kung babalik pa ba ako sa bahay nila Kiko. May konti naman akong ipon sa mga pinapadala niya sa akin kaya baka maghanap ako ng mura na upahan kahit maliit lang para sa aming dalawa. Hindi na bale na wala pa kaming mga gamit. Makakapag ipon naman siguro kami unti-unti dahil ang lahat naman ay sa wala nag-uumpisa. Ngunit kung tutuusin ay ang lahat ng mga appliances s