Hindi tuloy ako mapakali. Bukod sa naiilang naman akong matulog dito sa bahay ni Sir Rhuel dahil ang totoo ay tatlo lang kaming naririto ay idagdag pa ang kaisipan na sinabi niya sa akin tungkol sa pagiging tapat namin ni Kiko. Sigurado akong tapat ako. Kaya nga kahit nakaka-tempt na patulan na ang alok ni Sir Rhuel tungkol sa pagpapakasal ko sa kanya kapalit ng kabayaran sa utang ni tatay ay mas pinipili ko pa rin talaga na magtrabaho sa iba para makaipon ng pambayad. Kilala ko naman ang lalaking mahal ko. Kahit kailan ay wala akong nakitang kakaiba sa kanyang kilos na kung saan mararamdaman kong may dapat akong ipagduda o ipagselos. May sarili akong silid ngunit mas gusto kong matulog dito sa kwarto ng alaga ko. Hindi rin kasi ako mapakali na hindi ko nakikita si Ron lalo pa at