CHAPTER 47 “Sorry, Pao. I am really sorry na nasaktan ka nang ganito.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Tinapik-tapik ko ang kanyang likod. “Okey na ako. Nasabi ko na rin naman ang lahat ng gusto kong sabihin sa’yo. Kung gusto mo, ako na lang ang iiwas. Ako na lang ang kusang lalayo.” “Hindi. Hindi mo kailangang gawin iyon, hindi na kita lalayuan at iiwasan pa. Mula ngayon, magtitiwala akong kaya mong kontrolin ang nararamdaman mo sa akin. Mali ako, Pao. Maling-mali ako sa ginawa ko sa’yo. Nakalimutan kong friends ng apala tayo?” “Yes, we’re friends.” Garalgal ang kanyang boses. "Housemates, kailangan ninyong pumunta sa confession room, ngayon na!" ang boses ni kuya ang hudyat na tapusin na namin ang aming pag-uusap. Tumayo ako. Kinakabahan na ako nang husto. Natatakot akong pag-uusapan