CHAPTER 21 Nanginginig ako. Kailangan kong bumaba sa parang stage na iyon sa nakalatag na red carpet sa hagdanan. Diyos ko. Parang gusto nang bumigay ang aking mga paa sa pangangatog lalo pa’t sumasabay ang mata ng lahat habang ako’y bumababa sa hagdanan. Nakita ko sa mga tingin ng lahat ang paghanga sa angkin kong kagandahan. Hindi ako alam kung kailangan kong kumaway. Ni hindi ko alam kung ngingitian ko sila. Basta naglakad lang ako pababa hanggang sa bulwagan at nakarating ako sa isang upuan sa gilid na walang nakaupo ngunit pakiramdam ko, nasa akin pa rin ang spotlight. Nasa akin pa rin ang mata ng lahat. Diyos ko nakakanerbiyos. “Sorry for that,” pagpapatuloy ni Zeke sa kanyang sinasabi. Doon ko lang naramdaman na wala na sa akin ang mata ng lahat. Bumalik na lahat kay Zeke ngun