Tuwang-tuwa sina nanay at tatay ng makita at malaman na kanila na ang e-trike na dala ko pauwi ng bahay. Kung masaya sila, paano pa ako? Ang tagal ko kayang pinangarap na sana isang araw talaga ay mabigyan ko ang mga magulang ng isang bagay na labis na makakatulong sa kanila gaya nga nitong e-trike na madali lang naman paandarin at pwede na silang maglibot ni nanay. Ang panalangi ko lang huwag silang magawi sa hacienda Malubay dahil baka makita nila ako. Siyempre, nagtaka sila saan ako kumuha ng pambili. Ang dahilan ko na lang ay nanguha ako ng hulugan dahil mura lang naman at buwan-buwan kong huhulugan. Hindi nagsasalita ang kapatid kong si Daria ngunit may kakaiba siyang ngiti sa kanyang mga labi at waring nanunudyo dahil alam niya naman kung kanino posibleng nanggaling sasakyan na d