CHAPTER 45 Ilang Linggo pa ang mabilis na dumaan ngunit nanatili ang pagiging malapit sa akin ni Paolo at dahil kami-kami na lang naman sa loob ng bahay ni Kuya at maliit lang naman ang aming ginagalawan ay hindi ko siya magawang iwasan. Hanggang sa dumadating na sa puntong napapangiti na niya ako. May mga pagkakataong napapasarap ang aming kuwentuhan na parang kami na lang lagi ang nag-uusap. Sinasamahan at kinakausap niya ako lalo na kung naiisip ko si Zeke ngunit nanatiling tikom ang aking labi tungkol sa dahilan ng pagpasok ko sa bahay ni Kuya. Kami man ni Alex ay hindi halaos nakakapg-usap dahil nga sa aming task na di pa tinatapos ni Kuya. Hindi lang naman kami ni Alex ang nagpipigil, alam kong kahit si Paolo ay hirap na ring pigilan ang sarili na ihayag ang kanyang niloloob sa kung