Episode 21

1100 Words

Dahil abala si Anne sa ibang gawain sa bahay ay ako na lang ang nagkusot ng mga pang-araw-araw na damit ni Ron. Nasa tabi ko lang naman ang alaga ko na naglalaro lang ng kotse-kotsehan niyang mga laruan. “Huwag kang aalis sa tabi ko, Ron. Mamaya isasampay ko na itong mga damit mo sa labas.” Bilin ko sa bata na hindi naman talaga nawawala sa tabi ko. Ngunit lumapit si Ron sa batya kung saan ako nagbabanlaw at saka masayang nagtampisaw sa tubig. “Mommy, cold,” aniya sa akin sabay ngiti na labas ang lahat ng kanyang mapuputing ngipin. “Cold talaga yan kaya huwag kang magbabasa at baka sipunin ka at lagnatin na naman,” ika ko na lang sa bata na tila manghang-mangha sa paghawak ng tubig. “Ay!” napatili ako ng matalsikan ako ng tubig. Dahil yata sa tuwa kaya hindi na napigilan ni Ron ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD