Pagpasok ko sa Canteen kinawayan ako nila Salazar. Tumango lang ako sa kanila bago ako pumunta sa counter at kumuha ng pagkain. Saka ako umupo sa tabi nila.
"Nabalitaan niyo na ba?" Sabi ni Cosme. Napalingon kami sa kanya.
"Wala daw tayong practice ngayon." Sabi uli nito.
"Bakit daw?" Tanong naman ni Orly.Nakikinig lang ako sa kanila.
"May darating daw na bisita ngayon. Kasama ang ibang makakasama natin." Sabi uli ni Cosme.
" Talaga? May bago pa na darating? " Tanong naman ni Salazar. Tumango si Cosme. Napaisip ako.
" Kung ganun malaking grupo pala ito. " Bulong ko.
Pagkatapos namin kumain. Pinatawag kami.
Paglabas namin nakita namin na nakalinya na ang iba. Nasa unahan si Lieutenant George.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong nito saka tumingin sa gawi namin.
"Sir yes sir!!" Sigaw namin.
"Wala tayong practice ngayon. Dahil may bisita tayo ngayon. " Sabi nito. Maya maya dumating sila Reeve may kasama itong mga nakauniform na lalake. Kasama din nila si Mourine may kasama itong tatlong babae.
" Nais kong ipakilala sa inyo si Major Suarez at si General Mejarez. Nandito sila upang alamin ang ang mga kailangan ng ating grupo. " Sabi ni Reeve binati namin sila.
" Nais ko ding ipakilala sa inyo ang tatlong bagong makakasama niyo. Si Reyes, Delavega at Hilton. " Pakilala ni Mourine sa mga kasama niya. Sumaludo ang mga ito. Pinakilala niya kami ni Edmund. Pumila sila sa amin. Akala ko ililipat na nila ako ng silid. Pero hindi nila ako inalis dun sa silid ni Reeve. Buong maghapon wala kaming ginawa. Dahil busy sila sa bisita namin.
Kinabukasan maaga pa nasa field na kami.
"Maaga namin kayong tinipon. Dahil sa labas tayo mag eensayo." Sabi ni Reeve. Napakunot ang noo ko. Pinasakay nila kami sa truck. Ilang oras din ang nilakbay namin bago huminto ang sasakyan namin. Natuwa ako ng makita na aakyat kami ng bundok. Pagkakataon ko na para mapatay si Reeve ng hindi ako mapagbibintangan. Napangiti ako.
"Aakyatin natin ang bundok. Walang hihiwalay at lalayo." Sabi nito. Nagsimula na kaming umakyat.
Lihim kong pinagmamasdan ang paligid at si Reeve. Naghahanap ako ng magandang tyempo.
Ilang minuto na din kaming naglalakad ng pahintuin nila kami para magpahinga. Tiningnan ko ang paligid. Binigyan nila ng pagkain at inumin ang bawat isa. Nakita ko si Reeve na umalis. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Nakita ko na busy ang mga ito sa pagkain. Lihim akong pumunta sa pinuntahan ni Reeve. Hinanap ko ito. Nakita ko na masukal ang lugar na pinuntahan nito. Ng may humawak sa balikat ko. Agad na naitulak ko ito. Sabay atrras pero imbis na bitawan ako nito kinabig ako nito kaya napasubsob ako sa dib dib niya habang yakap niya ako. Nabigla ako sa ginawa nito. Kaya napatingin ako sa mukha niya. Nanlake ang mata ko ng magsalubong ang mukha namin ni Reeve at makita na gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Naitulak ko ito. Pero hinapit pa ako lalo nito. Magagalit sana ako. Kaso biglang nakarinig ako ng naglaglagang bato. Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko na bangin na pala ang likodan ko.
"Bro hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni George. Sabay kaming napalingon dito. Napatanga ito sa ayos namin. Nakayakap kasi sa akin si Reeve habang nakahawak ako sa braso niya. Natauhan ako agad kaya inis na pinalo ko si Reeve sa Natauhan naman ito. Kaya umatras habang alalay ako. Agad na humiwalay ako sa kanya. Inayos ko ang itsura ko.
Napakamot naman sa batok niya si Reeve. Nangingiti na tiningnan siya ni George. Namumula na nagpaalam ako sa kanila.
"Bwisit talaga, muntik na ako dun. Bakit ba kasi hindi ko napansin na bangin na pala yun. " Inis na bulong ko habang bumabalik sa mga kasamahan ko.
"Saan ka ba nanggaling?" Tanong ni Salazar sa akin.
"Naiihi kasi ako naghanap ako ng maiihian kaso muntik na akong malaglag sa bangin buti na lang nakita ako ni Colonel." Sabi ko na lang.
Dumating na sila Reeve nagpatuloy na kami. Pagdating namin sa taas. Pinahawak nila kami ng armas. Pinabuo nila sa amin ang mga ito saka tinuruan kung papano ang tamang pagpuntirya. Nakita ko na mga sniper ang tatlong babae na kasama ni Mourine. Napagrupo dito sila Salazar.
Habang pinupunasan ko ang baril na hawak ko. Sige ang sulyap ko kay Reeve. Iniisip ko kung papano ko ito mapapatay ng hindi na lalaman ng mga kasama namin.
" Hey masyado kang seryoso ah." Sabi ni Cosme sa akin. Ngumiti lang ako.
"Tawag kana nila ikaw na ang susunod." Sabi nito sa akin. Napatingin ako kayla George. Nakatingin ang mga ito sa akin. Huminga ako ng malalim saka pumunta sa harapan habang hawak ko ang dala ko. Pumwesto na ako. Pinuntirya ko ang nakatayo na mga larawan na nilagay nila. Inisip ko na mukha ni Reeve ang mga yun. Kaya lahat yun may tama sa pagitan ng mata.
"Grabe, ang lupit mo pala." Sabi nila Salazar hindi ako umimik. Hangang sa nakabalik na kami hindi ako nakahanap ng pagkakataon. Kaya naiinis ako.
Kasi matatagalan na naman.
Kinabukasan sa Gym naman nila kami inaya.
Tuturuan na naman nila kami. Nagulat ako ng Tawagin ni George kaming dalawa ni Reeve. Para ipakita kung papano iilagan ang mga atake gamit ang patalim. Natuwa na naman ako. Pumili ako ng patalim na gagamitin ko.
"Wag kang mailang ipakita mo kung anong kaya mo." Sabi ni George. Saka tinapik ang balikat ni Reeve. Hindi naman ito umimik. Wala itong dala na patalim.
"Yabang nito. Ngayon pagsisihan mo yang kayabangan mo." Bulong ko at mabilis na inatake si Reeve. Pero nahawakan nito ang kamay ko sabay inikot nito papunta sa likod ko saka ako hinapit palapit sa kanya.
"Masyado ka namang nagmamadali." Bulong nito sa akin. Inis na sinipa ko ang paa niya sabay piglas sa kanya saka mabilis na inundayan siya ng magkasunod na sak sak. Pero mabilis na nailagan niya ito.
"Wooh. Ang bilis mo pala kapag patalim ang hawak mo." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Napatanga ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita na ngumiti siya. Kaya nahuli na naman niya ako.
"Roles number one stay pocus kahit gaano pa gwapo ang kalaban mo. Pag nasa laban ka dahil baka maisahan ka niya. " Bulong niya sa akin ng hapitin na naman niya ako. Kinilabutan ako ng maramdan ko ang hininga niya sa tenga ko kaya inis na sisipain ko na naman sana siya. Pero pinatid niya ang paa ko kaya napaluhod ako. Pero mabilis na siniko ko siya. Kaya napaigik siya.
" Roles Number 2 wag kang masyadong mayabang lalo na kapag nasa labanan ka. " Sabi ko naman sa kanya. Napangiti siya. Lalo lang akong nainis sa kanya.