“Baka naman mapagod ka sa paglalakad sa umaga at pag uwi sa hapon galing sa trabaho mo, Dea? Alam naman namin na hindi ka na sanay sa paglalakad ng malayo.” Pag-aalala ni nanay n kanya ng sabay-sabay na kaming kumakain ng almusal. Alas otso ng umaga ang pasok ko sa hacienda kaya naman dapat talaga ay maaga na akong nag-a-almusal para may lakas sa maghapon. Hindi ko talaga ipinaalam sa pamilya ko kung saan talaga ako nagtatrabaho at anong klase ng trabaho ang ginagawa ko. Kahit sa kapatid kong si Daria ay alam na isa sa mga grocery store sa bayan ang trabaho ko. Ayoko na malaman nila na kay sir Rhuel ako naninilbihan. Ayokong maramdaman ng mga magulang ko na dahil sa kanila kaya ako napilitan na mamasukan bilang tagapag-alaga ng anak ng taong pinagkakautangan nila. “Okay lang po, nay.