“Buong akala ko ay hindi ka na darating? Ngayon lang yata nangyari na dumating ka sa ganitong oras?” tanong ni sir Rhuel. Si Ron naman ay masigla ng humakbang patungo sa akin at saka yumakap na sa aking hita na parang sabik na sabik na akala mo ba ay kay tagal niya akong hindi nakita. “Mommy! Mommy!” pumantay ako ng tangkad kay Ron para haplusin ang kanyang buhok. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na huwag niya akong tatawaging mommy. Nahihiya rin ako lalo pa kapag naririnig ng Daddy niya. Baka isipin ni Sir Rhuel ay tinuturo ko talaga sa anak niya tawagin akong mommy. “Ron, hindi ba sabi ko sayo. Tita ang tawag mo sa akin at hindi mommy?” malambing kong sabi sa bata na nakayakap pa rin sa akin. “Hayaan mo na ang bata, Miss Dea. Kung saan masaya ang anak ko ay dapat lang na hayaan k