Episode 8

1024 Words
“Ano bang nangyari sayo, anak? Bakit naman pinabayaan mo ng ganyan ang sarili mo?” ang umiiyak na tanong ni Nanay ng makauwi na ako sa bahay namin. Gusto niya akong yakapin ngunit yakapin pero pinigilan ko na lamang siya sapagkat ayoko siyang mahawa sa sakit ko. “Pasensya na po, Nay. Hindi ko po sinasabi sa inyo dahil ayoko pong makadagdag pa sa mga alalahanin ninyo ni tatay at ni Daria.” Paliwanag ko. Nagbiyahe lang ako mag-isa kahit may sakit ako. Nanghihina ang katawan ko pero pinilit ko talaga ang bumiyahe para makauwi na sa pamilya ko. Pakiramdam ko rin kasi ay hindi ako gagaling kung naroon ako sa bahay nila Kiko. Kahit may gamot akong iniino ay hindi naman ako makapagpahinga ng maayos at hindi matahimik ang isip ko sa araw-araw na pinapaalala nila sa akin na isa lang akong pabigat sa bahay na yon. May trabaho rin kasi si Kiko. Gusto niya sana akong ihatid ngunit mariin na tumutol ang kanyang nanay Karla dahil baka raw maka epekto sa trabao ng anak niya ang isang beses na pagliban kaya wala na kaming nagawa pa. Ilang pirasong damit na lamang ang dinala ko para hindi na ako mahirapan sa pagbubuhat. Binigyan na lang din ako ng pera ni Kiko para kahit paano ay panggastos ako dito sa bahay kahit pambili lang ng ulam. Nangako naman siya na sa tuwing sahod niya ay magpapadala na lamang siya sa akin hanggang sa tuluyan akong gumaling. “Ate, hindi pa rin tama na hindi ka nagsabi sa amin ng tunay mong kalagayan. Paano kung may masamang nangyari sayo? Paano namin matatanggap nina nanay at tatay na ibabalita na lang sa aming pamilya ni kuya Kiko na may masamang nangyari sayo.” Sermon ni Daria na siya pa lang nag-ayos ng kural ng baboy para maging pansamantalng tirahan ko. Sabi ni nanay ay pwede naman ako sa kabilang kwarto pero iginiit ko talagang na ayoko silang mahawaan. Ilang buwan lang naman ang ilalagi ko sa kural ng baboy. “Mabuti na nga lang at tinulungan si Daria ni Matias sa pag-aayos ng kural kaya kahit paano ay naging maayos ang kinilabasan. Hindi pa kasi magawa talagang kumilos ng tatay mo.” Nanubig ang mga mata ko sa narinig kay nanay tungkol kay tatay. Ilang taon akong nagtrabaho pero madalas ay hindi ko maabutan ang pamilya ko. Ngunit heto at narito ako dahil may sakit ako. Pamilya ko pa rin talaga ang makakaramay ko sa panahon ng kagipitan. Ang Matias na binanggit nila ay ang anak ng katiwala sa kabilang hacienda kung saan nagtatrabaho ang mga magulang ng lalaking yon. Bata pa lang din kami ay kilala ko na si Matias dahil magkaklase sila ng bunso kong kapatid. “Anak, magpagaling ka, ha. Huwag mong alalahanin ang ibang bagay. Kami ang gagawa ng paraan kapag may pangangailangan tayo. Magpahinga ka at magpagaling dahil pakiramdam ko hindi ako naging mabuting nanay sayo at napabayaan kita ng ganyan, Dea.” Paninisi ni Nanay sa kanyang sarili. Si Tatay ay nasa loob ng bahay namin at kasalukuyang natutulog pa kaya wala siya rito. “Nay, huwag niyo pong sabihin yan. Kasalanan ko po kung bakit ako nagkasakit kaya huwag na po kayong umiyak.” Pag-alo ko kay nanay na hindi ko man mahawakan. Ayoko talaga. Mahirap na at baka ang simpleng pagdantay ko lamang sa kanya ay mahawa siya sa sakit ko. “Siya, ate. Magpahinga ka na muna at galing ka sa biyahe. Papasok na rin muna ako sa trabaho. Mamaya may pasalubong ako sayo. Kung ikaw dati ang may pasalubong sa akin hayaan mong ako naman ang bumili ng pasalubong para sayo. Kaya alis na muna ako, ha. Huwag ka na munang magkikilos. Ang tanging gagawin mo lang ay magpahinga, matulog, kumain at uminom ng gamot para tuluyan ka ng gumaling.” Positibong sambit pa ng kapatid ko. Nagta-trabaho si Daria sa pabrika sa bayan gamit lamang ang aming lumang bisikleta. “Ingat ka rin sa pag-uwi.” Bilin ko na at saka na lang tinanaw ang palayo ko ng nag-iisang kapatid. Si nanay ay magluluto na raw ng aming tangahalian kaya pumasok na sa loob ng bahay. Pumasok na rin naman ako sa bago kong pansamantalang bahay. Maliit lang ang kural ng baboy ngunit tamang-tama lamang. Pawid ng niyog ang ginawang dingding nina Matias at Daria. Ang higaan ko naman na papag ay gawa sa kawayan. Maging ang maliit na pusonegro ng dumi ng mga baboy na inaalagaan namin dati ay nagawan agad ng paaran nina Daria upang magsilbing palikuran ko. May munti rin akong lamesa sa loob kung saan punong-puno ng mga sariwang prutas ang nakahapag. May mga iba't-ibang uri ng saging, abokado, guyabano at marami pang iba. May isang buwig din ng buko. Namilisbis ang mga luha ko. Iba talaga kapag ang sariling pamilya mo ang kasama mo. Hindi ka makakaramdam ng pabigat ka sa kanila. Naalala ko noong mga panahong kumikita ako. Lahat ng luho na pwede kong ibigay ay ginawa ko pamilya ng kinakasama ko na umaabot sa punto na ang sarili ko talagang pamilya ay wala akong maibigay. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo upang huwag ng mag-isip ng kung anu-anong mga bagay. Mabait ang pamilya ko kaya naiintindihan nila ako pero hindi ko siguro maloko ang sarili ko. May mali pero nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako dahil hindi ko talaga maamin kung anong totoo. Lumangitngit ng bahagya ang papag ng subukan ko ng maupo sa ibabaw nito. Pumikit ako at saka humugot ng sariwang hangin kung saan humahalo ang amoy ng iba't-ibang samyo ng mga damong ligaw at mga puno sa paligid. Para bang nakadama ako ng kapayapaan. Kapayapaan na hindi ko mahanap sa loob ng bahay nila Kiko. Maingay sa kanilang lugar ngunit pilir akong nag-adjust dahil sanay ako sa tahimik na paligid dito sa amin. “Hintayi mo lang ako, Kiko. Babalik din ako at magsasam tayong muli. Kapag kaya ko ay ako na mismo ang lalakad ng mga papel na kailangan natin para sa ating pagpapakasal.” At saka ako nangiti sa kawalan ng makaramdam ng excitement sa nalalapit na kasal namin ng lalaking minamahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD