Buong maghapon ay walang paramdam sa akin si Kiko. Hindi talaga ako nakatanggap ng kahit anong mensahe galing sa kanya. Nilinisan ko na muna ang mga bote ng gatas ni Ron at saka ko na rin nilinisan ng katawan ang bata. Kanina ng nasa farm kami ng mga saging ay wala siyang tigil sa pagtakbo ng pagtakbo na hinahayaan ko lang din naman. Panay lang ang pagpalit ko ng sapin sa kanyang likod para hindi siya matuyuan ng pawis. Kung dito sa malaking bahay nila ay naiilang ako kapag tinatawag niya akong mommy na naririnig ni Anne at ng kanyang nanay lalo na ni Sir Rhuel ay mas lalo akong nailang dahil kanina ay marami kaming kasamang mga tao at napapalingon sa bata kapag masigla niya akong tinatawag na mommy. Siyempre, alam ng mga tao rito na hindi naman ako ang tunay na nanay ng bata at hindi