Halos hindi ko na talaga matingnan si Sir Rhuel dahil sa nangyari sa amin habang naglalaba lang naman ako noong isang araw. Kung kami nga lang talagang dalawa ng mga oras na yon at nagkataon na nasa loob kami ng bahay o kwarto ay baka may nakagawa na talaga ako ng isang malaking kasalanan kay Kiko. Panay ang usal at paghingi ko ng tawad dahil sa masasabi ko na namang malaking kataksilan na ginawa ko sa lalaking mahal ko. Paano ko nagawa kay Kiko ang ganun? Bakit ko hinayaan si Sir Rhuel na hawakan ang maseselang bahagi ng katawan ko? Ano na lang ang mukha na ihaharap ko kay Kiko kapag nalaman niyang nahawakan na ng ibang lalaki ang maseselang bahagi ng katawan ko. Paano ko ipapaliwanag na wala namang nangyari sa amin ni sir Rhuel? Maniwala pa kaya siya sa akin kapag sinabi kong wala