CHAPTER 30 Hindi ko alam kung pagkatapos nilang ipalabas ang interview ko ay may maniniwala sa version ko pero alam ko at naniniwala ako na kung may naniniwala sa version ng kuwento ko, iyon ay ang mga kaibigan ko, mga kamag-anak at pamilya ko na siyang nakakakilala sa akin. Maaring pamilya ko Sila lang ang tanging lalaban para sa akin ngayong tinalikuran at hinuhusgahan na ako ng buong mundo na pati na rin si Zeke na sana pagbubunutan ko ng lakas at tatag ay tuluyan na rin akong tinalikuran. Dahil wala akong mga gamit kahit pamalit man lang o kaya tootbrush o panty, nakiusap muli ako sa pulis na makitawag ako para sa mga personal kong pangangailangan. Hindi na nagulat sina Denthor at Teresa. Napanood na kasi raw nila ang pagkakahuli ko sa bus station at narinig ko ang impit na pag-iyak