Chapter 14

1013 Words
****MAXINE POV#*** "Max kumusta na? Nakuha mo na ba yung attention ni Reeve Villa real?" Tanong ni kuya Anjelo sa akin. Huminga ako ng malalim. " Sa totoo lang iniisip ko pa hangang ngayon kung papano ako makakalapit sa kanya. Masyado. siyang mailap. " Inis na sabi ko dito. Natawa siya sa akin. "Relax sis sigurado naman na hindi niya maiiwasan ang charm mo." Sabi nito. Napaisip ako sa sinabi niya. "Bakit nga hindi." Bulong ko sa isip ko. Nagpaalam na si kuya Anjelo sa akin pagkatapos kumustahin ang kalagayan ko. Kinabukasan maaga pa gising na ako para magasikaso ng sarili. Pagpasok ko sa banyo naglingunan sila sa akin. Nakita ko sila Edmund. Tiningnan lang nila ako. Hindi na lang ako umimikl "Mauna kana lieutenant." Sabi ni Salazar sa akin. Nagpasalamat ako dito. Pumasok na ako sa loob ng shower room. Paglabas ko nagulat ako ng makita na wala na silang lahat. Nagmamadali na tuloy akong nagpatuyo ng buhok ko. Saka itinali ." Sagot nito sa akin. Tumango ako. Nagulat ako ng makita na basa pa ang buhok ni Reeve ng dumating. Binati ito ni Mourine. Tumango lang ito. Binati namin ito. "Magsimula na tayo nandito na si Colonel. " Sabi ni lieutenant George. Pinagilid nila kami. Nagsiupo kami. " May mga ipapakita kami na klase ng mga atake at kung papano niyo ito kokontrahin ng isa ring atake." Sabi ni Lieutenant George. Tumayo sila sa gitna ni Reeve. Sinugod niya si Reeve pero agad siya nitong nahawakan at sa isang iglap. Nakaluhod na siya habang hawak nito ang kamay niya sa likod. Nagpalakpakan silang lahat. " Yabang. " Bulong ko sa isip ko. Habang masamang nakatingin kay Reeve. " Halatang pinagbigyan lang siya ni Lieutenant. Saka ang dali lang kaya ng ginawa niya no. " Bulong ko uli sa isip ko. May mga pinakita pa sila na klase ng mga atake. Pero hindi ako naging interesado. "Ngayon sino ang gustong lumaban kay Colonel sa inyo?" Tanong ni Lieutenant George. Napalingon ako sa kanila. Nagliwanag ang mukha ko. " Ako! " Sagot ko. Nais kong subukan kung gaano siya kagaling. Napatanga si Reeve. Siniko ito ni Lieutenant George. Pumunta ako sa gitna. Agad na sinugod ko si Reeve. Pero mabilis na naiwasan nito ang suntok ko. Lihim akong napangiti. "Mabilis nga siya." Bulong ko sa isip ko. "Tingnan natin ang bilis mo." Bulong ko sa isip ko. Agad na sinugod ko uli ito ng suntok. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at pinilipit niya patalikod. Napalingon ako sa kanya. Nagsalubong ang mukha namin. Napalunok siya at pansamantalang natigilan ito. Sinamantala ko yun mabilis na siniko ko ito sa tagiliran. Napaigil ito. "Kapag nasa laban ka kailangan naka pocus ka dahil pwedeng samantalahin ng kalaban ang pagkakataon." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saka tumayo ng tuwid. Humanda sa susunod na atake ko. Mabilis akong lumapit sa kanya. Para sipain siya. Kaso nahawakan niya ang paa ko pero mabilis akong umikot para sipain siya sa mukha. Pero mabilis niyang nailagan ang sipa ko. Sumugod uli ako nahawakan niya ang braso ko. Pero pinatid ko ang binte niya. Kaya nabitwan niya ang kamay ko sabay kaming bumagsak. "One more thing kailangan alerto ka sa magiging kilos ng kalaban." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang kumilos. Pagtingin ko nasa ibabaw kona siya. " At isa pa hindi ka dapat babagal bagal. Dahil baka makabawi pa ang kalaban. Imbis na ikaw na ang nakakalalamang ikaw pa ang malamangan. "Bulong niya sa akin. Inis na itinulak ko siya. Ngingiti ngiti siya na tumayo. Naghiyawan ang mga kasama ko. Inalalayan niya akong tumayo. Inirapan ko lang siya. Natatawa na tinapik ni Lieutenant George ang balikat ni Reeve. " Ang galing ng pinakita niyo. " Sabi nito.Ngumiti lang si Reeve. Saka tumingin sa akin.Hinfi ko na sila pinansin bumalik na ako sa pwesto ko. " Ang galing mo dun ah. Nasasabayan mo si Colonel. Akala namin matatalo mo pa siya." Sabi nila Salazar. Ngumiti lang ako dito. Pagtingin ko sa harapan seryosong nakatingin sa akin si Mourine. Nagkibit balikat na lang ako. Naiinis ako kasi hindi ko nabugbog si Reeve. Pagkakataon ko na sana. Kaso talagang magaling siya. Kaya lalo lang akong naiinis. Dahil sa pagod nakatulog ako agad. Nagising ako ng alanganing oras. Pakiramdam ko hindi ako nagiisa sa silid. Kaya idinilat ko ang mata ko. Nanlake ang mata ko ng makita ang mukha ni Reeve. Napakunot ang noo ko saka napaupo. "Nandito na pala natutulog ang lalake na ito." Bulong ko. " Kelan pa siya natutulog dito?" Bulong ko uli. Tiningnan ko ang sarili ko. Naka Tshirt ako ng maluwang na pinarisan ko ng jugging pants. Nakahinga ako ng maluwang. "Buti na lang ayos lang ang suot ko." Bulong ko. Saka tinitigan siya. " Kung sakalin ko kaya ito ngayon." Bulong ko. " Hindi pwede. Magkakaroon ng marka sa leeg niya." Bulong ko. " E kung undayan ko na lang ng saksak tong lalake na ito ngayon O kaya bigtiin ko ng maiganti ko na si Papa." Bulong ko uli. " Hindi pwede. Mapapadali ang kamatayan niya. Hindi ako papayag. Gusto ko yung hihilingin niya sa akin na patayin ko na siya. Gusto ko yung pagsisihan niya ang ginawa niya sa Papa ko. " Bulong ko. Saka galit na nilapitan ko ito at tinitigan. " Kaya samantalahin mo na hangat nakakatulog ka pa ng mahimbing dahil ipapatikim ko din sayo ang ginawa mo sa ama ko. " Bulong ko. Nataranta ako ng kumilos ito at aktong didilat. Sing bilis ng kidlat na bumalik ako sa higaan lo saka pumikit. Naramdaman ko na kumilos ito. Nagpangap ako na tulog na tulog hangang tuluyan na akong nakatulog. Nagising ako na wala na siya sa silid. nakaligpit na angga gamit niya. Napakunot ang noo ko. " Siguro gabi gabi ganun ang ginagawa niya. Pumupunta siya dito kapag natutulog na ako. Akala niya siguro hindi ko malalaman. Kunyari pa siya na sa opisina niya natutulog." Bulong ko. Saka inis na bumangon na at Inayos ko na lang ang higaan ko. Saka dumeretso na sa banyo para maligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD