bc

The Pretentious Maid

book_age16+
5.4K
FOLLOW
21.7K
READ
revenge
love-triangle
drama
sweet
bxg
humorous
ambitious
city
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

PALIGSAHAN SA YUGTO

#towritingcontestGirlPowerTobeaCEO

Paligsahan sa yugto_GIRL POWER - TO BE A CEO

May maganda bang naidudulot ang pagpapanggap? Karamihan sa mga kuwentong nahabi na, ang Bilyonaryo ang nagpapanggap na mahirap. Pero dito sa kuwentong ito, isang katulong ang nagpapanggap na mayaman. Kailangang panindigan ni Rose ang pagiging socialite gamit ang mga magagarbong damit ng amo niyang artista at modelo na si Kai. Ngunit hanggang kailan mapaninindigan ni Rose ito? Ngayon na mahal na rin siya ng bilyonaryong si Zeke, saka naman nabunyag ang lahat. Dahil sa pangyayaring iyon, ginantihan ni Zeke si Rose. Niligawan niya at napasagot ang artistang amo ni Kai at lahat ng iyon ay nasasaksihan ng nasasaktang si Rose. Paglalayuin sila ng magkaiba nilang mundo at ang pagpapanggap na iyon ni Rose noon ang lalong nagpagulo sa dapat ay nauwi sa mabuting ugnayan. Ano ang gagawin ni Rose na isang katulong para pagkatiwalaan pa siya ng isang bilyonaryong si Zeke? Kaya bang buhayin ng pagmamahal ang kawalan ng tiwala?

chap-preview
Free preview
PERSONAL ALALAY
Chapter 1 Ako si Rose. Maganda, seksi, madiskarte at artistahin daw ako. Uy, sabi ‘yan ng karamihan ha? Hindi ‘yan galing sa akin. Sinasabi ko lang sa inyo dahil mahirap nang masabihan ng mayabang lalo na at wala naman talaga akong maipagyayabang. Makapal lang talaga ang mukha ko. Dunung-dunungan kahit hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral. Hanggang second year college lang ako. Hindi na pinalad makatapos dahil walang sapat na pera. Tulad ng palasak na dahilan, mahirap lang kami. Isang kahig, isang tuka. Kung may isa lang akong pwedeng ipagyabang, iyon yung aking abilidad, galing sa panggagaya, diskarte sa buhay at taas ng pangarap. Sabi nila, hindi raw ako marunong makuntento. Bakit ako makukuntento kung kaya ko naming pagtrabahuan ito? Kung alam ko naming kaya kong abutin ang aking pangarap. Sino ba naman sa atin ang makuntento na lang sa pagiging mahira? Dahil sa galing kong mag-pretend at mag-drama, maraming naaaliw sa akin. Ngunit hindi ako nambubudol ha? Wala akong binudol o niloko. Actually, wala pa naman. Kung meron, gusto yung malakihan na. Sana nga lang may mabudol akong mayamang magmamahal sa akin at siyempre mamahalin ko rin, iyon sa tingin ko ang isang imposibleng iniisip ko. Iniisip ha? Hindi pinapangarap. Magkaiba iyon. Dahil sa hirap ng buhay namin sa Quezon, Isabela (bayan na ang ikinabubuhay ng karamihan ay pagsasaka), naisipan kong kailangan may gagawin ako para makaalis sa bayan na kinalakhan ko. 18 years old na ako noon at wala pa ring nangyayari sa buhay ko sa bukid. Nasusunog, natutuyot at nalalanta lang ang aking likas na ganda kaya nga nang nalaman kong umuwi si Diane, ang kaibigan ko, kababata at kaklase mula elementarya ay agad ko siyang pinuntahan. “Ang lakas naman ng pang-amoy mo sa pasalubong!” Agad niyang kantiyaw sa akin nang makita niya akong papasok sa kanilang gawa sa kawayan na bakod. “Aba! Nagsalita. Kailan ka pa may pasalubong sa akin? Kahit biscuit lang na galing sa malaking lata, wala ako sa’yong napala ‘no. Ambisyosa.” Ngumiti siya. Nang nalapitan ko siya, nakaramdam ako ng pagkainggit. Nakita ko kasi na ang laki ng kanyang ipinagbago. Mas maitim siya sa akin dati, mas maganda ako at mas sexy ngunit ngayon, para na siyang binalatang sibuyas. Tinalo ko na lang sa height, malayong mas matangkad kasi ako sa kanya pero ang puti at kinis na ng kutis niya, makintab pa ang mahabang buhok niya at ang seksi niya sa napakagara at sunod sa uso niyang damit. Napabuntong-hininga na lang ako. Milya-milya na kasi ang layo niya sa akin kahit pa dati naman bukod sa ang dilaw ng ngipin mukha pa siyang nuno sa punso. Grabe! Ang ganda na ng aking kababata. “Oh ano? Para kang nakakita diyan ng multo ah?” “Nagpintas ka nga talagan,” (Ang ganda mo na talaga),” naibulalas ko. “Bolahin mo pa ako. Halika sa loob, patitikman kita ng Donut. Sigurado akong ngayon mo lang matitikman ito.” “Nagadu nga donut ditoy,” sagot ko (Andaming donut dito.) “Gaga, yung donut dito iba sa donut do’n. Dito tinapay lang na winisikan ng asukal.” “Eh ano ba yung donut do’n sa Makati? May sprinkles na ginto?” tanong ko. Natatawa. Nakita kong malaki na na rin ipinagbago ng bahay nila mula sa dating kahoy, kawayan at pawid lang ngayon ay gawa na sa semento. Hindi kagaya sa amin kubo pa rin at nakasandal na sa kalumaan. Malapit nan gang dumapa kung hindi ko pa gagawan ng paraan. “Anong nangyari sa’yo. Mukha ka nang may asawa at nasa kwarentahin. Tingnan mo oh ang itim mo na. Wala na yung Miss Quezon na hinahangaan ng lahat.” “Wala eh. Nasabak araw-araw sa bukid. Hindi ko kasi dati maiwan si Nanang na may sakit at maliit pa mga kapatid ko. Walang kasama si Tatang sa bukid. Hindi naman ako pwedeng hindi sumalog (pupunta sa bukid) kasi hindi kakayanin ni Tatang.” “Anong plano mo? Hanggang ganyan ka na lang?” “Kaya nga ako nandito eh. Pwede pa ba?” “Matagal na kitang niyaya mag-Manila eh, ikaw lang naman ang may ayaw. Kikita ka naman do’n kagaya ko. Gaganda ka pa. Malay mo, baka ma-discover ka pa at maging artista.” “Sa hitsura kong ito? Nagpapatawa ka ba? Tigilan mo nga ako.” “Bakit naman hindi? Maganda pa rin naman ang mukha mo. Ang tangos kaya ng ilong mo, ang ganda ng mga mata mo at pati labi, yung hugis at liit ng mukha mo, pang-TV. Maganda ka pa rin naman kahit sunog ka sa araw, mamula-mula ka pa rin. Kapag sa aircon ka titira, sigurado akong mas gaganda ka. Lalabas sigurado yung napabayaan mong ganda.” Bumuntong-hininga ako. “Tingin mo, kaya ko kaya?” “Ang alin?” tanong niya. Nakita kong nakangiti na siya. Matagal na kasi niya akong kinukulit na sumama sa kanya sa Manila. Dapat dalawa kami noon na sabay umalis, umatras lang ako kasi naawa ako sa mga kapatid ko at mga magulang. Walang titingin at mag-aalaga pati kay Nanang ngunit pagkatapos ng tatlong taon, dalagita na ang sumunod sa akin at kaya na rin ng mga kapatid ko ang kanilang sarili. Naisip kong baka ito na yung pagkakataon na sumama sa kanya. “Kaya ko ba yung trabaho mo doon?” “Seryoso ka? Sasama ka na nga?” “Oo. Pumayag na rin naman si Tatang last year pa. Napakatagal mo lang kasing hindi nagbakasyon.” “May f*******: naman ah, may number ka rin sa akin. Sana nagsabi ka last year pa. Pwede naman kitang puntahan sa estasyon ng bus kapag nasa Manila ka na.” “Wala akong sapat na pamasahe saka natatakot ako magbiyahe nang malayo mag-isa ‘no. Tuguegarao pa lang ang pinakamalayo kong napuntahan. Saka sigurado na hindi papayag si Tatang na bibiyahe ako mag-isa.” “Anon nga? Seryoso ka nang sumama sa pagluwas ko?” “Paulit-ulit naman eh. Oo nga.” “Naku salamat naman. Hindi na ako mahihirapang maghanap pa.” “Ano bang trabaho mo ro’n?” “PA lang naman.” “PA? Akala ko ba katulong ka ro’n.” “Alam mo bang ibig sabihin ng PA?” “Pang- Alalay? Tingin mo naman sa akin, boba?” “Pang- alalay? Seryoso ka?” tumawa siya nang tumawa at di ko alam kung anong nakatatawa. Sinabayan ko na lang siya para naman hindi siya nagmumukhang tanga sa pagtawa niyang mag-isa. “Personal Assistant kasi talaga ‘yon tanga.” “Maka-tanga ka naman porke Sales Lady ka na.” “Personal Assistant nga ako ro’n. Anong Sales Lady?” “Di ba kapag nagta-trabaho at nakatira sa syudad? Sales Lady?” “City Lady! Ha ha ha! Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka na naman para matuwa ako sa’yo. City lady kasi ‘yon!” Maluha-luha siya sa katatawa. Gusto kong pinatatawa siya kasi natatawa ako sa hitsura niya kapag tumatawa at benta naman sa kanya ang mga kwelang katangahan ko kuno. Doon siya masaya eh, pagbigyan. Baka malibre na ang pamasahe ko pa-Makati kung nagkataon. “Personal Assistant ka ‘nino?” tanong ko. “Naku you don’t believe this.” “Wow English. Gaga, nangongopya ka lang dati sa akin, Pa-English English ka pa.” “Don’t me. Kailangan kapag City Girl ka at Personal Assistant ka na ng sikat na artista, matuto ka dapat maging sosyal.” “Ano sabi mo? Alalay ka ng sikat na artista.” “Personal Assistant nga?” “Eh ano bang ginagawa ng Personal Assistant?” “Katulong ng celebrity para sa mga VIP na lakad niya. Tiyaking maayos ang pang-araw-araw na iskedyul niya. Iba-iba ang aking mga trabaho, mula sa administratibo hanggang sa mabababang trabaho tulad ng paglalakad sa mga aso niya, pag-aayos ng mga panty at bra niya, pagtapon sa mga napkin na nagamit niya, pagbili ng kanyang miryenda, pag-aayos ng mga damit na gagamitin niya. Basta lahat ng kailangan niya sa set dapat nakahanda. Kung nasaan ang amo, naroon ako. Kung gusto niyang matulog dapat gising ka magadamag para gisingin siya. Kung sinabi niyang magdamag at maghapon kayo sa taping dapat nandoon ka lang kahit walang ligo-ligo. “Eh di yun nga. Tama ako. Personal alalay pa rin. Ano pang dapat kong aralin kung ganyan din ang maging trabaho ko kagaya mo?” Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong sumubok sa hindi ko alam na larangan ngunit kailangan. Sana maayos na buhay ang naghihintay sa akin sa Manila. Sana rin makilala ko na ang Mr. Right ko doon kasi lahat ng manliligaw ko rito sa probinsiya, bukod sa mahirap at mga pangit, may bisyo pa. Ayaw kong maging mahirap. Mahirap na nga ako, mahirap pang maging asawa ko. Hindi naman siguro masamang mangarap ng makapangasawa na mayaman. Yung mayaman na siyang hahango sa akin sa kahirapan, hindi ba?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook