“I’m sorry, Miss Maria Dea, pasensiya na pero hindi mo kasi dapat na dinadala ang personal na problema mo rito sa trabaho. Mauna na ako at malayo pa ang uuwian ko,” paalam na ng supervisor ko sa trabaho.
Tanggal na ako sa trabaho.
Dahil sa palagi kong iniisip ang kalagayan ni tatay nitong mga nakaraang araw ay talagang naapektuhan ang performance ko sa trabaho kaya nag resulta ng hindi maganda. Kung dati ay nakakakuha ako ng pinakamataas na score ngayon ay wala na. Madalas pa akong babaan ng tawag ng kausap ko.
Lutang kasi ako.
Lutang dahil sa pagod.
Lutang dahil sobrang iniisip ang mga gastusin sa bahay kung saan ako umuuwi at maging ang mga magulang ko na pawang mga matatanda na.
Stressed ako sa pag-iisip kung paano ako makakatipid para may maibigay sa pamilya ko dahil sa bahay pa lang nina Kiko ay kulang na kulang na ang kinikita.
Lalo nga akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng sabihin na sa akin ng visor ko ang masamang balita.
Ilang beses niya na rin naman akong sinabihan tungkol sa ayusin ko ang trabaho ko pero natatalo talaga ako ng akong emosyon.
Paano na lalo ngayon?
Okay na si Tatay dahil nakauwi na rin naman sila ng bahay pero paano kung maulit muli na isa sa kanila ay magkasakit?
Paano ako makakatulong kung wala na akong trabaho na siya lamang pinagkukunan ko ng pera?
“Nariyan ka na pala, Dea. Mabuti naman at maaga kang umuwi. Tanong ko lang kung sumahod ka na ba? Kanina kasi ay pinuputulan tayo ng kuryente dahil nag due date na. Nakiusap na nga lang ako na magbabayad bukas na bukas din kaya hindi tayo pinutulan.” Bungad na sabi ng Nanay sa akin ni Kiko kahit nasa labas pa lamang ako ng gate ng bahay.
Hindi man lang ako hinayaan kahit makapasok lang ng kanilang bakuran.
Ganyan ang style niya kapag alam niya ng sumahod na ako.
Marami siyang dahilan kung saan ginagamitan pa ako ng kunwari ay mapuputulan na ng kuryente o kaya naman ay tubig para wala nga naman akong pagpilian kung hindi ang magbigay ng pamabayad.
“Ate Dea, pahingi rin ako ng one hundred pesos pang load ko. Wala naman kasing wifi connection sa school kaya hindi ako makagamit ng cellphone,” ani na naman sa akin ni Kiera.
Pumasok na ako sa bakuran pero hindi ako kumikibo.
Natanggal na nga ako sa trabaho ay
ganito pa ang salubong nila sa akin.
Pagpasok ko naman ng bahay ay naroon na pala ang tatay ni Kiko at mukhang maghihintay din sa akin.
“Dea, alam ko sumahod ka na kaya manghihingi sana ako kahit pambili lang ng isang bote ng alak pampaantok,” aniya naman sa akin.
Isang buntong-hininga ang ginawa ko bago ako humarap sa nanay at kapatid ni Kiko na nakasunod sa akin at maging sa padre de pamilya nila na ang sarap ng upo sa sofa habang hawak ang remote ng tv.
“Pasensiya na po kayo, Nay, Tay, Kiera. Pero ang lahat ng sinahod ko ay nauwi lang sa mga naging utang ko sa pagkakasakit ng tatay ko.” Pag-amin ko dahil iyon naman talaga ang totoo.
“Ay! Paano niyan? E di putol ang kuryente natin bukas? Bakit naman ibinayad mo lahat? Sana nakiusap ka na lang na sa susunod na lang ang iba.” Tila naiinis na sabi pa ng nanay ni Kiko.
“Hindi ko na sila pwedeng bayaran sa susunod dahil wala na po akong trabaho. Natanggal na po ako sa trabaho ko ngayon.” Walang emosyon kong pahayag.
Kita sa ekspresyon ng mukha ng mg taong kaharap ko ang pagkadismaya sa sinabi ko.
“Sus! Paano na tayo niyan kung wala ka ng trabaho? Ano ba naman kasi ang pinaggagawa mo at sa ilang taon mo na sa trabaho ay natanggal ka na lang ng ganyan?” sermon pa sa akin ng nanay ni Kiko na nagpunta na sa kusina at nagdadabog na habang hinuhugasan ang mga hugasin na kanina pa yatang tanghali.
“Dapat hindi ka pumayag na matanggal, Dea! Dapat magreklamo ka sa DOLE dahil natanggal ka kahit napakatagal mo na sa trabaho at napakasipag mo.” Suhestiyon naman ng tatay ni Kiko.
“Kasalanan ko rin naman po. Apektado ako sa pagkakasakit ng tatay ko kaya talagang hanggang sa trabaho ay hindi ako makapag-concentrate.” Paliwanag ko.
Ngunit napapitlag pa ako sa malakas na kalabog sa kusina.
“Kaya naman pala! Kasalanan mo naman pala! Paano na tayo niyang ngayon, Dea? Alam mong wala naman na may magandang trabaho rito sa bahay kung hindi ikaw lang tapos hinayaan mo pa na matanggal ka? Aano na tayo ngayon? Pare-pareho na tayong mamamatay ng dilat sa gutom? Pesteng buhay nga naman, oo! Mga hindi nag-iisip!” sigaw pa ng nanay ng kinakasama ko.
“Nay, anong nangyayari at hanggang sa labas ng bahay ay naririnig ko kayo?” tanong ni Kiko na galing sa labas ng bahay.
“Itanong mo riyan sa kinakasama mo!” pabalang na tugon ni Nanay Karla.
Kunot-noo na napatingin sa akin si Kiko.
“Ano ba ang nangyari?” tanong niya na sa akin.
“Sa kwarto na lang tayo mag-usap.” Mahinahon ko na lang na sagot.
Gusto ko na rin na maglaho dahil pinapahiya na ako ng nanay niya dahil lang natanggal na ako sa trabaho.
Sa ilang taon ko na pagbabanat ng buto para may maiuwi na pera sa bahay na ito ay pakikitaan niya na ako ng hindi magandang pag-uugali na hindi na naman lingid sa akin.
Madalas siyang makipag-away sa mga kumare niya at maging sa mga kamag-anak niya dahil may ugali ang nanay ni Kiko na ayaw magpatalo at gusto na lagi ang siyang nasusunod.
Una na akong nagtungo sa silid namin at naramdaman ko naman na sumunod si Kiko.
Hindi pa rin tumitigil ang nanay niya na patuloy pa rin na nagdadabog at halos basagin na ang mga gamit sa kusina.
“Dea, ano ba ang nangyari at ang init yata ng ulo ni Nanay sayo?” tanong agad ni Kiko na agad isinara ang pinto ng aming kwarto.
“Nanghihingi kasi siya ng pambayad ng kuryente pero wala kasi akong maibibigay dahil binayaran ko na ang mga naging utang ko sa pagkaka ospital ng tatay ko. Hindi ko na kasi pwedeng hindi bayaran dahil wala na akong pambayad sa susunod dahil wala na akong sasahurin dahil last day ko sa trabaho ngayon.” Pahayag ko na sa kinakasama ko.
“Natanggal ka sa trabaho? Paano? Bakit?” mga tanong ni Kiko na marahil ay hindi talaga inaasahan ang maririnig sa akin.
“Anong magagawa ko kung tinanggal nila ako? Wala na ba silang karapatan na tanggalin ako kung nagbabawas na sila ng mga tao?” balik ko naman na tanong kay Kiko.
Nahimigan marahil ni Kiko na tila may naiinis na rin ako kaya nagbago nag ekpresyon ng kanyang mukha.
“Nabigla lang siguro si Nanay dahil nga maraming bayarin sa bahay at ikaw lang ang may siguradong sahod. Pero hayaan mo na at may maganda naman akong balita sayo,” saad ni Kiko na mukha ngang maganda nga ang balita dahil sa halata sa kanyang mga mata.
“Naalala mo iyong kaklase nating si Gwen? Hindi ba at naka graduate siya bilang architect? Bigatin na pala siya ngayon at pinagpapasa niya ako ng papel para kunin niya ako bilang engineer. Sa wakas! Magagamit ko na ang lisensya ko!” bulalas ni Kikoat saka pa ako niyakap.
Napakaganda nga na balita.
Matalino at mayaman si Gwen kaya hindi nakapagtataka na magtagumpay siya sa buhay. Kaklase namin siya noong high school. Kahit noon pa ay napakagaling na at talagang nakakahanga rin naman ang kanyang talento sa pagguhit.
“Heto na ang simula ng pagbabago ng buhay natin kaya huwag ka ng malungkot pa. Siguro ay talagang inadya na ng panahon na makawala ka na sa trabaho dahil nga ako na ang magkakaroon. Magpahinga ka na lang dito sa bahay at ako naman ang magbabanat ng buto para sa lahat ng mga pangangailangan. Mabibili na kita ng mga gusto mo na hindi mo mabili dahil nga mas inuuna mo ang pangangailangan dito sa bahay.”
Siguro nga ay dahilan kung bakit napaaga lang talaga ang pamamaalam ko sa trabaho dahil nga may maganda na pa lang trabaho na naghihintay para kay Kiko.
Simula na nga siguro ng pagbabago sa aming buhay.
Magiging normal na rin ang set-up namin sa pagsasama naming ito.
Ako na babae ang siya ng maiiwan dito sa bahay at gagawa ng mga gawaing bahay habang siya na lalaki ang dapat naman na naghahanap-buhay.
“Sigurado akong matatanggap ka sa trabaho bilang engineer dahil matalino ka naman at magaling. Kaya naman congratulation ngayon pa lang,” masaya ko na rin na pagbati at saka niyakap si Kiko at hinalikan sa kanyang mga labi.
“At gagalingan ko talaga para matupad ko na lahat ng mga pangako ko sayo. Magpapakasal na tayo at magkakaroon ng mga anak gaya ng lagi nating pinapangarap. Makakakuha na rin tayo kahit hulugan na bahay at doon na tayo lilipat at bubuo ng mga magagandang alaala kasama ng mga anak natin,” sabi pa ni Kiko hanang nakayakap sa akin.
Para ba akong naluluha sa sobrang saya na nararamdaman dahil malapit na nga yatang matupad ang mga pangarap namin.
Malapit na nga sigurong magbunga ang lahat ng sakripisyo na ginawa ko para sa pagmamahal ko kay Kiko.
Tunay nga talaga na kapag may nagsara na pintuan ay may magbubukas na bintana gaya ng nangyari ngayon.
Natanggal ako sa trabaho at talagang nalungkot ako ng sobra dahil ilang taon din ako sa kumpaniyang iyon. Pero heto at may magandang oportunidad na para kay Kiko kung saan magagamit niya na ang kurso na kanyang tinapos.
“Hindi ko naman hinahangad na maging marangya ang buhay natin. Basta ba magkasama tayo kasama ng magiging mga anak natin ay sapat na para maging masaya ako, Kiko.” Lahad ko naman.
“Ako rin naman, Dea. Alam mong mahal na mahal din kita kaya nahihiya rin ako sayo dahil wala man akong maitulong sayo lalo na ng nagkasakit ang tatay mo.”
Umiling ako.
“Alam mong walang problema sa akin, Kiko. Kaya nga dapat lang na magkaroon ka ng tranbaho ngayon dahil ang totoo nakakaramd na ako ng pagod sa trabaho. Para bang bigla na lang akong napagod gayong noon naman ay lagi akong excited sa pagpasok sa trabaho.” Kwento ko pa.
“Sorry, mahal ko. Sorry kung ilang taon ka rin na nagtrabaho. Pero ngayon ay hindi ko sasayangin ang magandanv pagkakataon na ito. Pagbubutihin ko at pangako na ako naman ang taya ngayon. Ako naman ang mag spoil sayo gaya ng kung paano mo ako i-spoiled.”
Hinigpitan ko na lamang ang pagkakayakap ko kay Kiko bilang tugon sa hinihingi niya ng sorry sa akin.
“Bahala kayong maghanap ng uulamin niyo! Malapit na rin maubos ang bigas sa bigasan! Wala akong pambili dahil wala naman akong trabaho!” pagpaparinig pa ng Nanay ni Kiko na talagang sumama ang loob dahil bukod sa wala na akong naiabot na pera ay pinabatid ko nga na wala na akong trabaho.
“Hayaan mo at may pambili ako. May natira naman ako sa ibinigay mong pamasahe,” wika na lang ni Kiko.
Sana nga magkaroon na ng trabaho si Kiko at maging maganda ang sahod niya para makaipon at makalipat kami agad ng bahay.
Hindi naman sa ayaw ko ng makasama ang pamilya niya ngunit ilang taon na rin naman akong nakisama sa kanila at siguro naman ay hindi na nakakahiya kung bubukod na kami ni Kiko para sa bagong simula.