Chapter 3

1222 Words
Chapter 3 NAKAUPO si Franco Guerrero sa kaniyang swivel chair habang nakaharap sa isang matandang lalaki na natalo niya sa sugal kagabi. Hawak-hawak nito ang titulo ng bahay at lupa nito na naipatalo nito sa kaniya sa Casino. Idagdag pa ang utang nito sa kaniya na umaabot ng tatlong milyong piso. Malakas sa sugal si Arturo Pablo, isang maliit na negosyante sa Tarlac. Balita niya ay may coffee shop ito at naipasara na iyon dahil din sa patong-patung nitong utang dahil sa pagsusugal. Nasa kaniyang tabi ang kaniyang abogado na kasama niyang tumanggap ng titulo ng bahay at lupa nito sa Tarlac. Nagkakahalaga lamang iyon ng isang milyon, ang isang libong squremeeters ng lupa at ang dalawang palapag nitong pamamahay. Ipapa-tsek niya ngayon sa kaniyang secretary na si Pepper ang pagmamay-ari ng matanda bago niya ito paalisin sa kaniyang harapan. Nanlulumo ang itsura ng matanda habang nakatingin sa kaniya. Tila wala ito sa sarili at parang nagsisisi sa ginawa nitong desisyon. "Sir, baka naman p'wede pa akong humingi ng pabor bago... bago ninyo kunin ang bahay at lupa namin. Sir, may mga anak ako na umaasa sa akin at..." Nagyuko ito ng ulo. "Kailangan kong ipaliwanag sa panganay kong anak ang nangyari. Wala kaming pupuntahan kapag kukunin na ninyo kaagad Ang bahay at lupa namin. Bigyan pa ninyo ako ng ilang araw para makapaglipat." Tumingin sa kaniya ang bakla niyang secretary na si Pepper. Ito rin ang nagsisilbi niyang hairstylish sa loob ng sampung taon. Isa siyang investor at may sariling negosyo ang brewery manufacturer company. Sa edad niyang trenta anyos ay marami na ang kaniyang achievements sa buhay. Napadaan lamang siya sa casino kagabi dahil pinuntahan niya si Mister Chua upang alukin na mag-invest sa kaniyang kumpanya. Hindi niya aasahan na makakalaban niya si Arturo Pablo, noong una ay natalo siya nito ng kalahating milyon hanggang sa naging mayabang ito at hinamon siya nang mas malaking pusta. Sineryoso niya ang laro hanggang sa matalo na nga niya ito sa larong poker. "Sana inisip mo iyan Mister Pablo, bago ka nagdesisyon ng ganiyan. Bibigyan kita ng tatlong araw na palugit pagkatapos niyon ay hindi na kayo makakaapak sa pagmamay-ari ko, maliwanag ho ba?" maawtowaridad niyang tanong habang seryosong nakatingin dito. "Sa-salamat ho..." "Sige, makakaalis ka na. Pepper, ihatid mo siya sa kanila." Hinilot niya ang kaniyang sintido na sumasakit dahil sa kawalan ng tulog mula pa kagabi. Inabot sila ng umaga sa Casino hanggang sa sumuko na ito nang matalo. "Yes, sir," sagot naman ni Pepper na kasamang lumabas sa pinto ni Mister Pablo. Isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan niya habang nakatingin siya kay Attorney Enrile na inaayos ang titulo sa kaniyang folder. "Pupunta ako sa opisina ko kung malinis ang mga titulong ibinigay sa iyo ni Mister Pablo, Sir Guerrero," pagpapaalam nito sa kaniya. "Salamat," matipid niyang sabi na hindi na ito tinignan. Pumikit siya at narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto ng kaniyang opisina. "Fiona's Cafe..." mahinang pagbanggit niya sa pangalan ng cafe na tinutukoy ni Mister Pablo kanina sa Casino. Parang pamilyar sa kaniya ang cafe. Rumehistro sa kaniya ang masungit na mukha ng isang babae habang may hawak itong platter at nakapameywang ang isang kamay nito habang nakatingin sa kaniya. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas. Iyon ang babaeng nakabuhos sa kaniya ng mainit na kape. Hindi niya makakalimutan kung paano ito mag-react samantalang ito pa ang may kasalanan sa kaniya. Nagalit ang babaeng iyon sa kaniya dahil hindi raw siya tumitingin sa dinaraanan niya. Kaya kasalanan niya kung bakit siya nito nabuhusan ng mainit na kape. Halos magsisigaw siya at napahiya siya sa mga ka-meetings niya dahil sa nangyaring iyon. Hindi niya iyon makalimutan. At naging malas siya buong maghapon dahil sa babaeng iyon. Dahil buong maghapon din siyang badtrip at umiinit ang ulo. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang maamo nitong mukha, manipis na mga labi, bilugang mga mata at ang magaganda nitong ngipin na pantay-pantay na lumalabas kapag kapag naiinis ito at nanggagalaiti sa galit. Ang matangos nitong ilong na bumubuga ng usok at ang magandang cheekbone nito na pulang-pula dahil sa galit. Napangiti siya habang inaalala ang itusra ng babae na hindi niya nakakalimutan. Pinaglalaruan yata siya ng pagkakataon dahil nangangailangan siya ng babaeng maaring magpanggap bilang kaniyang nobya. Naisip niya ang anak ni Mister Pablo, hihintayin niya itong lumapit sa kaniya. Dahil alam niyang gagawa ito ng paraan para hindi niya makuha ang lupa at bahay ng mga ito. Sa ugali ng babaeng iyon ay hindi ito nagpapatalo, ngunit kaya niya itong paamuhin dahil sa mga pagmamay-ari ng ama nitong nasa kaniya. "Tignan natin kung gaano ka katapang, Miss Mataray," bulong niya sa kawalan hanggang sa unti-unti na siyang nakakaramdam ng antok. ALAS SINGKO na ng hapon nang makauwi si Sam sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kaniyang ama na nakaupo sa sofa at malayo ang tingin. Kinakabahan siya kapag nakikita sa ganoong sitwasyon ang kaniyang ama. Pakiramdam ni Sam ay may mangyayari na namang hindi maganda. Hinagkan niya ito sa pisngi bago siya umupo sa tabi nito. Nilingon siya nito at nginitian. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinagkan pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. Nagtataka siya sa ikinikilos ng kaniyang ama. Noong huling hagkan nito ang kaniyang kamay ay noong nakaraang taon pa, noong ipinagdiwang niya ang kaniyang ikadalawampung kaarawan. "Titigil na ako sa pagsusugal," mahinang sabi nito nang kalasin ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Nanalo ba ito sa sugal kaya titigil na o muli na naman itong natalo. Hindi niya ito maintindihan. "Naisip ko na habang tumatagal, hindi nagiging mabuti ang pagsusugal ko. At ang epekto nito sa atin, pati na sa negosyo ng mama mo. Ilang beses ko siyang napaginipan at nagagalit siya sa akin. Sam, patawarin mo ako anak kung napabayaan ko kayo at sarili ko lamang ang iniisip ko. Huli na ang lahat ngunit babawi tayo anak." Tinitigan siya nito at pumatak ang luha nito sa mga mata. "Ano pong i-ibig ninyong sabihin, 'pa?" naguguluhan niyang tanong. "Na-natalo ako... natalo ako sa sugal at... wala na sa atin itong... itong bahay. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako," humaguhol na sabi nito habang nakasapo ang magkabilang kamay sa mukha nito. Para siyang binuhusan ng malalim sa sinabi ng kaniyang ama. Saan na ngayon sila titira? Paano na ang mga kapatid niya? "Nakausap ko na ang Tita Sol mo, sa kanila muna tayo makikitira pansamantala. Maghahanap ako ng trabaho at---" "Ngayon ka lang tumigil, 'pa?" madamdaming panunumbat niya. "Wala na sa atin ang lahat. Inubos mo na, papa. Ano ang gusto ninyong isunod, ang ibenta kaming magkakapatid para sa bisyo ninyo? Papa, sana man lamang ay inisip ninyo kami bago kayo gumawa ng mga desisyon..." naiinis niyang panunumbat. Tumulo ang kaniyang luha sa mga mata at mabilis siyang umalis sa kaniyang kinauupuan. Patakbo siyang lumabas ng bahay at sa may hagdanan ay doon niya ibinuhos ang kaniyang sama ng loob. "Naging sobrang sama ko bang tao para danasin namin ito?" malakas niyang tanong habang nakatingala sa kalangitan. Biglang nagdilim ang kalangitan, nawala ang nga bituwin at kumubli ang buwan. Umihip ang malakas na hangin at bumuhos ang malakas na ulan. Gusto niyang magwala, mangatwiran sa kaniyang ama ngunit para saan pa. Para siyang kandila na nauubos na kahit pilit niyang inilalaban ang mga bagay na napakahalaga sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD