Chapter 1
"Dumating kana pala. Kumain kana ba?" Tanong ni Yaya sa akin.
"Kumain na po ako." Sagot ko habang nagpapatuyo ako ng buhok ko. Katatapos ko lang maligo at magbihis. Tiningnan niya ako.
"Kinakabahan ako sa ginagawa mo. Nagaalala ako ng husto sayo sa tuwing umaalis ka. Bakit hindi mo na itigil anak yang ginagawa mo. Hindi mo na naman kailangan kumita ng pera. Sobra sobra naman ang pinapadala ng Papa mo sayo. Kung trabaho ang hanap mo bakit hindi ka na lang maghanap ng trabaho na hindi ganyan ka panganib. Nagpasalamat ako ng umalis ka sa pagiging military. Yun pala mas mapanganib pa ang nais mong gawin." Sermon ni yaya sa akin. Huminga ako ng malalim saka nilapitan siya.
"Yaya masaya ako sa ginagawa ko. At least kahit papano nababawasan ko ang masasama sa mundo. Saka nagiingat naman ako yaya. Kaya wag ka ng magalala ha." Sabi ko sa kanya saka niyakap siya.
"Haay, ewan ko sayong bata ka. Nagaalala talaga ako sayo, pano na lang kung isang araw may masamang mangyari sayo. Sa tuwing umaalis ka sobra sobra ang kaba ko." Sabi na naman nito. Napangiti na lang ako.
"Don't worry yaya. Hindi nila kaya ang alaga mo. Sisiw lang kaya sila sa akin. " Sabi ko dito. Sabay halik sa kanya. Huminga na lang ito ng malalim.
Pagganitong nilalambing ko siya nawawala na ang galit niya. Kilala ko na siya. Alam na alam ko kung papano ko siya aamuhin. Alam ko naman na nagaalala siya sa trabaho ko at alam ko din na dilikado ang ginagawa ko. Nakataya ang mga buhay namin oras na magkamali ako. Isa akong professional assassin. Kilala ako sa pangalang Max ng mga Client ko at ang alam nila isa akong lalake. Kino contact lang nila ako sa ginawa kong Email at CP number na nilagay ko sa Email ko. Pili lang ang trabaho na tinatangap ko. Iimbistigahan ko muna ang tao na pinapatrabaho nila kung karapatdapat nga itong mamatay o hindi. Bago ko tanggapin ang trabaho at saka ko lang ibibigay sa kanila ang account number ko kung saan nila ilalagay ang bayad nila sa trabaho ko. Nung una hindi seryosohan ang ginagawa ko hanggang sa nagustuhan ko na at nakasanayan ko na. Ingat na ingat ako dahil ayaw kong madamay sila yaya sa ginagawa ko. Sila na lang ang pamilya ko maliban kay Papa. Kaya ayaw kong mapahamak sila ng dahil sa akin.
Nagpaalam na sa akin si yaya huminga ako ng malalim mahihiga na sana ako ng magring ang CP ko.
"Hello? Papa." Sabi ko ng sagutin ko ang tawag.
"Maxine Iha. Tumawag ako kagabi sayo pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Sabi ng yaya mo may lakad ka daw kagabi. Kumusta ka naman ayos ka lang ba? Natatakot na ang yaya mo sa trabaho mo. Nais niyang pagsabihan kita. Anak tama si yaya mo. Bakit nga naman hindi ka na lang humanap ng ibang trabaho. Hindi nga kita dinala dito para malayo ka sa gulo na pinasok ko. Pero mas masahol pa ang pinapasok mong gulo ngayon. Masyado kaming nagaalala para sayo. " Sabi ni papa sa akin.
" Don't worry pa. Kaya ko pong alagaan ang sarili ko. Kayo po ayos lang po ba kayo? Kung may problema kayo sa mga client niyo at sa mga kalaban niyo sa negosyo sabihin niyo lang po. Tutulungan ko po kayo. " Sabi ko sa kanya. Huminga ito ng malalim.
" Ayos lang ako. Saka nandito naman si kuya mo kaya na niyang resolbahan ang mga problema dito. Basta pagisipan mo ang sinasabi namin sayo anak. Sige na magpahinga kana alam ko na napagod ka sa lakad mo kagabi. " Sabi niya saka pinatay na ang tawag. Huminga na lang ako ng malalim saka itinabi ang CP ko sa tabi ng lampshade at ipinikit ko na lang ang mata ko. Tama si papa masyadong nakakapagod ang lakad ko kagabi. Isang leader ng mafia ang pinatahimik ko. Nagbebenta siya ng mga babae. Nalaman ko din na kinikidnap niya ang mga babae at binibenta niya sa ibang bansa para maging parausan. Masyadong mahirap pasukin ang bahay niya kaya medyo napagod ako. Kaya ngayon kailangan ko ng mahabang pahinga.
Buong maghapon akong natulog. Hinayaan lang ako ni yaya sanay na siya sa akin. Pag mahirap ang naging lakad ko. Nagpapahinga talaga ako ng buong maghapon. Pagkagising ko sinalubong ako ni yaya ng lumabas ako ng silid ko.
"Kakain ka ba ipaghahain kita?" Tanong ni yaya sa akin.
"Hindi na yaya. Parang gusto ko sa labas tayo kumain ngayon." Sabi ko kay yaya saka niyaya na ito.
"Ay ano ka bang bata ka magbibihis muna ako. Nakakahiya naman ang itsura ko. Siguradong sa mga kilalang restaurant ka na naman kakain." Sabi niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya ng umakyat na siya sa taas. Kinausap ko na lang ang mga katulong pinalista ko ang mga kailangan sa bahay. Dederetso na kami sa groceries para bumili ng mga kailangan sa bahay.
Kumain muna kami ni Yaya bago ko siya niyaya manood ng movie. Tuwang tuwa ito matagal na daw siyang hindi nakakanood ng sine. Paglabas namin nagikot muna kami sa mall pinamili ko siya. Ayaw niya pa nga pero mapilit ako. Nag groceries muna kami bago kami nagpasya na umuwi. Madilim na ng lumabas kami ng mall. Nilagay ko sa likod na upuan ang mga pinamili namin. Pasakay na kami ng makarinig ako ng sigaw ng babae. Napalingon kami sa pinanggalinga ng boses nakita ko na isang babae ang sinasaktan ng isang lalake. Pinapanood lang ito ng mga tao. Nagmamakaawa na ang babae at nanghihingi ng tulong sa mga tao pero walang naglalakas ng loob na makialam sa dalawa. Napakunot ang noo ko ng makita kong sinampal ng lalake ang babae habang hawak nito ang buhok ng babae. Aktong lalapitan ko ito ng hawakan ni yaya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Umiling siya. Huminga ako ng malalim. Saka bumalik na sa sasakyan. Aktong bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan ng may humila sa kamay ko napalingon ako dito.