Episode 7

1106 Words
“Ano ba yan, Dea! Hindi ba at sabi ko naman sayo na huwag na huwag ka na munang lalabas ng kwarto at baka makahawa ka sa amin diyo?!” singhal sa akin ni ng biyenan ko ng makita akong lumabas ng kwarto. Hindi kasi ako pwedeng lumabas dahil nga baka raw mahawaan ko sila. Ang kaso lang ay naiihi na talaga ako dahil hindi naibalik ni Kiko ang arinola kong gamit sa kwarto kaninang itinapon niya ang laman nito sa cr. “Pasensya na po, nay. Naiihi na po kasi ako at wala po ang arinola na gamit ko. Akala ko naman ay wala pong tao sa sala kaya lumabas na po ako,” katwiran ko sabay takip sa bibig ko kahit pa may suot akong facemask. Inubo kasi ako kaya naman mas lumayo ng distansya sa akin ang biyenan kong babae. “Paano kung magkalat ka ng anong virus dito sa sala dahil lumabas ka? Hindi mo kayang tiisin ang pantog mo at talagang pinili mo talaga na hawaan kami?” inis na inis na paratang ni nanay karla na nagsuot na ng facemask. “Hindi naman po. Sadyang hindi ko na po talaga kayang tiisin kaya nga p mabilis na akong lumalakad para makarating agad ng banyo.” Ngunit napapikit pa ako sa gulat ng tapikin ni Nanay Karla ng malakas ang ibabaw ng lamesa. “Nangangatwiran ka pa gayong ikaw naman ang mali! Ikaw ang may sakit na nakakahawa kaya dapat lang na sa loob ka lang ng kwarto para hindi ka na makahawa. At ganito pala ang ginagawa mo kapag walang tao dito sa bahay? Lumalabas ka pa talaga ayt hindi iniiisip na baka makahawa ka ng sakit mo?! Bakit ba kasi hindi ka muna umuwi sa inyo at ang pamilya mo ang hawaan mo ng kung anong virus meron ka?!” Yumuko na lang at pinipigilan ang sarili na huwag maiyak. Gustong-gusto ko na ngang umuwo kaso lang ay iniisip ko rin ang mga dadatnan kong pamilya. May sakit din si tatay kaya mahina ang katawan niya. Si Nanay ang umaasikaso sa kanya habang ang kapatid ko ang nagtatrabaho para kumita ng pera kaya hindi sila dapat na magkasakit dahil wala ng ibang tutulong pa sa kanila. Ayoko rin naman na malayo kay Kiko dahil nasanay na akong kasama siya kahit ngayong may sakit ako ay hindi na muna kami magkasama na natutulog dahil takot din ako na baka mahawaan ko siya ng tb. “Pesteng buhay to! Wala na ngang halos makain gusto pa yatang magkasakit ang lahat ng mga tao rito sa bahay! Dalian mobg kunin ang arinola mo at bubuhusan ko ng maraming alcohol ang buong banyo ng mamatay ang mikrobyo!” pasigaw na utos ni Nanay Karla Kaya namaj dinalian ko ng kunin ang bagay na kailangan ko. Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ay napahagulgol na lang ako sa iyak dahil pakiramdam ko ay talagang nakakadiri na akong tao na dapat ma layuan ng lahat at baka mahawa ko sila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number n Kiko. Bukod tanging siya lang ang kakampi ko sa bahay na ito kaya sa kanya rin ako kumukuha ng lakas kapag sobra akong na da-down lalo na ng nanay niya Ngunit ilang beses ko ng dinial ang number niya ay hindi pa rin niya ito sinasagot. Isang text messaged ang kanyang pinadala na nagsasabi na huwag ko siyang tawagan at nakakaistorbo ang tunog ng cellphone sa trabaho niya. Lalo akong naiyak na kahit siya ay hindi ako madamayan pero inisip ko na lang na dapat lang siya na may pokus sa trabaho dahil nga para sa future namin. Hindi rin nakapagpapahinga si Kiko sa araw ng day off dahil nga kailangan niyang maglaba ng mga damit namin at asikasuhin ang mga kailangan ko. Kailangan niya kasi akong ibili ng ibang ulam dahil hindi ako pwedeng makisalo sa kahit anong pagkain na meron ang pamilya niya dahil nga natatakot sila na mahawa ko. “Kung umuwi na nga muna ako? Kumpleto na rin naman ang gamot na dapat kong inumin sa mga susunod pang kaya hindi ko na problema,” sabi ko sa sarili ko. May kural ng baboy na bakuran namin kaya parang naisip ko na doon muna ako pansamantala na tumira habang naggagamot ako dahil takot din akong mahawaan ko ang mga magulang at kapatid ko. Ipaayos ko na lang muna para kahit paano ay may mga dingding. “Maglagay kayo ng facemask at magpahid ng alcohol dahil lumabas kanina si Dea!” sigaw sa labas ni Nanay Karla. Baka dumating ang iba niyang mga anak. “Kung bakit naman kasi lumabas-labas pa gayong alam niyang nakakahawa siya! Gusto nga yatang mahawaan ang iba pang mga nakatira rito para may karamay siya!” dagdag pa na sigaw ng biyenan ko. “Ano ba naman yan! Hanggang kailan ba tayo mangangamoy parang ospital sa bahay na ito! Nahihilo na ako sa amoy ng alcohol!” ani Kierra na siya pa lang dumating. “Naku! Ewan ko ba at hindi muna umalis at may pamilya naman na uuwian! Dapat doon muna siya para kung magkalat man siya ng virus ay pamilya niya ang hawaan niya! Mabuti na lang talaga at hindi nahawa ang kuya mo dahil kung nagkataom ay pare-pareho talaga tayong nganga sa gutom tapos may mga sakit pa!” Tinakpan ko na lang ang dalawang tainga ko para hindi ko na marinig pa ang ibang masasakit na salita na kanilang binabato sa akin Wala naman akong ketong pero grabe nila ako alipustain tungkol sa sakit ko. “Dapat talaga magkusa na lang siya na umuwi muna sa kanila, Nay. Siempre baka nahihiya si Kuya Kiko na magsalita kaya dapat makaramdam siya at magkusa na!” Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at kinuha ang bagpack ko na nakasabi sa likod ng pinto. Binuksan ko ang cabinet kung nasaan ang mga damit ko at nanghihina ko ng inimpake. Ilang buwan lang naman kami na maghihiwalay ni Kiko. Pagbalik ko ay magaling na ako at magpapakasal na kaming dalawa. Sa ngayon ay kailangan ko nga muna sigurong umuwi sa amin dahil baka hindi ako lubusan na gumaling lalo pa at sobra akong nag-iisip kapag naririnig ko ang mga masasakit na salita laban sa akin. Magtitiis muna ko hanggang sa gumaling ako sa sakit kong ito. Sigurado naman akong gagaling ako dahil sariwa ang hangin sa amin dahil nga nasa bukid kami. Malulungkot ang mga magulang ko kapag nakita at nalaman na may sakit ako pero tiyak kong matutuwa sila dahil nakauwi na ako. "Magpagaling ka, Dea. Magpagaling ka para ipagpatuloy ang mga pangarap ninyo ni Kiko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD