Chapter 38 Nang matapos ang lahat na sumagot ay muli kaming pinagmasdan ni Direk Lauren. Kinakabahan ako sa kung ano ang resulta. Hinihintay tawagin ni ni Direk Lauren ang number ng mga pasok sa first round. “Ang mga tatawagin kong number ay pasok na sa second round at ang mga hindi matatawag, umuwi na at magpahinga. Number 1022 please step forward!” Napalundag sa tuwa si Alex dahil number niya ang tinawag. “Number 1024,” Number ni Paolo na kasunod ko ang tinawag at nilaktawan ako. Ibig sabihin hindi ako nakasama. Nalungkot ako. “Number 1030, please step forward,” sabi ni Direk Lauren. Tatlo na silang umabante. Umatras na kami at isa-isa na kaming mag-exit. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba ang malas-malas ko pa rin? “And number 1023 please, step forward.” Nanlaki ang mga m