CHAPTER 22 Alam kong nakilala niya na ako kaya kahit pa itago ko ang mukha ko. Kahit pa magtatago ako hindi na gagana pa. Hindi siya sa akin lumalapit, hindi niya ako sinasaktan siguro kasi nagpigil lang siya. Siguro, hindi niya gustong masira ang pangalan niya. Hindi niya gustong mapahiya rin siya sa ibang mga dignitaries na naroon. Ngunit ako, halo-halo na ang nararamdaman ko. Masaya ako na kami na sa wakas ni Zeke. Na suntok sa buwan na maging kami ng lalaking kasayaw ko ngunit nagkatotoo ngunit anong magig reaksiyon niya kung malaman niyang nagpapanggap lang pala ako? Mamahalin pa rin kaya niya ako? Tatanggapin? Ah! Napakarami nang katanungan sa isip ko. Gusto ko nang umalis doon ngunit hindi ko alam kung paano ako magpapalam kay Zeke lalo pa’t nasa peak pa rin siya ng emotion niya