BLESSING IN DISGUISE

1641 Words

Chapter 31 Nang nakita ko sina Nanang at Tatang kasama ang isang kapatid ko ay bigla na lang ako naluha ngunit mabilis kong pinunasan. Gusto ko sanang ipakita na malakas pa rin ako. Na palaban pa rin ang anak nila ngunit sinong hindi maiyak sa nakakaawang hitsura nila. Nakasuot lang kasi sila ng may kalumaang damit. Halata ang kahirapan at pagiging probinsiyano nila. Hindi ito ang pinangarap kong dahilan ng pagpunta nila ng Manila. Gusto ko sana, lumuwas sila sa Manila para mamasyal at hindi para dalawain akong nakakulong. Nabigo ko sila. Hindi ko natupad ang pangako ko. Hindi ko napanindigan ang sinabi kong babaguhin ko ang buhay namin. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko kanina na hindi ako iiyak, natagpuan ko na lang ang sarili kong kapwa na kami umiiyak ni Nanang ganoon din ang kapatid ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD