Wala akong tulog. Hindi ko magawang pumikit man lang dahil natatakot akong lumalim ang tulog ko at mapabayaan ko si Ron. Baka bumalik ang lagnat ng wala akong kaalam-alam. Panay ang pag-checked ko kung mainit na naman siya pero salamat at hindi na talaga siya nilagnat Sadyang napagod lang talaga siya kahapon sa paglalaro sa sagingan. Takbo kasi siya ng takbo at talagang sigaw ng sigaw sa sobrang galak. “Mommy, milk,” ungot na sa akin ni Ron ng magising na mula sa mahimbing. Napangiti ako at saka siya niyakap sabay ng paggawad ko ng mabining halik sa kanyang ulo. “Thank you, Lord, magaling na si baby Ron,” sabi ko pa bago ko ibigay kay Ron ang kanyang hinihingi. Kanina ko pa talaga inihanda ang gatas niya dahil alam kong nagugutom na siya. Kinuha agad ni Ron ang bote ng gatas at sa