PIGIL

1531 Words

Chapter 46 "Hayan. Nandito na rin naman ang pinag-uusapan natin kaya ayusin na ‘yan. Mag-usap kayo para magkaliwanagan. Tayu-tayo na rin lang naman ang nandito sa bahay ni Kuya tapos kailangan pa ninyong mag-iwasan. Hindi ninyo kailangang gawin iyon, Rose. Pero timbangin mo ang sarili mo. Kung sa tingin mo may pagmamahal ka pa sa nauna o sa iba, kausapin mo si Paolo. Maiintindihan naman niya ang sitwasyon mo eh. Huwag mo na lang iwasan kasi hindi mo siya kayang pagtaguan sa bahay na ito ng ilang promise," seryosong sabi si Alex. “Sige na, iwan ko kayo ng makapagsolo kaya pero mag-usap kayo ha?” Pagkatayo ni Alex ay nakangiti pa siyang tumingin sa amin. Bago siya tumalikod ay muli siyang kumanta ng lagi niyang kinakantang pang-asar kay Paolo pero sa kauulit niya, pati ako naasar na rin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD