CHAPTER 20 Ilang sandali pa’y tumunog ang cellphone ko. Ipinakita ko kay Diane kung sino ang tumatawag. “Oh hayan na pala ang ka-date mo eh. Natawag na.” nakangiting sinabi ni Diane. Kinilig at natutuwa siya para sa akin. “Huwag mo na munang sagutin. Huwag atat. Huwag kang mukhang needy. Dapat parang ikaw ang hinahabol. Mukha kasing ganoon ang gusto niya. Siya ang humahabol at hindi siya ang hinahabol. Kita mong ayaw niya kay Miss Kai kasi si Miss Kai halatang hayok na hayok. Ikaw ang hinahabol kasi ikaw yung nagpapahabol.” Huminga ako nang malalim. “Okey… Kinakabahan ako.” “Bakit ka naman kabahan. Excited?” “Basta. Hindi ko alam. Sasagutin ko na ba?” “Huwag muna. Dapat hanggang makatatlong tawag. Tatawag ‘yan nang tatawag sa’yo.” “Saan ako magpapasundo?” “Huwag ka nang magpasundo.