Hindi ako mapakali. Hindi mawaglit-waglit sa isip ko ang tungkol sa offer sa akin ni Sir Rhuel. Hindi naman habang-buhay na maging yaya ng anak niya pero hindi ko pa rin mapagdesisyunan ng agaran sapagakat paano naman ang kasal namin ni Kiko na ngayon ay inaasikaso ko ba? “Anak, may problema ka ba?” tanong ni tatay na nakadungaw na pala sa aming bahay. Ang bahay namin ay gawa sa kalahating bato at kalahating sawali. Hindi ko man lang napagawang bato lahat para matibay-tibay na sa panahon ng bagyo. Marami talaga akong pinagsisihan na hindi ko nagawa noong may trabaho ako. Ngayon ko talaga na realize kung paano ko napabayaan ang tunay kong pamilya kahit hindi naman nila ako inoobliga na tulungan sila. Pilit akong ngumiti at umiling. “Wala naman po, tay. Excited na lang po kasi ako n