Episode 6

1556 Words
May sakit pala ako at kung hindi lang ako nagpa-medical para sa trabaho sana na papasukan ko ay hindi ko pa malalaman. Tuberculosis na dapat kong agapan para hindi na mas lumala pa. Nagagamot din naman ayon sa doctor basta ba tuloy-tuloy ang gamutan ko na libre lang naman daw sa mga health center. Kaya pala sobrang laki lalo ng ikinabagsak ng katawan ko. Bukod sa wala na akong maayos na naging pagkain simula ng mawalan ako ng trabaho ay ako na rin talaga ang nagtrabho sa loob ng bahay nila Kiko para walang masabi ang pamilya niya. Ginampanan ko na lamang ang halos lahat ng mga gawaing bahay maiwasan ko na lamang na makarinig ng hindi maganda sa pamilya ng kinakasam ako lalo na sa kanyang nanay. Akala ko kaya hindi ako nawawalan ng ubo ay dahil madalas akong matuyuan ng pawis dahil sobrang init sa kwarto namin ng kinakasama ko. Noong may trabaho kasi ako ay laging gabi na lang ako umuuwi kaya hindi ko ramdam ang init sa maghapon kaya kahit ang mahinang hangin ng clip fan ay sapat na. At saka siguro sa sobrang pagod ko ay hindi ko na nararamdaman kung mainit ba o malamig. “Ano ba naman yan?! May tv ka? Ay! baka mahawaan mo pa niyan kami!” bulalas ni Nanay Karla ng sabihin ko na hindi ako matutuloy sa trabaho dahil nga sa naging resulta ng medical ko sa baga. “Madali lang daw pong gamutin abf sakit ko, Nay. Kaya magpapagaling muna po ako para hindi na po mas lumala ang sakit ko.” Paliwanag ko. “Iwww! Ate, huwag mo munang gagamitin ang lahat ng dito sa bahay at baka mahawa kami sayo! Kadiri at baka pati kami magkasakit. Kakatakot pa naman at baka malaman ng mga kapitbahay natin na mga mapanghusga ang tungkol sa sakit mo.” Maarteng sabi pa ni Kierra na nakikinig sa usapan namin ng nanay niya. “Bumili ka ng sarili mong gamit. Huwag na huwag kang gagamit ng anumang gamit ko dito sa bahay at baka nga mahawa mo pa kami! Ano ba naman yan! Wala ka namang ginagawa sa bahay na ito ay nakuha mo pa talagang magkasakit! Anong pambibili mo ng gamot niyan? Huwag mong sabihin na hihingi ka kay Kiko na kulang na kulang pa rin ang kinikita sa lahat ng mga gastusin dito sa bahay?” sermon agad sa akin. “Libre lang daw po ang gamot sa health center, Nay. Kaya pupunta po ako roon para po magpa-record at bigyan po ako nga gamot.” Nanlaki ang mga mata ng biyenan ko sabay taas ng kanyang mga kamay at iwinagayway na parang nagpapaalam sa mukha ko. “Ay! Hindi-hindi! Ano talagang ipapangalandakan mo sa buong barangay na may sakit ka nakakahawa? Anong gusto mo pag-usapan at pandirihan ka kasama na kami ng mga tao sa laba?! Manahimik ka nga, Dea!” asik ng biyenan kong babae na kulang na lang ay lumuwa ang mga mata sa pagsasalita. “Ang mabuti pa, Ate, umuwi ka na muna sa inyo at doon ka magpagaling. Maawa ka naman sa amin na pwede mong mahawa dito sa bahay.” Nakasimagot na suhestiyon na Kierra na bahagya pang lumayo sa akin. Lihim na lang akong napabuntong-hininga sa mga naririnig. Higit kong mas kailangan ng pang unawa at hindi ganito na para talagang wala ng lunas ang nakakahawang sakit na mayroon ako. “Nay, ikaw na kaya ang mismong bumili ng mga disposable na gamit niyang si Ate Dea. Mura lang naman ang mga disposable na baso, plato at kutsara sa palengke,” ani pa ni Kierra sa nanay niya sabay suot ng kulay itim na face mask at pahid ng alocol sa mga kamay at braso. “Ako na nga ang bibili at baka isipin mo naman Dea na masyado ka naman naming kinakawawa dito sa bahay namin.” “Salamat po. Hayaan niyo po at mababayaran ko rin po kayo kapag gumaling na ako at makapagtrabaho na po ulit.” Ang sagot ko na lang sa biyenan ko. “Naku! Kailan naman kaya yan? Magpagaling ka na nga muna at saka ka na magyabang!” sita pa ng ni Nanay Karla at saka na nagdadabog na lumabas ng bahay. “Ate, pumasok ka na lang muna sa kwarto niya and please, huwag mo kaming hahawaan.” At saka na rin nagmamadaling umalis sa sala si Kierra. Pumatak na lamang ang mga luha ko ng maiwan akon mag-isa. Awang-awa ako sa sarili ko na para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Bakit sunod-sunod na kamalasan yata ang nangyayari ngayon sa akin? Nagkasakit ang Tatay ko na hindi ko matulungan dahil nawalan ako ng trabaho. Ngayon naman ay kailangan kong maggamot sa likod sa loob ng anim na buwan. “Dea, totoo ba ang sinabi sa akin ni Nanay? May sakit ka raw sa likod at kailangan mong maggamot?” pagpasok na pagpasok na tanong sa akin ni Kiko na hindi pa nga nailalapag ang bag na gamit sa trabaho. Malungkot akong tumango. “Huwag ka ng malungkot at nagagamot naman yan sa panahon natin ngayon. Heto nga pala pera mo iwasan mo na lang na malaman ni Nanay,” sabay lapag ni Kiko ng isang pirasong kulay asul na perang papel sa ibabaw ng kama kung saan ako tahimik lang na nakahiga at nagmumuni-muni. “Mabuti may pera ka?” usisa ko at saka na umupo sa gilid ng kama. Kinuha ko na ang pera at baka bigla na lang pumasok ang nanay niya rito. “Sumahod iyong foreman namin at naisip ko lang na biruin na pahiramin ako kahit isang libo lang. At hayan nga. Mabuti at pinahiram ako. Ibili mo yan ng masustansiyang pagkain at iwasan mo muna na magtrabaho dito sa bahay. Kapag day off ko doon na lamang ako maglalaba. Kailangan mo muna na magpahinga para gumaling ka agad.” Sa mga narinig kay Kiko ay napaiyak na lang din ako. Mabuti na lang talaga at mahal niya ako kahit na anong mangyari sa akin. “O bakit ka naman umiiyak? May masama ba akong nasabi?” aniya. Suminghot ako sabay pahid ng mga pisngi ko. “Naawa kasi ako sa sarili ko at wala na akong trabaho ay nagkasakita pa ako. Pakiramdam ko wala na akong kwenta.” Tugon ko. Nilapitan ako ni Kiko ngunit kusa akong lumayo. “Huwag ka na munang lumapit sa akin at baka mahawa ka ng sakit ko, Kiko.” Pigil ko sa kanya. Mahirap na at baka mahawa siya sa akin lalo pa at may trabaho na siya ngayon. Pinagmasdan ako ng mabuti ni Kiko. “Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang, Dea. At sa paggaling mo ay magpakasal na tayo agad. Kahit tayong dalawa lang ang magpunta sa pari, judge o mayor basta maikasal na tayong dalawa.” Lalo tuloy akong naiyak sa sinabi ni Kiko. Talagang mahal na mahal niya pa rin ako kahit ilang taon na rin ang pagsasama namin at kahit ganito na ang kalagayan ng katawan ko. Sabi ko na ba at tama pa rin ako na hindi bumibitaw sa relasyon namin kahit marami na akong naririnig na pagtutol sa mga kaibigan ko lalo na kay Theresa. Gagaling ako. Bukas na bukas ay pupunta ako sa pinakamalapit na public hospital at magtatanong na baka sa kanila ako pwedeng magpagamot tungkol sa sakit ko. Ayoko rin naman na ilagay sa kahihiyan ang buong pamilya ni Kiko lalo pa at iba ang isip ng ibang mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkasakit sa likod gayong wala naman kaming lahi na may tuberculosis. Iniisip kong baka nahawa ako sa kung saan dahil nga madalas akong naghahanap ng trabaho sa kung saan-saan. “Basta positibo lang tayo, Dea. Malalampasan din natin ang lahat ng mga pagsubok na ito. Pakatatagan mo lang dahil katawan mo yan. Tanging matutulong ko lang sayo ay suportahan ka hanggang gumaling ka. Huwag kang mag-isip na wala kang kwenta dahil yon ang hindi kailanman magiging totoo. Kaya laban lang ng laban at malapit na tayong yumaman.” Napangiti na lang din ako dahil napangiti si Kiko sa kanyang mga sinabi. Positibo naman talaga akong tao. Ang kaso lang kapag pala sunod-sunod na ang nagiging pagsubok ay nakakapanghina na lang talaga. “Pangako mo yan, ha. Kapag gumaling na ako matapos ang anim na buwan na gamutan ay magpapakasal tayo, ha, Kiko?” paniniguro ko. Ngumiti at saka tumango ang lalaking mahal na mahal ko at nag-iisa lang na pinangarap kong makasama sa habang buhay. “Tumitingin-tingin na nga ako ng pwede nating maging wedding ring.” Para ba akong nakarinig ng pag-awit ng mga anghel ng marinig ang wedding ring na binanggit ni Kiko. “Kahit mumurahin lang. Kahit nga tig-isang daan lang ay okay na sa akin, Kiko. Hindi mahalaga kung mahal o mura ang wedding ring natin basta ikasal na tayong dalawa.” Punong-puno ng galak ang puso ko habang nagsasalita. Nasasabik na tuloy ako sa mga darating na mga buwan. Napatingin tuloy ako sa aking kaliwang kamay partikular sa aking palasingsingan. Ilang buwan na lang at may singsing na akong makikita rito tanda ng pagmamahalan namin ni Kiko. Matutupad na rin ang pangarap naming dalawa. Sa ngayon ay dapat talaga akong maging mas positibo dahil hindi makakatulong sa pagpapagaling ko nag pag-iisip ng mga negatibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD